Napatitig si Kany sa kanya, halatang kinakabahan.
Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero iba ang pakiramdam niya sa lalaking ito, hindi lang dahil sa baril o sa mga tauhan nito, kundi sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.
Parang… sinusukat siya.
"Ah… K-Kany po, Sir. Kany Jarobella," mahina niyang sagot.
Hindi agad nagsalita si Dylan.
Tinitigan lang niya ito, mula ulo hanggang paa, parang may kinukumpara sa isip.
"Kany…" ulit niya, mababa ang boses.
Bahagya siyang tumango.
"Student?" tanong pa niya, kahit halata namang studyante ito, napatingin siya sa suot nitong uniform at ang librong hawak nito.
"O-opo…" sagot ni Kany, bahagyang napaatras ng isang hakbang.
Napansin iyon ni Dylan.
Napangisi siya nang bahagya.
"You were here yesterday," dagdag niya, parang wala lang.
"Opo… nadaan lang po ako—"
"Same time?" putol niya.
Napatigil si Kany.
Hindi niya agad nasagot.
"O-opo…"
Sandaling natahimik si Dylan.
Parang may binubuong plano sa isip.
"Good. By the way, I'm Dylan Zachary Valerioso," Pakilala ni Dylan.
Naumid ang dila ni Kanny habang sinalubong ang tingin ng guwapong lalaki nang marinig ang pangalan nito.
Lumakas ang kabog ng dibdib niya nang marinig ang makapangyarihan nitong apilyido. Kilala ang Valerioso Empire (Global Mafia-Business Power ) sa buong Surigao maging sa buong mundo!
Hindi pala basta-bastang lalaki ang kaharap niya ngayon. Kahit isang taon pa lang sina Kany at ang pamilya nanirahan dito sa Surigao ay kilalang -kilala na niya ang maimpluwensiyang angkan ng mga Valerioso.
Hindi ang mga ito basta-bastang pamilya. Ang Valerioso Empire ay hindi lang simpleng negosyo, isa itong
International conglomerate at egal front at underground mafia network (hidden operations).
At ang Valerioso palace ng mga ito ay nasa Punta Bilar Coastal Road matatagpuan na nasasakupan ng Barangay Lipata.
"Tell me where you live," Nagningning ang mga matang tanong ni Dylan nang mapansin siyang natulala at may malalim na iniisip.
Muling natigilan ang inosenteng mukha ni Kany, napatda ang pag-iisip tingk sa pamilya nito at natauhan nang muli itong magsalita at magtanong kung saan siya nakatira.
"A-ah… bakit po?" Nanginig namang tanong niya.
Bahagyang yumuko si Dylan, muli nitong pinantay ang kanilang mga mata.
Mas lalo siyang kinabahan.
"I just want to know… so answer me." malamig niyang saad.
Napatulala si Kany.
Hindi niya maintindihan ang nararamdaman.
"Ahh, s-sa Block 7, Lot 12 Sampaguita Street, Emerald Subdivision
Barangay Luna, po ang tirahan ko." Sagot ni Kany ngunit malakas ang kaba ng dibdib.
Napangiti si Dylan nang marinig ang kumpletong address ng dalaga.
"I see… you’re actually close by, but this is the first time I’ve seen you." Sabi ni Dylan.
"P-po? Eh, kasi hindi talaga kami taga rito, taga Quezon City kami, kaya lang lumipat ng tirahan dito dahil muli kasing nakapag-asawa ang nanay ko ng taga rito." Sagot naman ni Kany.
Hiwalay kasi ang mga magulang ni Kany. May sarili nang pamilya ang kanyang ama matagal na.
Pero ang kanyang ina ay isang taon palang bago muli nakapag-asawa ng taga rito sa Surigao sa part ng Mindanao.
"Ahh, okay." Napatango na wika ni Dylan.
"Alright, we’re leaving now. See you again tomorrow." Paalam ni Dylan.
Hindi pa man siya nakasagot ay tumalikod na ito.
"Let’s go," utos nito sa mga tauhang kasama nito.
Agad namang kumilos ang mga ito.
Naiwan si Kany na nakatayo roon, tuliro.
Tuluyan nang sumara ang pinto ng sasakyan ng mga ito.
Umandar at unti-unting nawala sa paningin niya.
Naiwan si Kany sa gitna ng plaza.
Tahimik.
Ngunit ang t***k ng puso niya ay hindi.
Hindi niya alam kung bakit,
Pero pakiramdam niya…
May mali.
Hindi siya makapaniwala na isa palang binatang Valerioso ang kanyang nakaharap kaya pala powerful ang dating nito at tindig. Sobrang guwapo pa!
Tila kinilig pa siya nang maisip na sa dami ng lalaki na pwedeng magligtas sa kanya ay si Mr. Dylan Zachary Valerioso pa ang makakaligtas sa kanya.
Mamaya pag-uwi niya ay ikukuwento niya agad sa kanyang ina ang muling pagligtas sa kanya ng binatang mula sa pamilyang Valerioso!
Pag-uwi ni Kany kinahapunan, naabutan niyang nagluluto ang kanyang ina sa kusina. Hindi pa nga siya nakapagbihis, hawak ang kanyang bag, pero ramdam na ramdam ang excitement sa kanyang mga mata.
"Inay! Inay!" sigaw niya habang tumatakbo papunta sa kusina, halos lumundag sa tuwa.
Napalingon ang ina niya, nakangiti habang hawak ang sandok sa kawali.
"Ano na naman ‘yan, anak? Kain muna tayo bago ka magpa-kilig," biro ng ina, pero alam niyang halata sa mukha ni Kany ang saya.
Hindi na naghintay pa si Kany.
"Inay, ang lalaking… ang lalaking nagligtas sa akin muli niya akong niligtas kanina!" halos hindi makahinga sa excitement.
"Ano? Bakit? Pinagtripan ka na naman ba? bakit niligtas ka na naman? May nag abuso ba ulit sa'yo?" Nag-alalang tanong ng kanyang ina.
"Opo, nay. Paano kasi wala akong kasama, tatlong araw nang absent si Nina dahil sa lagnat niya," Sagot ni kany, na ang tinutukoy ay ang kanyang kaibigan at kaklase.
"Jusko naman,"
"Nay, Hindi lang basta lalaki, ang nagligtas sa akin! isa pala siyang Valerioso! Siya si Dylan Zachary Valerioso! Ang pamilyang kilala sa buong Surigao… Pilipinas at maging sa buong mundo!"
Nanlaki ang mga mata ng ina, at sandaling huminto sa pagluluto.
"Valerioso?!" muling tanong nito, halatang hindi makapaniwala.
"Dylan Zachary Valerioso?" Ulit ng ina.
"Oo! Ang galing niya, Inay… at… at sobrang guwapo pa!" sabi ni Kany, halos hindi makahinto sa pagsasalita, hawak pa rin ang kanyang bag.
Napangiti ang ina, at bahagyang tinapik ang ulo ni Kany.
"Ah, anak… parang excited na excited ka ha. Halata sa mga mata mo. Ito lang ang masasabi ko, huwag kang mangarap ng masyadong mataas. Baka masasaktan ka lang." Wika ng ina.
Bigla namang sumimangot ang mukha ni Kany.
"Si Inay naman."
"Huwag kang magkagusto sa mga tulad nila. Himala na lilingunin tayo ng mga tulad nila. Okay? Kumain ka na. Ang Amain mo ay Mayang gabi pa 'yun uuwi. Mauna na tayo." Sabi ng kanyang ina.
Medyo nalungkot ang mukha ni Kany saka tumango na lang, nawala ang sabik at kilig na kilig na ekspresyon niya.
Napansin naman siya ng ina.
"Pasensya ka na anak. Alam mo namang mahirap lang tayo." Wika ng kanyang ina.
"O-okay lang po 'nay. hindi ko kasi akalaing makikilala ko siya… at sa dami ng lalaki sa lugar na ito… siya pa ang nakaligtas sa akin," wika ni Kany, habang hindi niya mapigilang muling ngumingiti.
Lalo na nang muling maalala ang guwapong mukha ni Dylan Zachary.