Paano nga ba natatapos ang isang tula?
Paano ako nakarating sa puntong ito?
Magsimula tayo sa umpisa.
Sa umpisa na hindi ko kilala ang sarili ko.
Sa umpisa kung saan kita unang nakilala.
At nakilala ang sarili ko.
Sa bawat ngiti, sa bawat detalye tungkol sa iyo, nahulog ako.
Pinulot ang bawat piraso mahalin ka lang ng buong-buo.
Ngunit kung kailan sapat na, tama na,
Umalis ka at nadurog ako.
Nadurog ang bawat piraso na nabuo dahil sa iyo.
Gabi-gabi lumuluha.
Gabi-gabi nalulunod sa bawat alaala mo.
Ang tanging paraan para makahinga ako.
Ngunit kailangan kong bumangon.
Pulutin muli ang mga basag na piraso
Kahit nasasaktan at nasugatan,
Ako’y tumayo.
Four years ealier
"WHAT ARE YOU doing here?" Tulad nang inaasahan ni Soleil, iyon na agad ang sinalubong sa kanya ng mama niya nang magpunta siya sa mansiyon na tinitirahan nito kasama ang pangalawang asawa nito.
"Well, I'm visiting you, mother." Hindi mapigilan ni Soleil ang maging sarcastic. Mapait na napangiti pa siya at inilibot ang tingin sa malawak na hardin. Never siyang naging welcome sa bahay na iyon, pero dahil matigas ang ulo niya, palagi siyang nagpupunta pa rin doon.
"Wow. What a view. This is what you always dream of, right?" mapait na tanong ni Soleil sa ina. Proud na sinalubong naman siya nito ng tingin.
"Yes," walang kagatol-gatol na sagot nito. Poise na poise ang tindig. Ibang-iba na ito eleven years ago. Payat, depress at parang wala ng ganang mabuhay. Well, she was happy for her mother, really. Pero may isang bagay lang naman siyang hinihiling mula rito.
"Ma, malapit na ang birthday ko," bigla ay parang bata na sabi ni Soleil. Ganoon naman siya taon-taon kapag ipinapaalam sa ina ang kanyang birthday. Dahil alam niyang hindi nito naaalala ang bagay na iyon, or mas tamang sabihin na ayaw nitong alalahanin ang birthday niya. At sobrang sakit non para sa kanya.
"And so? Since when did we celebrate your birthday?" walang emosyon na tanong nito.
Right. Bakit ba kasi umaasa pa siya? In her twenty-one years of existence, why couldn’t she get used to it? Ang sarili niyang mama, walang pakialam sa kanya. Ni hindi nga yata siya tinatrato nitong anak. Isa lang siyang pagkakamali na araw-araw nitong pinagsisisihan.
“Ganyan ka na ba talaga katigas pagdating sa akin?”
Nang hindi sumagot ang kanyang ina ay nag-uunahan na sa pagpatak ang luha ni Soleil. Unti-unting gumuho ang pag-asa niya.
"Ma, anak mo ko! Anak mo ko kung hindi mo naaalala! Kung ayaw mong alalahanin, Ma!" Hindi na niya napigilan ang kanyang emosyon. Ilang taon niyang itinago ang sakit na iyon, and this time, hindi na niya kayang pigilang manumbat. "Ma, tao lang din ako..." nanginginig na ang boses na sabi niya at marahas na pinahiran ang mga luha. Pinipigilan niya ang pagtulo ng mga iyon pero ayaw tumigil. Sunod-sunod na parang malakas na ulan na bumuhos na iyon. Lalo na't wala siyang makita kahit ni anong reaksiyon mula sa sariling ina.
"Kung nahirapan ka, nasaktan... Ma, nasasaktan din ako. At araw-raw, taon-taon akong nasasaktan, Ma. Kung alam mo lang." Napakagat-labi na siya para pigilan ang sarili na mapaghagulgol.
"Sisihin mo ang walang hiyang ama mo! Sinira niya ang buhay ko! Sinira n'yo ang buhay ko!" May bumakas na sakit at pait sa mukha ng kanyang ina. Napailing si Soleil habang pinupunasan ang mga luha na wala na yatang tigil sa pagpatak.
