CHAPTER 10

1399 Words
Hindi naging tahimik ang umaga sa Valerioso Palace. Sa loob ng dalawang araw, tila nagbago ang mundo ni Kany, mula sa pagiging simpleng babae, ngayon ay isa na siyang Mrs. Valerioso. Pero kasabay ng pagbabagong iyon, ang paglabas ng isang katotohanang hindi niya inaasahan. Kalat na kalat ang balita. Nagpakasal si Dylan Zachary Valerioso sa isang ordinaryong babae. At hindi iyon nagustuhan ng iilang kakilala. Sa umagang iyon, bigla nalang naging bisita si Yell muli sa Valerioso Palace kasama ng assistant nito. At dahil kilala na si Yell sa palasyo ay pinapapasok naman ito ng mga gwardiya. Hanggang bigla na lang dumating si Yell sa malawak na sala ng palasyo kung saan naroon sina Dylan at Kany nagkape. Napalingon si Kany at Dylan sa biglang pagdating ng dalawang babae. At doon niya nakita ang isang babaeng hindi niya kilala, ngunit ramdam niya agad ang presensya nito. Maganda, mtangkad at elegante ang dating. Halatang mayaman. At higit sa lahat galit ang mukha nitong nakatingin sa kanila. Nabigla pa si Dylan nang makita ang dating girlfriend na kahihiwalay lang nila. "Dylan!" Umatungal ang boses nito sa buong sala. Napahigpit naman ang hawak ni Kany sa laylayan ng suot niyang damit. Agad namang tumayo si Dylan mula sa kinauupuan nito, nanlamig ang ekspresyon ng mukha. "Yell. What are you doing here?" Parang tinusok ang dibdib ni Kany sa paraan ng pagbanggit nito sa pangalan ng babae. Siya si Yell. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kung anong bumigat sa puso niya. Dire-diretsong naglakad si Yell palapit kay Dylan. Walang takot. Walang pag-aalinlangan. "Don't you dare ask me that!" galit nitong saad. "After everything… you got married? Just like that?!" Tumigil ito sa harap nila. At doon napunta ang tingin nito kay Kany at hinagod siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa, tila sinusukat siya. At sa isang iglap ay napuno ng pangmamaliit ang mga mata nito. "So… this is her?" Mahinang bulong, ngunit punong-puno ng panlalait. Napaatras ng bahagya si Kany. Hindi niya maintindihan kung bakit parang bigla siyang lumiit sa sarili niyang paningin. Sino ang babaeng ito? Bakit ganito ito kagalit ngayon? "You married this girl?" muling sabi ni Yell, sabay tawa nang mapait. "Seriously, Dylan? You replaced me for someone like her?" Parang may kung anong sumikip sa dibdib ni Kany. Napatingin siya kay Dylan. Pero hindi siya nito tiningnan. "She's my wife now, Yell. At wala ka nang magagawa." Matigas na sagot ni Dylan. Sapat para mas nagalit ang mukha ng babae. "Wife?" natawa ito. "Don't make me laugh, Dylan!" Bigla siya nitong itinuro. "Look at her! She’s nothing! Hindi man lang kagandahan at halata namang galing sa tabi-tabing kalye! Nababaliw ka na talaga, Dylan!" Parang may sumabog sa loob ni Kany. Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya sanay sa ganitong salita. Hindi siya sanay na maliitin nang harap-harapan. Unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata. Pero pinigilan niya iyon. Ayaw niyang umiyak sa harap ng babaeng iyon. "That's enough. Umalis ka na, wala kanang pakialam. Nakipaghiwalay ka na sa akin, hindi ba? Sinuyo kita ng dalawang beses pero umayaw ka na sa relasyon natin. Kaya umalis ka na," Wika ni Dylan na biglang tumalim ang boses. Isang hakbang ang ginawa nito palapit kay Yell, at sa unang pagkakataon, nakita ni Kany ang galit sa mga mata nito. "Don't you dare talk to my wife like that." Dagdag ni Dylan. Saglit na tahimik ang paligid. Ngunit mabigat na katahimikan. At hindi natinag si Yell. Sa halip, mas lalo itong natawa. "Your wife?" ulit nito, tila hindi makapaniwala. "Tell me, Dylan, do you even love her?" Nanigas si Kany. Parang huminto ang mundo niya sa tanong na iyon. Dahan-dahan siyang napatingin kay Dylan. Umaasang sasagot ito agad. Ngunit hindi agad nakasagot ito. Nanatiling tahimik ito. At ang katahimikang iyon ay ang pinakamasakit sa lahat. Unti-unting napakurap si Kany. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanya. