Sureness ka na ba talaga, pinsan? Sabi mo kalimutan na natin ‘yong deal eh bakit pupuntahan pa rin natin ‘yong si professor mo?" Tanong ni Enting sa kanyang pinsan habang naghahanda ng pedicab upang puntahan ang bahay ni professor Kenny. Alam kasi ni Kevin ang sakto niyang address dahil ibinigay iyon ni professor Jayon sa kaniya. Napagisip-isip kasi ni Kevin na hindi siya habang buhay na dapat magtago. And besides, kailangan niyang humarap sa kanyang responsibilidad. Mabuting tao si Kevin, at may pagka-conservative. Kaya naman gusto niyang patunayan kay professor Kenny na deserving siyang kilalanin bilang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Maaring isang pagkakamali man ang lahat ng nangyari sa kanila, ngunit hindi isang pagkakamali ang bata. Buhay ang nakasalalay dito, at hindi kayang isipin

