Chapter 5
Ang nakalipas...
Naging hari ng leon at tigre si prinsepe Patrick at dahil sa isang di pangkaraniwang balita naglakbay siya.
At sa daan ay naki-pagpambuno siya sa isang Pugot. Natalo ito at ginawa nitang baluti ang ulo nito upang ikubli ang kanyang tunay na estado.
Sa pagpapatuloy...
Ang kahariang kanyang pupuntahan ay may tatlong Prinsesa.
Ito ay sina Prinsesa Sparkle,Prinsesa Dal at ang bunso na may katangitanging kwento kung paano soya muling nakapiling ng kanyang kaharian, si prinsesa Jasmin.
Si prinsesa Jasmin ay isang mahirap lamang na bata. Iyon ang akala niya kayat nagsikap siya na maging isang magaling at mahusay na manunulat at higit ay maging isang play artist sa mga tiyatro (tiyatro... Ito ay isang tanghalan "theater" sa ingles).
Hanggang sa. Sa isang malaking tanghalan siya nagbidang babae. Ang kwento ni Sleeping Beauty. Siya ang gumanap na beauty ng makisig na lalaking si Amboy.
Di paman siya nakauuwi ng malaman niyang may naghahanap sa kanya.
Laking gulat niya ng makarating sa kanila'y isang napakagarang karwahe (kalesa) ang kanyang nakita sa kanilang bakuran na nakahimpil roon.
At nang makapasok ay nagiiiyak ang kanyang kinagisnang ina at ama.
...p.s.
Sorry ayaw ko ng gaanong iyakan po mahal na readers.. So cut po natin.. He he... Zirk
Di naglaon ay pinagempake siya ng kanyang mga gamit at isasama na ng tunay niyang ina at ama.
Note...
Tama po. Isa siyang prinsesa.
At may dalawa pang kapatid na prinsesa. Sina Prinsesa Sparkle at Prinsesa Dal.
Balik po tayo sa kwento.
Nang makapagpasya si Prinsepe Pugot na magtungo sa kahariang kanyang sadya ay kinausap niya ang kabayong si Babika.
Nagkaunawaan naman sila na tawagin lamang ang pangalan nito sa tuwing kaylangan at darating siya.
Naghiwalay na sila ng kabayong si Babika na nagbalik sa kaharian ng Leon at Tigre.
Sapagkat kung wala ang haring si Prinsepe Patrick ay ang Leon at Tigre ang hari.
Nagpanggap na muli si Prinsepe Patrick na naghahanap ng matutuluyan at trabaho.
Tamang naghahanap naman ng pastol ang kaharian at siya nga ang naging pastol ng mga tupa ng hari sa ika-pitong bundok.
Laginay nagigising ng umaga si Pugot(Prinsepe Patrick).
Siya namang paglabas sa beranda ni Prinsesa Jasmin.
Hanggang tingin lang at hindi maaaring magkaroon ng katipan ang Prinsesa ng isang Pugot.
Ibigsabihin ay ng isang pastol ng tupa lamang.
Ngunit hindi nila alam na si Pugot ay isang Prinsepe na naging Hari sa kaharian ng Leon at Tigre.
Sa puso ng kabundukan at kaparangan.
Matalinong pastol si Pugot at napasunod agad ang mga tupa ng hari.
Sa paglipas pa ng mga araw ay dumating na muli ang isa Higante na may Tatlong ulo.
Ang hangad ay mapangasawa ang unang anak ng hari nang hindi na ito manggagambala pa.
Ang unang pagsubok ni Prinsepe Pugot:
Ang matalo ang Higanteng may Tatlong ulo na sana'y mapapangasawa ni Prinsesa Sparkle.