"And after all these years, I’m suffering from what my father did to you. But it’s not my fault, Ma! Its not my fault!"
"You’re a reminder of what he did to me."
Napahikbi si Soleil. Iyon naman ang laging sinasabi nito sa kanya.
"Aren’t you happy now, Ma? Kayo na ulit ng first love mo. May anak na kayo. Why can’t you just accept me? Anak mo din ako. Anak mo pa rin ako!"
"What exactly do you want? I’m giving you everything you need! Pinag-aaral kita at binibigyan ng pera kahit magkano ang kailangan mo. Ano pa bang gusto mo, ha?"
Mapait na napangiti si Soleil. Alam naman niyang kahit kailan ay hindi siya mananalo sa laban na iyon. No. Never. Dahil sarado na ang pinto ng mama niya para sa kanya. Hindi siya nito mahal. Never siyang minahal. Pero sa kabila n’on, mahal pa rin niya ito.
Tumayo na si Soleil at muling pinunasan ang kanyang nanlalabong mga mata.
"Ma, you know what? If I was just there before and I could do something just to prevent everything to happen, I will do it. Kahit na ang mawala ako sa buhay mo. Because I love you, Ma. I love you eventhough you don’t feel the same..."
For the nth time, umasa si Soleil na may makukuhang reaction mula sa ina… kahit kaunti lang, pero tulad ng dati, bigo pa rin siya. Lalo tuloy lumakas ang pagbuhos ng mga luha niya.
"I don't need your money. I dont need your f*****g money, Ma! And I’m willing to exchange all those f*****g money just for you to accept me as your daughter. Hindi ko na naman hinihiling na isama mo ako sa bagong pamilya mo, Ma...” Saglit na tumigil siya sa pagsasalita dahil kinakapos na siya sa paghinga dahil sa walang tigil na pagtulo mga luha niya, saka muling nagpatuloy. “Kuntento na ko sa apartment na ibinigay mo. Pero sana, Ma, tanggapin mo na ako bilang anak mo. Cause I came from you! Kahit maramdaman ko lang kahit kaunti ang pagmamahal ng isang ina. Kahit kaunti lang, Ma. That’s all I need... That’s all Ive been asking from you all these years. Pero ang damot mo, Ma. Ang damot mo, eh. Pero alam mo, Ma? I’m still hoping that someday, you will appreciate my presence. That you will need me..." Pero parang bato na walang emosyon na mababakas sa mukha ng kanyang ina. Lagpas-lagpas ang tingin nito sa kanya. Para siyang unti-unting pinapatay sa sakit.
Humugot nang malalim na hininga si Soleil. "Hindi naman ako magce-celebrate ng birthday. Gusto ko lang ipaalala sa `yo. Umasa kasi ako na this time, baka may pakialam ka na. Wala pa rin pala."
Nag-iwas lang ng tingin ang kanyang ina. At manhid na siya sa sakit. Hindi niya alam kung anong nagawa niya sa past life niya para maranasan niya iyon… sa sarili pa niyang ina.
"Aalis na po ako." Tumalikod na si Soleil at nagsimulang maglakad palayo. Pakiramdam niya ang bigat-bigat ng bawat hakbang niya. Until now, bigo pa rin siyang uuwi sa apartment. Napapagod na siya. Tired of asking for the love she think she deserved.
"Mommy! Mommy!" Napatigil sa paglalakad si Soleil nang marinig ang boses na iyon. Napatingin siya sa grand staircase na malapit na sa pinto. Napatigil din ang batang babae sa pagbaba ng hagdan. Napatingin din ito sa kanya.
Adelaine. Hindi niya alam kung alam ng batang ito ang tungkol sa kanya. Pero sa tingin ni Soleil, hindi. Hindi siya kahit minsan naikuwento ng ina kay Adelaine. And how she envy this ten-year-old girl. Alam niya ang ilang detalye tungkol dito dahil nasabi sa kanya ng Tita Jenna niya.
