Chapter 10

801 Words
Chapter 10 ANG TUNAY NA ANYO NI PUGOT (the real face of Pugot * prince (king) Patrick of princess Jasmin) Malapit na ang dalawang prinsepe sa palasyo at sa daan ay kanilang nakita si Pugot na papunta palamang. Ang hindi nila alam ay nakakubli lamang ang kabayong si Babika na may dalang tatlong basket ng ibat-ibang prutas at ang tunay na gatas ng Leon at Tigre. Ay Pugot. Papunta ka palang pabalik na kami. Kantiyaw nina Prinsepe Pedro at Prinsepe Diego. Tamang nakaliko ang dalawa ay siyang pagbaba ni Pugot at tinawag si Babika at nagpahatid sa kanilang bahay ni Prinsesa Jasmin sa labas ng palasyo at nang maihatid ni Kabayong Babika ang Prinsepe ay nagtungo naman itong muli sa kaharian ng Leon at Tigre, kung nasaan ang kanyang malapalasyong kwarto.. Napapalamutian ito ng mga mamahalin at babasaging muwebles at mga nagkikislapang diamanteng kristal sa kisame. Ang kamang punom-puno ng makukulay na bato at iba pa. Sa bahay naman nina Prinsepe Patrick at Prinsesa Jasmin ay hindi magkanda mayaw sa pagtawa ang prinsesa dahil sa kwento ni Prinsepe Patrick na nangyari sa dalawa niyang bayaw. Unang nagpainom ng gatas si Prinsepe Pedro. Makalipas ang isang araw nagbalik muli ang sakit ng reyna. Kung kayat sumunod na nagpainom si Prinsepe Diego ngunit kung ano ang.nangyari sa una ay ganoon din. Ito po mahal kong ina si Prinsesa Jasmin sa reyna. Tamang paginom ng reyna sa ikatlong pagkakataon aynanumbalik ang kantang sigla at parang masenergetic pa ang reyna. Kaya nagpapigingang hari at bitado ang lahat gayong sabi ni Pugot na sa araw ng isang Piging sa palasyo ay darating si Haring Prinsepe ng mga Leon at Tigre. Walang naka-aalam na siya ang taong iyon at siya ang dadalo sa gaganaping piging ng paggaling ng reyna. Mahal ko. Ano iyon mahal ko. Ang sagot ni Prinsesa Dal sa asawang Prinsepe. Sanay makilala natimg ang haring sinasabi mo. Oo naman mahal ang sagot sabay yakap ni Prinsepe Diego sa asawang si Prinsesa Dal. Ang sweet naman . Puna ni Prinsesa Sparkel kasama ang kanyang asawang Prinsepe. Sa bahay naman nina prinsa Jasmin at prinsepe Patrick ay nagkatipon-tipon ang mga Leon at Tigre kasama amg iba pa at ang tatlong Higante na natalo ni Prinsepe Patrick upang iligtas ang tatlong Prinsesa noon. Dapat tayong lahat ay maghanda rin sa pagdalo ng haring prinsepe ika ng leon at tigre. Tama. Sangayon namanng lahat sa dalawa. Kung kayat sa araw ng piging ay nakabihis ang mga ito at nasa likuran lamang ng haring prinsepe. Kainan na sa loob ng palasyo at nakikitaan ng pagaalala ang haring ama ngvtatlongbprinsesa sapagkat ang asawa mg bunsong si prinsesa Jasmin ay wala sa naturang piging. Sa hapagkainan ay hinainan ng letson at salad ni prinsesa Sparkel ang kanyang Prinsepe. Si prinsesa Dal naman ay hamon at keso sa esposong prinsepe. Samantalang kararating lamang ni prinsesa Jasmin at kanyang ihinain sa harap ni Prinsepe Patrick ang nilagang buto ng long beans na binalot sa dahon ng saging at gayun din ang kanin. Hustong naihain lahat ni prinsesa Jasmin ang pagkain sa harap ni Prinsepe Patrick ng tumayong galit ang amang hari. Prinsesa Jasmin! Bakit iyan ang hinahain mo sa hari ng leon at tigre? Oo nga naman at hindi pa nahiya. Ang sabad naman ni prinsesa Dal. Tama nga. Pwede jasmin, ihainan mo ang haring prinsepe ng nararapat sa kanya. Dugtong naman ni prinsesa Sparkel sa tinuran ni prinsesa Dal. Magtigil nga kayo. Uno at dos. Ang sagot ni prinsesa Jasmin. Kung kayat nagkatinginan ang dalawang prinsepe. Ayon sa tinuran niyang numero. Paano niyang alam. Ika ni prinsepe Diego na nakatingin kay prinsepe Pedro na ganoon din ang tanong. Huwag po ninyong pagalitan ang aking prinsesa Jasmin mahal na hari. Sapagkat ang mga ihinaon niya ay tama po lamang. Dahil ako at si Pugot ay iisa. Patawarin mo ako mahal na haring.prinsepe. Naku, ako man mahal na hari. Mahal na reyna . Ending na po. Ha ha. Pagtawa ni Reyna Camille sa tanong ng butihin niyang prinsesa Ayesha. Naku hindi, dahil nagbalik ang prinsepe at ang kabayong di Babika kasama si Prinsesa Jasmin sa kanyang kaharian kung saan naghihontay ang kanyang amang hari at ang tunay na ina ni prinsepe Patrick. La. Hm. Ano iyon aking prinsesa Chanci. Ika ni reyna Camille. Happy ending po. Hm. Maaari kong sabihing somula pa lamang . Ay . Ganoon po. Sabay- sabay na tiran ng tatlong prinsesa na sina prinsesa Riza , prinsesa Jhansis at prinesa July . Hala! Malapit na ang piging ng palasyo , at yaman din lamang na natapos na ang kalahati ng kwento ay magsi panhik na kayo sa inyonga silid at maghanda para mamayang gabi. Opo mahal na reyna. Ang koro ng lahat ng prinsesa at saka humalik sa kanilang mahal na reyna Camille at nagmano sa mahal na haring Roland.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD