"Alam kasi namin kung gaano mo ka-mahal si Yell. At baka magiging kawawa lang ang babaeng sinasabi mo na nais mong pakasalan agad." Sabi naman ni Karah.
"Yes, Mom. I love Yell very much, but I’ve already decided to marry someone I just met. I told you, I’ll learn to love her too.
What use is Yell to me once I’m married to someone else? She’ll regret breaking up with me." Malamig na wika ni Dylan.
Muling nagkatinginan sina Don Brixton at ang asawang si Karah.
At tahimik na ipinagpatuloy nila ang kanilang tanghalian.
___
Kinahapunan.
Tahimik ang buong bahay nina Kany.
Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang isang simpleng damit na ilang beses na niyang pinagpilian.
Isang puting dress.
Isang luma pero maayos na blouse.
Isang paldang hindi niya pa halos nasusuot.
Huminga siya nang malalim.
Ano bang susuotin ko? Dinner lang naman ’to. Pero bakit parang hindi lang basta dinner ’to.
Napahawak siya sa dibdib niya.
Mabilis na naman ang t***k ng puso niya.
Mula pa kaninang umaga ay hindi na siya mapakali.
"Anak…" marahang tawag ni Aling Rosa mula sa pintuan.
Napalingon si Kany.
"Nay…?" mahina niyang sagot.
Pumasok ang ina, may dalang maliit na ngiti ngunit halatang nag-aalala pa rin.
"Sigurado ka ba sa gagawin mo na sasama makipag date kay Mr. Dylan Zachary ngayon?" Mahinang tanong nito sa kanya.
Hindi agad nakasagot si Kany.
Sandali siyang napatingin sa hawak niyang damit.
"Hindi ko po alam, Nay." amin niya.
Lumapit si Aling Rosa at hinawakan ang kamay niya.
"Hindi masamang subukan, pero mag-ingat ka," mahina nitong sabi.
Tumango si Kany.
"Opo,"
Bandang hapon.
Isang itim na mamahaling sasakyan ang huminto sa harap ng kanilang bahay. Ganon pa rin, ang sasakyang SUV ng binata. At kasunod ay ang mga sasakyan ng mga guardian nito.
Napatingin ang mga kapitbahay.
Hindi maiwasang mapabulong ang mga ito.
"Ang yaman ng lalaking ’yan,"
"Sino ’yan? Yung bisita pa rin ba ni Kany kaninang umaga?" Bulong ng isa.
"Oo," Sagot ng isa.
Sa loob ng bahay, napalunok si Kany.
Dumating na siya.
Dahan-dahan siyang lumabas.
Pagbukas ng pinto, nandoon si Dylan.
Nakatayo sa tabi ng sasakyan.
Suot ang itim na polo, bahagyang bukas ang kwelyo.
Relaxed itong tingnan pero halatang may awtoridad pa rin.
Napatigil si Kany.
"Ang gwapo niya talaga," Bulong pa niya sa sarili.
Bahagyang napangiti si Dylan nang makita siya.
"You’re ready?" Tanong nito sa kanya.
"O-opo," mahina niyang sagot.
Lumapit si Dylan.
Binuksan ang pinto ng sasakyan para sa kanya.
"Get in."
Wala ng tanong pa si Kany at walang alinlangang sumunod sa utos ng binata.
At habang nasa biyahe sila ay tahimik lang silang dalawa habang nagda drive ang right hand man nitong nagngangalang Gardo.
Hindi niya alam kung anong sasabihin.
Nakatingin lang siya sa labas, pero ramdam niya ang presensya ng lalaking katabi niya.
"So…" biglang sabi ni Dylan.
Napalingon si Kany.
"Are you nervous?"
Napakurap siya.
"Ahh, eh, konti lang po…"
Bahagyang ngumiti si Dylan.
"You’re a bad liar."
Namula si Kany.
"Hindi po…" mahina niyang tanggi.
"Hmm."
Tumingin si Dylan sa kanya.
"You’re shaking."
Napatingin si Kany sa kamay niya.
At tama nga ito.
Bahagyang nanginginig iyon.
Mas lalo siyang namula.
Hindi niya alam kung anong gagawin.
Dahan-dahang hinawakan ni Dylan ang kamay niya.
Nanlaki ang mga mata ni Kany.
"S-Sir!"
"Relax," mahinahon nitong sabi.
Hindi mahigpit ang hawak nito, pero sapat para maramdaman niya ang init nito.
"I don’t bite."
Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ni Kany.
Hindi nga, pero parang mas delikado pa ’to,
Huminto ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant.
Pagbaba pa lang ni Kany ay nanlaki agad ang mga mata niya. Napansin niya agad ang ilaw, tahimik na musika at ang eleganteng paligid.
"H-Hala…" hindi niya napigilang bulong.
Lumapit si Dylan sa tabi niya.
"You don’t like it?" tanong nito.
"M-Maganda po…" sagot niya na halatang overwhelmed.
"Good, sweetheart."
Natigilan naman siya sa pagtawag nito sa kanya ng 'sweetheart'
Inalalayan siya ni Dylan papasok.
Lahat ng mata ay tila napapatingin sa kanila.
At lalo lang siyang kinabahan.
Pag-upo nila ay tahimik muna.
May waiter na lumapit, ngunit si Dylan ang umorder para sa kanilang dalawa.
Hindi na siya tinanong at hindi na siya pinapili.
"At ano pa, Sir…?" tanong ng waiter.
"That will be all."
Pag-alis ng waiter ay
napatingin si Kany kay Dylan.
"Hindi mo po ako tinanong," mahina niyang sabi.
Tumingin si Dylan sa kanya.
"I already know what you’ll like."
Napakurap si Kany.
"H-Ha?"
Bahagyang ngumiti si Dylan.
"I told you. I don’t make impulsive decisions."
Napalunok si Kany.
Ibig sabihin kilala na niya ako? Paano?
Ilang sandali pa ay dumating ang pagkain.
At tama nga si Dylan.
Paborito niya ang ibang inorder nito.
Nanlaki ang mga mata niya.
"P-Paano mo po nalaman, Sir?" hindi niya napigilang tanong.
Tahimik na uminom si Dylan bago sumagot.
"I did my research."
Nanlamig ang likod ni Kany.
"Research?"
Tumingin ito sa kanya ng diretso at malalim.
"I don’t choose blindly, Kany."
Biglang naging seryoso ang atmosphere.
"I chose you… because I know you’re worth it."
Parang tumigil ang mundo ni Kany.
Hindi siya makapagsalita.
Hindi siya makagalaw.
Ang puso niya ay parang sasabog sa bilis.
"So…" muling nagsalita si Dylan.
"Have you decided?"
Napatingin si Kany sa kanya.
"S-sa... alin po?"
"About me."
Diretso at walang paligoy.
"Are you going to accept my courtship? Gusto ko ngayon na agad, Kany."
Napakagat labi si Kany at natahimik. Hindi niya talaga akalain na ganito ang binata kabilis. Hindi pa simpleng binata ito. Parang pakiramdam niya ay napaka swerte niya. Ngunit sa kabila ng kilig niya ay naroon pa rin ang kaba sa dibdib.
Hindi niya alam kung bakit naging ganito kabilis ang binata. Hindi talaga siya makakapaniwala.
Magulo ang isip niya.
Pero malinaw ang nararamdaman niya.
Kaba, kilig at pagkatakot.
Huminga siya nang malalim.
"T-try ko po," mahina niyang sabi.
Bahagyang napangiti si Dylan.
"Oh, really?"
Sandali itong yumuko ng kaunti at masaya ang mukha.
Hinawakan nito ang kanyang mukha at pilit na pinaangat ang kanyang mga mata para tumingin rito. Nanlamig siya dahil sa tensyon, idagdag pa ang malamig na aircon sa loob ng mamahaling restaurant na iyon.
Nagtama ang kanilang mga mata.
"You're mine now." Wika ng binata sa kanya.
Sobrang saya ni Kany.
Para bang gusto niyang ipagsigawan pa sa lahat na masaya siya at ang swerte niya sa kanyang bagong boyfriend.
At sumapit sa na talaga ang gabi.
Hindi lang simpleng dinner ang nangyari. Para kay Kany ay doon na nagsimula ang isang bagay
na maaaring magpabago sa buhay niya sa piling ni Dylan Valerioso.