Chapter 2

1264 Words
Kevin, as his usual routine, woke up early and went to the market. Doon siya nagtatrabaho bilang isang kargador. Madalas dito niya kinukuha ang kaniyang pangangailangan araw-araw, lalo na sa kaniyang financial support bilang isang colleges students. Madalang na rin kasi siyang humingi ng pera sa kaniyang mga magulang. Sakto lang din ang katayuan ng kaniyang pamilya sa lipunan, sapat iyon upang mapakain sila ng tatlong beses sa isang araw. “Labor!" Sigaw agad ni aling Dilia. Isa siyang tendira ng isda at suki na rin ni Kevin. Nang marinig ni Kevin ang sigaw ni aling Dilia ay agad na itong dumeritso upang tulongan sa paglalabor ng kaniyang mga kahong isda. Galing pa ito sa kabilang distrito, ay may limang box siya ng bangus kaya medyo mapaparami na naman ang kikitain niya nito. “Sayo ito, aling Dilia?Lalaboran ko na ha…” At agad niyang kinuha ang isang box ng isda kasama ang isang truckman. Hindi man lang niya hinintay pa na tumugon sa kaniyang ang tendira. " Marami ka yata ngayon, aling Dilia ah…siguro ubos na ‘yong sayo kahapon?" Saad ni Kevin habang buhat-buhat ang box ng isda. “Sakto lang, Kevin. Matumal rin kasi ngayon at bangus lang ang medyo mura." Sumagot naman si aling Dilia habang inaayos niya ang kaniyang mesa. Matapos mahakot ni Kevin ang limang box ng isda mula sa isang truck, ay dumating naman ang mga order na ice ni aling Dilia para sa kaniyang isda dahilan upang mapalabor na naman siya. “Naku, aling Dilia, baka naman may reject diyan lang ulam?" Pasumangil agad ni Kevin sa tendira. Minsan, kung susewertihin ay nalilibre ng isda si Kevin. Minsan presko, minsan naman ay reject na lang, ngunit kahit ganoon ay masaya si Kevin sa kaniyang araw-araw na kinikita sa market na ito. “Ay sus…mamaya na, tulungan mo muna ako rito sa paglalagay ng yelo. Minamadali kasi nila ang box eh.” Sagot naman ni aling Dilia sa kaniya. Kailangan kasi agad mailagay sa kabilang box ang isda dahil dadalhin ulit iyon ng may-ari. Kailangan na ring mapalitan ng tubig ang box lalo na at malagyan ng yelo upang ma-maintain ang freshness nito. Natagalan din bago matapos ni Kevin ang kaniyang ginagawa. Nailagay niya sa ibang box at nalagyan ng panibagong yelo. Itinapon na rin niya ang naiwang mga humol ng isda. Malangsa ito, ngunit hindi naman iyon alintana ni Kevin dahil sanay naman na Ang kaniyang katawan rito. “Oh…” Ay may inabot na supot ng isda si aling Dilia sa kaniya. Pagtingin niya ay may laman iyong isang bangus at halatang presko ito kaya napangiti na lang siya at may maiuulam na. “Kunin mo na rin ‘to…” At inabutan pa siya ng isang daang peso ni aling Dilia sa kaniyang paglalabor. "Naku, sobra naman po ito, aling Dilia. Wala pa naman akong dalang barya.” Mariin naman sagot niya sa tendira. " Hindi, you keep the change na, Kevin. Pambaon mo na rin ‘yan.” " Maraming salamat po, aling Dilia. Mauna na po ako at gising na po ngayon ang mga gurang." Napatingin naman si aling Dilia sa kaniyang paligid at nakita ang pasikat nang araw. " Oo nga pala…naku, bilisan mo na at baka mahuli kapa." Sabi naman nito. Nakangiti na ring umalis si Kevin sa market at umuwi na sa kanila. Pagkarating niya sa bahay ay sinalubong agad siya ng kaniyang inay, si Boging. “Oh… mag kape ka na doon, Kevin.” Ani ng kaniyang ina. Tatlo silang magkakapatid at pangalawa si Kevin. Ang kaniyang nakatatandang kapatid ay may sarili na ring pamilya ngunit sumusporta pa rin naman ito sa kanila. Ang nakababata naman niyang kapatid ay nag-aaral pa sa high school. “Sige, inang, si itang?" Tanong naman niya sa kaniyang inang Boging. " Umalis na. May maagang on call, eh.” Sagot naman nito at tumango na lang si Kevin bilang tugon. Pagkarating sa loob ay agad na rin siyang nagtimpla ng kape at nagluto. Matapos noon dali-dali na rin siyang naligo at nagbihis dahil maaga ang kaniyang pasok. Major subject pa naman kaya bawal mahuli. Nature kasi ng mga criminology students na kapag nalalate sa klase ay hindi ka makakapasok sa discussion, not unless tutubusin mo iyon ng pawis mo. Ibig sabihin ay you have to be given reminders. Reminders ang tawag kapag binigyan ka ng exercise bilang parusa sa hindi mo pagsunod sa alituntunin, and that, I guess was something that differ criminology course from the rest. Sa Aguinaldo's Memorial State University nag-aaral si Kevin bilang isang criminology student. Isa rin ito sa premier na university sa kanilang lugar dahilan upang marami siyang mga ka-block na galing pa sa ibang lugar o probinsya. “Oh, Kevin, sayang at umalis ka agad noong gabi. ‘Yon bang sa criminology night, hindi mo tuloy naabutan ‘yong reggae party at ang dance.” Salubong agad ng kaniyang kaibigan na si Ralp. Best friend siya ni Kevin at galing sa isang marangyang pamilya. Madalas ay nililibre pa siya nito. " Oo eh, napag-utosan kasi ako. Pero ayos lang ‘yon. May next year pa naman.” Sagot naman ni Kevin. Napatango naman so Ralp sa saad niya at napatanong. " Sandali, ano nga bang nangyari sa inyo ni Prof. Kenny? Lasing na lasing na ‘yon eh noong hinatid mo. She even fell to our table…” He said at tumawag pa. Napaisip naman si Kevin kung ano nga ba talaga ang nangyari sa kanila ng kaniyang professor… “Wala naman eh…” Sagot niya, the. he gazed up. Thinking out of the blue, and recalling what really happened to him that day. Perhaps ,wala rin siyang naalala dahil noong magising siya ay nasa kwarto naman siya ng kanilang bahay. " I just, you know, hinatid ko lang si Prof. Kenny doon sa tinitirhan niyang bahay.” “Are you sure, Kevin?" Then he nodded bilang tugon sa curious na tanong ni Ralp. “Sa bagay hindi ka naman nakainom that time. And besides, I knew you quite well, Kevin. Kaya ka lang naman hindi umiinom kasi nakakalimutan mo ang mga nangyayari sayo the moment na malasing ka na. Yet, nare-remember mo rin naman ‘yon the moment you see something that reminds you of what happened. You know, place, things, people?” " Sira!” At binatukan pa niya ang kaniyang kaibigan. "Kaya ayaw ko malasing eh kas baka kung ano pa ang gawin ninyo sa akin.” Nagpatuloy lang sa kwentohan ang dalawang kaibigan patungkol sa mga nangyari noong gabing iyon. Ganoon din ang ibang mga students, perhaps, that was their first time experiencing such an event of their department. “Good morning Prof!" Bati ng ibang mga students sa kabilang gilid. They are not at eased dahil nakatayo sila ng tuwid sa kabila man ng kanilang ginagawa. Napalingon naman si Kevin at si Ralp at doon ay nakita nilang paparating sa kanila si professor Kenny. As usual, malalim ang mga tingin nito na para bang ang hirap kausapin. “‘Tention!” Sigaw agad ni Ralp, habang si Kevin naman ay nakatayo lang ng matuwid habang nakatitig sa papalapit na professor. " Good morning Prof!” Bati ni Ralp, ngunit hindi naman makagalaw si Kevin. Nang makalagpas na sa kanilang kinatatayuan ang kanilang professor, ay sinundan pa rin iyon ng tingin ni Kevin, na para bang may nararamdaman siyang kakaiba. He felt something that so deep, which really got his curiosity towards his professor, Kenny. " Huy! Okay ka lang!?” Sigaw naman ni Ralp sa kaibigang tulala at malalim ang iniisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD