“Pinsan naman… pagbigyan mo na ako rito.” Sagot naman ni Enting sa pinsan nitong kakabatok lang sa kaniya. " Baka ma wish grantedness din ako eh.” Naisip kasi niyang kung ang pinsang si Kevin ay tinupad ng bathala ang hiling, dapat siya rin. Halos parehas lang naman sila ng hiniling sa batong nadungaw sa bangin. "Hmmm…" Tumango lang si Kevin bilang tugon nito. “Oh siya sige… tingnan natin kung saan ka pupulutin ngayon.” At naglakad si Kevin papalayo sa kaniya. "Hoy… saan ka naman pupunta?" Tanong agad ni Enting matapos niyang makita ang pinsan na naglakad papalayo sa kaniya. “Dito lang ako…” Sagot naman nito sabay turo sa isang upuan sa gilid kaharap ng bilyaran. " Uupo lang. Titingnan ko lang kung saan ka pupulutin ngayon.” Ngumisi lang din si Enting sabay kindat nito sa pinsan. "