Soleil smiled bitterly at Adelaine. She looked exactly like her mother. She was beautiful. Mabuti pa ito, naranasan maalagaan ng kanyang ina. Samantalang siya, kailangan pa niyang magmakaawa.
Nag-iwas na siya ng tingin kay Adelaine at nagsimulang maglakad palabas. She felt tired all of a sudden. Eleven years ago, akala ni Soleil magiging okay na ang lahat. Pero ang kanyang ina lang ang naging okay, hindi ang pakikitungo nito sa kanya. Tulad pa rin dati ang tingin nito sa kanya—isa sa mga sumira sa buhay nito.
Twenty-one years old ang mama ni Soleil nang mabuntis ito ng kanyang ama na never niyang nakilala. At hindi rin nito personally kilala. Sa isang party iyon ng kaibigan ng ina. Na invited din ang kanyang ama. Her mother was drunk and wasted. Hindi na nga raw ito nakauwi. Nag-inom daw kasi ito nang nag-inom dahil nag-away ito at si Tito Mike, ang first love ng mommy niya. Hanggang sa magising na lang ito kinabukasan na hubo’t hubad na at may katabi sa kama sa bahay ng kaibigan. Na siyang ama niya.
It was partly her fault, sarkastikong sabi ng isang bahagi ng isip ni Soleil. Pero alam niyang never iyon aaminin ng mama niya.
"Ni-r**e" o dinrugs daw ito ng ama niya kaya nagising na lang itong ganoon. Wala na raw itong maalala sa nangyari. It was supposed to be a secret. Pero nabuntis ang mama niya na hindi nagawang tanggapin ni Tito Mike. Nakipaghiwalay ito sa babae. And to make things worst, hindi rin ito pinanagutan ng kanyang ama. Ilang beses daw ginusto ng ina ni Soleil na ipalaglag siya. Pero laging nandoon ang kanyang Tita Jenna para pigilan ito.
Napangiti si Soleil nang maalala ang kanyang Tita na siyang nag-alaga sa kanila noon at nagkuwento sa kanya ng nangyari sa kanyang ina. After giving birth to her, her mother was never the same. Nagpa-function pa daw ito pero wala ng buhay. Nagtatrabaho para mabuhay ang sarili at maipambisyo. Naging alcoholic ang kanyang ina. Ilang beses natanggal sa trabaho hanggang sa ang Tita Jenna na niya ang tumutustos sa pangangailangan nila.
Ilang beses siyang nakatikim ng pananakit noon mula sa sariling ina. Palagi siya nitong sinisisi sa nangyari sa buhay nito. Siya raw ang malas sa buhay nito. Palaging si Tita Jenna ang nandiyan para sa kanya. At her very younge age, naranasan niyang halos malumpo sa pambubgbog ng ina. At matindi ang naging apekto noon sa childhood niya.
Until eleven years ago, she was just nine years old back then, nagsimulang mag-ayos ulit ang kanyang mama. Pero hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Doon niya nakita ang pagkabuhay ulit nito. Hanggang sa magulat na lang siya na nag-eempake na ito. Iyon pala ay sasama na ito kay Tito Mike na iniwan na rin ng asawa at anak nito that time.
Naalala niya kung paano siya halos magmakaawa sa kanyang mama noon huwag lang siyang iwan…
"Mama, huwag mo kong iwan, mama!" humahagulhol na sabi ni Soleil at todo-kapit sa ina kahit sobrang hapdi na ng mga kamay niya dahil sa higpit ng pagkakahawak nito para lang matanggal ang kamay niya. "Bitawan mo ko, Soleil. Punyeta ka talagang bata ka!" Hinding-hindi makakalimutan ni Soleil nang sabutan siya ng sariling ina kahit na ilang beses na nitong ginawa iyon.
"Aray, Mama. Tama na po! Huwag n’yo po akong iwan!" At muli na naman siyang kumapit sa dulo ng damit ng ina. Halos makaladkad na siya dahil pilit pa ring naglalakad ang ina palabas ng bahay. Nakita niya ng kunin nito ang padlock ng bahay. Hinang-hina na siya kakaiyak. At nang makarating sila sa pinto ay tinanggal uli nito ang pagkakahawak niya sa dulo ng damit nito, saka siya itinulak papasok ng bahay. Hindi niya iyon inaasahan kaya natumba siya. Masakit ang naging pagkakabagsak niya pero ininda niya iyon para lang mahabol ang ina na agad na isinara ang pinto.
"Mama! Mama!" umiiyak na sigaw ni Soleil at pinaghahampas ang pinto lalo na nang marinig niya ang pagtunog ng padlock. Ilang beses niyang kinalampag nang kinalampag ang pinto pero walang nangyari. Iniwan na siya ng ina. Ilang oras siyang umiyak nang umiyak habang nakasandal sa pinto. Dumating pa sa point na nagdasal siya na sana bumalik ito at hindi na siya iiyak kahit lagi siya nitong bugbugin. But her mother didn’t come back. Hanggang sa dumating si Tita Jenna.
Muli siyang umiyak nang umiyak sa Tita niya hanggang sa sabihin nitong mag-aasawa na daw ulit ang kanyang mama. Na sumama na ito kay Tito Mike. Hindi niya kayang tanggapin na iniwan na siya ng kanyang ina. Mahal niya ito kahit lagi siyang binubugbog. Umasa siya na babalik ito pero lumipas ang isang linggo, isang buwan, dalawa, tatlo, apat, walang ina ang bumalik.
Si Tita Jenna na ang nag-alaga sa kanya. Ilang beses silang dumalaw sa mama niya sa bagong bahay nito kahit ayaw nito. Alam niya na ginagawa iyon ni Tita Jenna para sa kanya. She loved her so much.
At habang tumatagal, natatanggap na ni Soleil na hindi na siya puwedeng makasama sa buhay ng ina at sa bagong pamilya nito. So, nag-settle siya sa nag-iisang bagay na kaya nitong ibigay—financial support. Lalo na nang finally, nakakilala ng kanyang Tita ang lalaki para dito. Mabuti na nga lang hindi naging matandang dalaga ang kanyang Tita Jenna.
Noong una, ramdam ni Soleil na okay lang na manirahan pa rin siya sa Tita niya. Pero habang tumatagal, nararamdaman niya na nagiging pabigat na siya. Lalo na nang mawalan ng trabaho si Tito Rick dahil nalugi ang pinapasukan nito at buntis si Tita Jenna kaya tumigil ito sa pagtatrabaho.
Nagpasiya rin ang dalawa na tumira sa Zamboanga, ang probinsya nina Tito Rick dahil hindi na kayang manirahan ng dalawa sa Manila. Kaya naiwang mag-isa si Soleil noong sixteen years old siya. Gusto siyang isama ni Tita Jenna pero siya na ang umayaw. Naisip niya na panahon na siguro para maging responsibilidad siya ng ina. Lumapit siya rito at sinabi ang nangyari kahit na alam niyang alam na nito. At the back of her mind, umasa siya na tatanggapin siya ng ina at papatirahin sa bahay ng bagong pamilya nito.
Pero mali siya. Hinanapan siya nito ng apartment malapit sa campus na pinapasukan niya. At binigyan ng isang katulong na mag-aalaga sa kanya pero hindi rin nagtagal. Dahil doon nagrebelde si Soleil. Papalit-palit siya ng katulong. Hanggang nang mag-eighteen years old siya, hindi na siya binigyan ng katulong ng ina dahil matanda na raw siya. Nagagawa na nga raw niyang magrebelde.
Pero walang siyang pakialam noon. Dalawang beses siyang umulit noong first year college siya. Isa noong second year. Sakit siya sa ulo ng kanyang ina. This year lang siya tumino. She felt tired of ruining her life. Wala namang pakialam ang kanyang ina kahit anong gawin niya. She decided to focus on her studies and have a normal life. Na tanggapin na lang na excess baggage lang siya. Na mag-isa na lang siya...