Mona Dahil nawala na ang epekto ng gayuma na ginagawa ko kay Papa Trebor ay isinagawa ko rin agad ang ikalawang ritwal. Gamit ko ang tatlong pirasong buhok na nakuha ko mula sa kanya. Maghihintay na lang ako ng resulta nito sa loob ng dalawa o tatlong araw. Hindi ako kuntento sa pagiging malambing nya lang sa akin pero wala naman syang nararamdaman. Gusto ko ay iyong sasabihan nya ako ng mga ganitong linyahan. "Mosh, mahal na mahal kita. Hindi ko kaya kapag wala ka." Naiisip ko pa lang ay parang kinikiliti na ang tiyan ko sa sobrang kilig eh. Gusto kong mahalin nya rin ako kagaya ng pagmamahal na mayroon ako para sa kanya. Gusto ko yung aalagaan nya ako at ituturing na dyamante na hindi pwedeng maangkin ng iba. Yan ang mga pangarap ko para tuluyan na akong maging maligaya. Ngunit ha

