Chapter 1

1508 Words
MAAGA akong nagising dahil sa may trabaho pa nga ako. Yep, nagtatrabaho na ako sa edad na labing pito. Si Kuya din naman ay meron. Hindi kasi kasya ang kanyang sweldo para sa aming dalawa kaya't ayun ako din ngunit parang saglit lang yun. Nagtitinda lang ako nang tinapay na binebake ko.   Hirap nang buhay eh.   "Magandang umaga, bunso!!" bati ni Kuya na lumapit pa sakin at hinalikan ang aking noo. Sanay na ako sa kasweetan ni Kuya, kami lang din naman kasi sa buhay. Dalawampu't walo na nga yan pero ayaw pa mag asawa.   Pano nalang daw ako?? Naku kuya talaga.   "Morning, Kuya." saad ko dito habang hinihintay matapos ang tinapay dun. Nakatira kami dito sa bayan nang Caupo. Bayan nang mga mahihirap at mahihina ang gem; power or special abilities.   Inihanda ko na ang mga tinapay ko sa pagdedeliveran ko sa kabilang bayan. Limang bayan lang naman ang meron dito sa Lampròs Kingdom. Meron ding anim pang kaharian ngunit hindi ko pa nakikita ni isa doon. Bawal kaming mahihirap dun eh.   Alipin at cheap daw kasi, hindi lang kami nakapag aral nang elementarya at high school na yan tss.   Naligo na muna ako bago kami sumabak sa paglalakad ni Kuya papunta sa panaderyang pinagtatrabahuan nya. Yep, ako ang nagdedeliver nang ibang tinapay dun at nagsestay din ako tumutulong kay Kuya ganun kaya dagdag sweldo hehe.   Pagkatapos kong maligo ay pinusod ko ang buhok ko kahit hindi ako marunong kaya ayun hulog din ang iba. Nagsuot lang ako nung black na t shirt na may pang Rockstar pa na disenyo tapos yung maluwag na jogging pants na grey.   Hindi ako mahilig sa pashion na yan kaya wala kayong maaasahan sa kabaduyan ko.   Isinuot ko naman na ang face cloth cover ko. Hindi ako lumalabas nang bahay nang hindi suot yun. Ang kita lamang lagi sa mukha ko ay yung mata ko. Since birth ko na ginagawa toh. Wala namang sugat or peklat ang mukha ko, ayaw ko lang talaga.   Nagsuot agad ako nung luma kong tsinelas dun. Aba't wala na akong oras para bumili nang sapatos na magara eh. Pagbaba ko ay nakita ko agad ang napakagwapo kong kuya. Literal yan, gwapo naman talaga eh.   "Tara na, bunso." saad ni Kuya na hawak na pala ang box nang tinapay ko. Tinanguhan ko ito. Alangan namang ngitian ko eh hindi nya nakikita bibig ko.   Oy!! Malinis kaya tong face cloth cover ko?! Marami ako netoh noh!!   Nagsimula na kaming maglakad sa madilim na daan. Tumataas palamang kasi ang araw at madaling araw pa nga lang ng ala una. Hindi naman nakakatakot dito kese mahirap man kaming lahat sa bayan na toh, mababait kami at hindi gusto nang g**o. Mga prends ko lahat yan, pamilya din kasi kami sa bayan at kada naghihirap ang isa tutulong kami ganun. Walang pataasan samin, kaya minsan ulam nang isa ulam nang lahat haha.   Para kaming malaking malaking pamilya.   "Bunso, pagpasensyahan mo na si Kuya ah. Kinakailangan mo pang magtrabaho ni hindi na kita napag aral." saad ni Kuya bigla sa gitna nang katahimikan. Natawa na lamang ako sa kadramahan nya ULIT. Araw araw kasi syang ganyan eh.   "Kuya Jeycee!! Wala pong problema kung nakapag aral ako o hindi. Madami na po akong natutunan sayo at sa bayan natin. Masaya na po ako sa kung anong meron tayo. Kuya talaga oh." saad ko dito at kita ko ang mahinang pagtawa nito sakin.   "Lagi ka namang masaya, Bunso. Hindi kita nakitang lumungkot ang mukha. Basta magsabi ka kung may problema o kaya naman may gusto ka. Bibigay ni Kuya." saad nito at ginulo na nang isang kamay nya na hindi buhat ang box ang buhok kong g**o g**o na nga mas ginulo pa nya. Napamangot na lamang ako dito.   Ano ba naman yan!!   Nagpusod na lamang uli ako habang naglalakad kami. Makalipas ang ilang oras ay nakadating din kami sa bakery saang unang bayan. Yup, dumaan pa kami sa pangalawang bayan na 15 milya ang layo sa bayan namin tapos ang lawak pa ng pamngalawang bayan ay 5 milya tsaka ka pa makakapunta sa unang bayan na pinagtatrabahuhan namin ni kuya. Siguro mga anim na oras kaming naglalakad nun but kinakaya.  Wag na kayong magtaka dahil ayaw nila sa bayan namin kaya malayo ang bayan namin sa lahat ni sa kaharian at hindi nila kami hinahatiran ng tulong dahil nga sa ayaw nila sa aming mamamayan ng Caupo, bayan namin tawag dyan, mga mahihirap daw kasi yung mga dun at ayun nga. Alipin kami nang dalawang mayayamang bayan hayyysss. Matataas kasi ang dalawang bayan na yun ni walang sasakyang dumadaan sa bayan namin ni nga manlalakbay kese daw mahihirap kami at mahihina ang gem nga.   "Bilisan nyo na at magbukas na kayo!!" sigaw nang bunganga ni Madam. Yap, madam daw itawag namin sa kanya.   Madamunyu ka sana chaaaarrrr!! Joki joki.   "Tara na, bunso." saad ni Kuya at tumulong na ako itaas yung bakod. Binuhat ko agad ang box para ipasok dun. Inilagay ko sa mga tray nito ang mga yun pati ang binake nung kasama naming lalaki pa. Taga bake lang sya kaya minsan lang namin maabutan ni Kuya kase tagatinda kami ni Kuya eh.   Wala gwapo kasi si Kuya kaya namamayani ang perang madam.   "Bilisan nyo dyan at marami nang padating!! Galaw galaw!"sigaw na naman ni Madam at tinanguhan lang namin ito. Nang maayos na namin ni Kuya ang syang pagdating nang mga bibili.   Ang damiiiiiiiiiiiiii.   "Bili bili na kayo!! Ngayon lang kayo makakakita nang kasing gwapo nang kuya ko sa bayan na toh!! Bili na kayo!!" sigaw ko at nagtilian ang mga kababaihan na nasa harap namin na nakapila. Karamihan ay babae at meron ding mga lalaki na bumibili.   Tinawanan lamang ako ni Kuya sa sigaw kong yun."Miss, bigyan mo ko nang sampung pandesal!! Pandesal nang kuya mo!! Keep the change, girl!! " sigaw nung babae na nag abot sakin nang limang daan. Nagtilian naman ang mga kababaihan. Napahagikgik na lamang ako dun, si Kuya naman ay ganun din.   Sa nakikita ko ay mga taga dito sa pangalawang bayan at sa unang bayan nakatira ang iba. Mga nakaschool uniform pa ang iba. Ang iba ay mga nakapambahay pa lamang. Alas sais pa lang naman kasi ang pasok pa nila ay Alas ocho pa. Ang gara nga nang uniporme nila eh.   Tokushuna Academy, pinapangarap kong paaralan.   Wala akong alam tungkol sa paaralang yun ngunit sabi nila ay maganda daw yun. Wala kaming alam sa kung anong nangyayari dun eh. Basta alam namin ay mga may kaya lamang ang may kaya mag aral dun dahil sa mahal nga daw yun. Tsama napakalayo ng bayan ng Caupo namin dun kaya hanggang pangarap nalang din talaga.   NAUBOS din ang aming tinda ibig sabihin ay tapos na ang oras nang trabaho namin. Tanghali nadin naman eh kaya eksakto lang pala kami. "Magkano ang nahakot nyo??" masungit na saad ni Madam samin. Iniabot ko sa kanya ang box nang pera.   "Labing dalawang libo po, sobra po yan nang dalawang libo, Madam." saad ko dito na kinatango naman nya dun. Inabutan nya kami ni kuya nang tig dalawang libo. Nagulat ako nang abutan din nya ako nang dalawang libo.   "Para na sayo yan, Jeesu. Aba't hindi naman ako ganun ka sama para bigyan ka nang suweldo mo. Ngayon lang yan ah, bilhin mo ang gusto mo sa mall dyan. Sige na't aalis pa ako." saad ni Madam na umalis agad.   "Salamat, Madam!! Blooming kayo ngayon!! Ingat!!" pahabot kong sigaw dito at rinig ko ang bungisngis nito. Ngayon lang toh noh at lalo pa't dati kasi si Kuya lang talaga. Dalawang libo pa ang sweldo naming dalawa. Hindi tig isa nun kundi eksaktong dalawang libo talaga.   "Punta ba tayo sa mall, Bunso??" saad ni Kuya na kinatingin ko dito. Ibinababa na nya kasi yun.   "Hindi na po, Kuya. Ilalagay ko na lamang po ito sa ipunan natin. Tara na po at kakain pa tayo nang tanghalian." aya ko dito at tsaka ko sya hinila na para maglakad pauwi na. Lakad na naman tayo dahil sa mahal ang kalesa.   Sa pagdating namin sa bayan namin ay syang makakakita ka nang nga bata na naglalaro nang masaya dun. Hindi namin naranasan yan ni Kuya dahil sa maaga kaming namulat sa paglilingkod. Sumunod naman ako kay Kuya dun papasok sa bahay. Pagpasok ay syang paghilata ko dun sa sofa namin. Medyo sira sira na pero kaya pa hehe.   "Kain na tayo, Bunso." aya ni Kuya at tinanguhan ko lamang muna ito tsaka ako tumakbo dun sa may kwarto ko. Inilagay ko sa ipunan yung dalawang libo ko. Malaking tulong yun hihi. Bumaba din naman ako agad at nakikain kay Kuya. Hapon na nang makarating din kami sa bayan namin.   Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako kay Kuya na tutulog muna ako. Sya na daw bahala sa hugasin at aalis din si Kuya mukhang hahanap uli nang trabaho. Lagi nyang ginagawa yan simula last two weeks. Nasa tamang edad naman na kasi si Kuya kaya yun. Swerte nga ako dahil may kuya ako na tulad nya. Well, swerte din naman siya sa akin wahaha.                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD