Dale's POV Binalik namin ang aming attention sa show na ginanap hanggang sa matapos ang huling performance ng mga iba pang ibon. Masigabong palakpakan ang pinakawalan ng mga tao dahil sa talento na ipinakita ng mga performers. Unti-unting nagsilabasan ang mga tao na masaya lalong-lalo na ang mga bata at mga kabataan kasama ang kanilang mga magulang. Tumayo na kami at nilipat ko ang kamay ko sa baywang niya para maalalayan. "I'm hungry," reklamo niya ng tuluyan kaming makalabas sa Stadium. Tiningnan ko ang aking relong pambisig para malaman kung anong oras na. Sakto pa lang na alas-dose kaya nagutom na si buntis. "Okay, baby, let's eat," pag-anyaya ko. Nagtungo kami sa may pinakagitna ng Bird Park kung saan naroon ang restaurant. Takam na takam ang asawa ko ng maamoy ang halimuyak ng