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may piraso sa puso niya ang unti-unting nabasag. Hindi siya makapaniwala na may ex-girlfriend itong kakahiwalay lang. Ngumiti si Yell. Isang mapait ngunit matagumpay na ngiti. "I knew it." Lumapit ito ng bahagya sa kanya. At sa mahinang boses na sila lang ang nakakarinig ay may sinabi ito. "He doesn’t love you." Diretso at walang awa na wika nito sa kanya. Hindi na nakapagsalita si Kany. Nakatayo lang siya roon, tahimik ngunit unti-unting nadudurog. At sa gitna ng lahat ng iyon, unang beses niyang naramdaman na baka hindi siya talaga mahal ni Dylan. Kundi ginamit lang siya nito. "Watch your words when you speak to my wife. I married her because I love her. Now get out, Yell." Malamig at mahinang utos ni Dylan sa ex-girlfriend. At doon ay parang kumalma ang pag-alala ni Kany nang marinig ang mga salitang iyon mula sa kanyang asawa. At sana ay totoo ang mga narinig niya na minahal talaga siya nito. Nanliit siya sa kanyang sarili dahil ang layo lang niya ikumpara sa ganda ng ex-girlfriend nito. At hiyang-hiya siya sa kanyang sarili ngayon sa harap ng mga ito. Natawa si Yell at pinameywangan sila nito habang sa kanya nakatutok ang mga matang mapagmataas. "Kawawa ka naman kung naniwala ka kay Dylan. Bakit ka ba naging bobo. Sa akala mo ba sa lagay mong yan ay talagang mahal ka ng isang tulad ni Dylan?" Pang-iinsulto na wika nito. Habang ang alalay or assistant nito ay nasa likod lang nito. Nakikinig. At ang right hand man ni Dylan na si Gardo ay nanonood lang din distansya sa kanila. "Stop it, Yell!" Sigaw ni Dylan. Hindi naman napigilan ni Kany ang mapaiyak sa harap ni Yell. "Fine, aalis na ako! At tandaan mo, babae. Ang akin ay akin lang! Kahit pa kasal na kayo." Wika ni Yell at tumalikod kaagad ito. Mabilis namang sumsunod ang assistant nito. At mabilis namang lumapit si Dylan sa kanya at niyakap siya nito at hinalikan sa noo. "Sorry, sweetheart. I didn't get to tell you about her. Just ignore her. What matters is, you're my wife now." Wika ni Dylan sa kanya. Ngunit sa puso ni Kany ay puno ng pangamba. Dahil sa mga binitawang salita sa kanya ni Yell. "Bago ka nakapagdesisyon na pakasalan ako, sana inayos mo muna ang problema niyo ng dating girlfriend mo, Dylan," Hikbi niyang sabi. Inakbayan siya nito at hinalikan sa noo dahilan kung bakit parang nabawasan agad ang sakit ng kanyang dibdib. "She's the one who gave up on me. She threw away our three-year relationship," Mahinang paliwanag ni Dylan. "I tried to win her back twice, but she was stubborn. So there's nothing left for me to fix, Kany. I've already chosen you, the one I want to be with, okay?" Dagdag na sabi nito. Ngunit sa kabila ng mga paliwanag ni Dylan, hindi pa rin tuluyang kumalma ang puso ni Kany. Sa halip, mas lalo pang nananaig ang kaba sa kanyang dibdib. Parang bawat salita ni Yell kanina ay patuloy na umuukit sa isipan niya ng paulit-ulit, hindi mabura. Nasaktan siya. Tahimik man siya sa labas, ngunit sa loob niya ay unti-unti siyang nadudurog. Dahil kahit anong tanggi niya, alam niyang may katotohanan ang mga sinabi ni Yell. Napayuko siya. Hindi niya maiwasang ikumpara ang sarili. Sa kagandahan nito, sa tindig, sa eleganteng beauty, lamang na lamang si Yell sa lahat. At siya? Isa lang siyang simpleng babae na biglang napunta sa mundong hindi niya kinagisnan. Napapikit siya, pilit pinipigilan ang muling pag-agos ng kanyang luha. Dahil sa unang pagkakataon, natakot siya. Hindi lang kay Yell, kundi sa posibilidad na baka totoo nga ang mga sinabi nito. Na baka hindi siya sapat para kay Dylan. "Excuse me, Ma'am, at Sir, hinihintay na kayo ng mga magulang niyo sa almusal." Biglang dumating na sabi ni Manang Martha. Ang matandang katulong na ilang taon nang nagseserbisyo sa Valerioso Palace. Kahit matanda na ito ay malakas pa rin naman si Manang Martha. Nasa 65 na ang edad ng katulong na dating nag-aalaga kay Donya Karah Isabelle, noong dalagita pa ang asawa ni Don Brixton. "Come on, sweetheart. Dad and Mom are waiting for us in the dining room." malambing na wika ni Dylan habang marahang hinahawakan ang kamay ni Kany. Sa lawak at laki ng palasyong mansion ay hindi alam nina Don Brixton at Donya Karah Isabelle na napasugod si Yell ng umagang iyon, dahil kakababa lang din ng mga ito mula sa kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD