Prologue:
Pagkatapos siyang i-divorce noon at masaktan nang todo, naging manhid na si Kany ngayon. Hindi niya alam kung bakit nag-iba ang kanyang ugali—dahil ba sa lahat ng pinagdaanan niya sa piling ni Dylan noon? o dahil sa karangyaan at kapangyarihan ng buhay na natamasa niya ngayon?
Hindi man niya maiiwasan na kabahan sa muling pagkikita at pag-uusap nila ngayon ay alam niyang matatag na siya at matapang na babae.
At walang sino mang makakapagpa-taranta sa kanyang lalaki kahit si Dylan Zachary pa iyon ay never siyang matakot.
"Welcome back, sweetheart! Nagulat ako sa biglang pagbabalik mo." Nakangiting bati ni Dylan sa kanya.
Ngunit siya ay nanatiling malamig at seryoso.
"I know you’ve been missing me, since you really came here." Dagdag ni Dylan na napasandal at parang kampanteng- kampante lang.
Bahagyang tumaas ang kanyang isang kilay.
"You think I still love you, Mr. Dylan Zachary Valerioso? You’re wrong."
Marahan siyang napangiti, ngunit malamig ang kanyang mga mata—walang bakas ng dating lambing.
"The girl you once broke… she no longer exists. All I want now is my child—not you, the face I’ve hated for so long."
Napangiti si Dylan, tinanggal ang salamin sa mga mata at mariin siyang tinitigan.
Nagkasukatan sila ng mga tingin. Ipinakita niya ang kanyang katapangan at kailangang hindi siya maging mahina sa harap nito.
Tumayo si Dylan mula sa kinauupuan, ganon parin, matangkad, malakas ang tindig at taglay ang lakas ng karisma bilang guwapong lalaki. Humakbang ito patungo sa kanya habang nakatitig sa kanya.
"Are you sure you can stand by those words, Sweetie? That you don’t love me anymore?" mababa at mapanganib ang tono nito.
Napalunok si Kany at umatras ngunit hindi siya nataranta.
Minsan man siyang naging asawa nito at minsan man niyang minahal si Dylan—isang makapangyarihang mafia heir— ngunit kahit katiting ngayon ay wala na sa isip niya na muling magpapaalipin ng kanyang damdamin.
Sa likod ng pagpapakasal nito noon sa kanya ay isang panggagamit, pagtataksil, panlilinlang ang ginawa nito hanggang siya'y winasak nito.
Ngayon, bumalik siya—mas matatag, mas mapanganib, at handang bawiin ang anak na kinuha sa kanya. Ngunit sa muling pagtatagpo nila ngayon, hindi lang nakaraan ang babalik—Kundi ang apoy na hindi kailanman tuluyang namatay.
At ang pagkikita nila, hindi lang nakaraan ang babalik—kundi ang labanan ng kapangyarihan, galit, at pagnanasa na magtatakda sa kanilang kapalaran.
"Anak ang gusto mo, right? Then marry me again, Kany." Seryosong saad nito sa kanya habang hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
Para bang huhubaran na siya sa lagkit ng mga tingin nito sa kanya.
Namula ang mukha niya— hindi dahil sa kilig kundi dahil sa galit dahil pakiramdam niya ay isa lang talaga siyang laruan para dito. Pagkatapos i-devorce noon ay yayain uli siya ng kasal ngayon? Gagø!
"Are you kidding me, Mr. Dylan Zachary? I’d only marry you again if I were dead!"
CHAPTER 1
Ang araw sa lungsod ay mainit, at ang mga tao ay nagmamadali sa kani-kanilang mga gawain.
Si Kany Jarobella— isang dalagang desi otso ang edad, naglalakad pauwi mula sa kanyang klase, bitbit ang ilang libro at baon ng tanghalian.
Nang bigla siyang harangin ng tatlong lalaki, malalaki at mga bastos.
"Hi, Miss! Sumama ka na sa amin, mas masarap kapag bata pa," Nakangising wika ng isang lalaki na
na agad siyang hinablot at hinalikan, napasigaw siya sa takot.
"Bitawan niyo ako! Mga bastos!" sigaw niya, nanginginig sa galit at takot.
Bago pa man niya maipagtanggol ang sarili, isang binata ang lumitaw sa gitna ng mga lalaki.
Mataas, maayos ang tindig, at may aura ng kapangyarihan na halos kumikiskis sa hangin. May pitong lalaking nakasunod rito, na halatang mga bodyguard nito.
"Any of you got a problem with that woman? If not… get the hell out of my sight before I make you regret it." Pagbabanta ng guwapong lalaki.
Sa isang titig lang nito, naitaboy niya ang tatlong lalaki.
Kita naman ang takot sa mukha ng tatlong lalaki at nagmamadali ang mga itong umalis.
Nakahinga naman si Kany ng maluwag. Ngunit sa isang iglap ay hinila siya ng lalaki papunta sa gilid ng fountain plaza, isang eleganteng lugar na puno ng maayos na halaman, marble benches, at sparkling fountain—isang spot na paboritong puntahan ng mga mayayaman, ngunit accessible sa mga ordinaryong tao.
Si Kany ay natulala, hindi makapaniwala.
"S-salamat po…" Huli na niyang pasalamat na nanginginig ang boses, habang tinitingnan ang paligid na kakaiba sa kanyang pangkaraniwang mundo.
Ngumiti ang binata, ngunit may intensity ang kanyang mga mata—isang tingin na para bang alam niya ang lahat, na kontrolado niya ang sitwasyon.
"Make sure this never happens again," sabi niya, mababa ngunit may halong authority at confidence na hindi maikaila.
Ang bawat salita niya ay may bigat, at sa kahit simpleng galaw, ramdam mo ang aura ng kapangyarihan—isang presensya na puwedeng takutin, puwede ring humanga.
"Ahh, o-opo, Sir!" Sabi niya na nanginig dahil sa tila mapanganib na dating ng lalaki at sa labis na kaguwapohan nito.
Bago siya tuluyang lumakad palayo kasama ang mga tauhan nito, nagmistulang naglaho sa paligid ang ingay, at si Kany ay hindi makagalaw.
May kakaibang init sa kanyang tiyan—isang halo ng takot at kilig. Hindi niya maiwasang huminto sa paghinga, iniisip kung sino ba ang lalaking iyon na parang lumabas sa ibang mundo.
Humihingal si Kany at dali-dali na siyang umalis doon at umuwi sa kanilang bahay.
Pagdating naman niya.
Humihingal pa siya nang muling maalala ang nangyari.
"Nay, magandang Hapon po." Bati naman niya.
"Anak?" Pansin nito.
"Nay, May… may… may guwapong binata po na… na…" hindi niya maipahayag ng maayos.
"Anong nangyari, anak?" tanong ng kanyang ina, nag-aalala.
"N-niligtas po ako ng guwapong lalaki mula sa tatlong lalaking mga bastos, nay! Ang… ang lalaki po… guwapo po… at parang… parang may kapangyarihan po siya! At… at dinala po niya ako sa fountain plaza sa kanto po..." halatang nanginginig si Kany sa sobrang kilig.
Ang ina niya ay ngumiti lang, alam na muli siyang maliligaw sa mga pangarap at pantasya ng kabataan. Ngunit sa puso ni Kany, alam niya—ang lalaking iyon ay naiiba. Hindi basta-basta.