CHAPTER 8

1225 Words
Tahimik ang buong sala ng Valerioso Palace. Hindi basta katahimikan, kundi iyong uri ng katahimikan na parang may bumabalot na bigat sa dibdib. Parang bawat paghinga ni Kany ay naririnig. Nakatayo siya sa tabi ni Dylan. Ngunit kahit hawak nito ang kamay niya, hindi pa rin mawala ang lamig na gumagapang sa kanyang katawan. Ang mga mata ni Don Brixton ay nakatutok sa kanya. Hindi iyon simpleng tingin. Parang sinusuri siya. Parang hinahanap ang bawat kahinaan niya. Parang kayang basahin ang buong pagkatao niya sa isang sulyap lang. Napayuko si Kany nang bahagya. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito nang matagal. Bakit parang… ayaw niya sa akin? Mahigpit niyang kinuyom ang kanyang kabilang kamay. "Look at me." Mababa at malamig ang boses ni Don Brixton. Para iyong utos at hindi pakiusap. Napasinghap si Kany. Dahan-dahan siyang napatingin. At doon ay mas lalo niyang naramdaman ang bigat na naramdaman. "G-Good afternoon po…" muli niyang bati, halos pabulong. Hindi agad sumagot ang Don. Ilang segundo ang lumipas na tila ba isang oras para kay Kany. Hanggang sa tuluyang nagsalita ito. "So… you’re the girl." Hindi niya alam kung paano sasagutin iyon. Tumango na lang siya. "Yes po…" Bahagyang sumandal si Don Brixton sa kanyang upuan. Hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya. "She looks… fragile." Diretsong saad nito. Para iyong kutsilyong tumama sa dibdib ni Kany. Napayuko siya. Ngunit bago pa siya tuluyang maapektuhan ay nagsalita ang donyang asawa nito. "Brixton." Isang boses ang pumutol sa tensyon, mahinahon at malumanay. Napatingin si Kany kay Donya Karah Isabelle. Ngumiti ito sa kanya. Hindi pilit. Hindi mapangmata. Kundi totoong ngiti iyon. "Don't scare her." May lambing sa boses nito na sabi sa asawa, pero may diin. Bahagyang napataas ang kilay ni Don Brixton, ngunit hindi na ito nagsalita. Tumayo si Donya Karah. Dahan-dahan itong lumapit kay Kany. Mas lalo siyang kinabahan. Pero nang huminto ito sa harap niya ay hindi niya inaasahan ang sumunod. Hinawakan ni Donya Karah ang kamay niya. Mainit iyon at magaan. "It's okay, hija," marahan nitong sabi. Nanlaki ang mga mata ni Kany. "H-Hija…?" Ngumiti ang Donya. "Relax. Hindi kita kakainin." Bahagyang natawa si Dylan sa tabi niya, pero si Kany ay halos maiyak sa hindi maipaliwanag na emosyon. "Anong pangalan mo ulit?" tanong ni Donya Karah Isabelle. "K-Kany po… Kany Jarobella." "Kany…" inulit nito, parang sinusubukan ang pangalan. "Maganda." Napatingin si Kany sa kanya. Hindi niya alam kung bakit… pero parang unti-unting nababawasan ang kaba niya. "Thank you po…" Tumingin si Donya Karah Isabelle kay Dylan. "You're serious about her." Hindi iyon tanong. Pahayag iyon ni Karah. "Yes, Mom." Walang pag-aalinlangang sagot ni Dylan. Muling bumaling ang Donya kay Kany. "Do you love my son?" Diretso. Walang paligoy. Napahinto si Kany. Namula ang pisngi niya. Hindi niya alam kung paano sasagutin. Pero naalala niya ang mga araw. Ang mga titig ni Dylan. Ang mga ngiti nito. Ang paraan ng paghawak nito sa kamay niya. Kaya unti-unti siyang tumango. "O-Opo…" Biglang natahimik ang paligid. Ngunit ibang klase na ang katahimikan ngayon. Hindi na ganoon kabigat. "Love is not enough." Biglang sabat ni Don Brixton. Muli na namang nanigas si Kany. Tumayo ang Don. At sa bawat hakbang nito palapit sa kanila ni Dylan, parang lalong bumibigat ang hangin sa paligid. "Do you even understand what it means to be part of this family?" Diretso nitong tanong ni Don Brixton. Hindi siya nakasagot dahil hindi niya alam kung anong isagot. At iyon ang totoo. Napansin iyon ni Don Brixton. "Exactly." Malamig nitong saad. Ngunit bago pa tuluyang mabasag ang natitirang lakas ni Kany ay humigpit ang hawak ni Dylan sa kamay niya. "She will learn, Dad." Matigas ang boses ng binata. "Because I chose her." Nagtagpo ang mga mata ng mag-ama. May tensyon at tahimik na labanan. At sa gitna ng lahat ng iyon ay nakatayo lang si Kany. May takot at nalilito. Pero hindi na umaatras. Huminga siya nang malalim. At sa unang pagkakataon ay bahagya niyang tinaas ang kanyang ulo. Kahit nanginginig at kinakabahan. "G-Gagawin ko po ang lahat," mahina pero malinaw niyang sabi. Para sa kanya at para kay Dylan. At para patunayan na kaya niyang sabayan ang mga ito at hindi magmukhang ordinaryo lang. Napatingin sa kanya si Don Brixton. At sa unang pagkakataon ay may kung anong dumaan sa mga mata nito. Hindi galit. Hindi rin pagtanggap. "Fine, son. If that’s your decision, then you will marry her." Wika ni Don Brixton. "Thanks, Dad." Nakangiting tugon ni Dylan. At doon nagsimula ang tunay na laban ni Kany. ____ Isang simpleng kasal lang ang ginawa ni Dylan para kay Kany. Walang engrandeng selebrasyon. Walang media. Walang mga taong nagbubulungan tungkol sa bagong Mrs. Valerioso. Tahimik iyon at pribado. At dahil doon ay hindi agad kumalat ang balita. At bago pa man lubos na maunawaan ni Kany ang lahat, natagpuan na lang niya ang sarili niya na tuluyan nang inuwi ni Dylan bilang asawa nito sa Valerioso Palace. Bilang Mrs. Kany Valerioso. Hanggang ngayon ay parang panaginip pa rin ang lahat dahil sa bilis ng mga pangyayari. Unang gabi nila. Tahimik ang buong kwarto. Marangya at malawak na kwarto. Halos hindi niya alam kung saan siya titingin. Lahat ng bagay sa loob ay mamahalin. Lahat ay perpekto. Pero siya naman ay hindi mapakali at kinakabahan. Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang laylayan ng suot niyang damit. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung ano ang susunod. Hanggang sa narinig niya ba biglang sumara ang pinto. Napatingin siya roon. Nakita niyang nakatayo si Dylan sa may pinto. Nakatitig sa kanya at hindi nagsasalita. Pero may kakaiba sa mga mata nito. Mas malalim at mas seryoso iyon. Unti-unti itong naglakad palapit sa kanya. Bawat hakbang nito ay nagpapabilis ng t***k ng puso ni Kany. "D-Dylan," Sambit niya sa pangalan ng bagong asawa. Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay bigla siyang hinatak ni Dylan. Napasinghap siya. At sa isang iglap ay niyakap siya nito nang mahigpit. Parang ayaw siyang pakawalan. Nanigas si Kany sa gulat. "D-Dylan!" Nabiglang sambit niya. "What's wrong, sweetheart? I'm already your husband now. Don't be afraid." Anas nito sa kanyang tainga. At mas lalo lang siyang hinigpitan nito ng yakap. Unti-unting bumilis ang t***k ng puso ni Kany. Ngunit kahit na natatakot, may kakaibang init ang bumalot sa kanya ng mga sandaling iyon. "You're mine now." Mahina ngunit buo nitong saad. Hindi namalayan ni Kany na pagpapawisan sa noo kahit malamig naman ang aircon. Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Dylan nang mapansin siya. Biglang nagsalubong ang mga kilay nito. Pinapihit siya nito at marahan nitong hinawakan ang pisngi niya at inangat iyon para magtagpo ang kanilang mga mata. Namula ang pisngi ni Kany. Talagang hindi siya nasanay sa ganito dahil si Dylan ang unang naging boyfriend niya. At naging asawa niya agad ngayon. "As I said, Don't be afraid. Normal lang sa isang mag-asawa ang gagawin natin ngayon. Okay? hayaan mo akong turuan kita, sweetheart." Matiim na wika nito sa kanya. Nagkatitigan sila at halos hindi siya kumukurap. Sobrang guwapo ng asawa niya at hindi pa basta-bastang lalaki ito, para bang nasa panaginip lang talaga siya. At kung panaginip man iyon ay ayaw na niyang magising pa. Ito nga lang ang problema niya, paano niya pasasayahin ang asawa? hindi pa niya alam kung paano dahil lahat ay first time pa lang talaga niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD