“Sino ‘yong mga ‘yon?" Tanong ni Kevin sa pinsan niyang si Enting na namumula ang leeg dahil sa malakas na pagkasakal. Nakauwi na rin sila at nasa sila sila kasama ang kanyang lolo Lucio at ang tiyo Emong niya. “A-ano ba kasing nangyari, Kevin? Bakit namumula ‘yang leeg ng pinsan mo?" Taranta namang nagtanong si lolo Lucio kay Kevin. Gusto kasi niyang malaman kung ano talaga ang totoong nangyari. “Ikaw na ang magsabi, pinsan…” Sambit naman kaagad ni Enting habang pinupunasan ng malamig na tubig ang kaniyang leeg. Agad naman tumango si Kevin matapos niyang marinig ang ani ng pinsan niya. He told everything that happened sa may bilyaran at kung paano nasakal ng ganoon ka lakas itong pinsan niya. Hindi naman makapaniwala si lolo Lucio sa mga narinig niya. Hindi kasi niya lubos maisip na aa

