Eight

2325 Words
“BAKIT ang tagal niyong dumating kanina Cyan?” Nagkibit-balikat lang si Cyan sa tanong na iyon ni Nica. “May nangyari lang kanina.” “Ano'ng nangyari?” curious na tanong nito. She glared at her. “Kung makapagtanong ka naman, parang wala kang kasalanan sa'kin.” Ngumiti lang ito. “Bakit, if I know gusto mo rin namang makasama si Sir Blue, eh.” Inirapan niya ito. “Ewan ko sa'yo.” Naglakad siya pabalik sa kanilang cottage. Nakasunod sa kanya si Nica na patuloy siyang inaasar. “Ready na ang dinner,” wika sa kanila ni Marc. Naabutan nga niyang nakahanda ang pagkain sa mahabang table. Seafood ang lahat ng putaheng nakahain roon. “Nandito na ba lahat?” tanong ni Gael. “Wala pa si Sir Blue.” Napatingin sa kanya ang lahat. “Cyan, pakitawag naman si Sir Blue.” Alanganing ngumiti siya. “Bakit ako?” Nanunuksong nginitian siya ni Jana. “Eh, sino pa ba. Dali na nagugutom na kami, eh.” Bumuntong-hininga siya at muling lumabas ng cottage. Saan niya mahahanap ang lalaking iyon? Pagdating nila sa resort kanina ay naghiwalay na sila. Nag-stay lang siya sa hotel room ng mga girls at ngayong gabi lang siya lumabas. Bahala na nga. Ilang minuto siyang nagpalakad-lakad hanggang sa matagpuan niya ang lalaki. Bahagya itong nakatalikod pero sigurado siyang si Blue iyon. Napatigil lang siya sa paglapit dahil abala ito sa pakikipag-usap sa isang babae. Narinig pa niya ang pagtawa ni Blue. Sa halip na lapitan ito ay tumalikod na lang siya at bumalik sa cottage. “Nasaan si Sir Blue?” tanong sa kanya ng lahat. Hindi pa nagsisimulang kumain ang mga ito. “Hindi ko nakita,” pagsisinungaling niya. “Paano tayo kakain niyan?” “Let's all eat,” wika niya sa mga ito. “Huwag na natin hintayin iyon. Baka kumain na rin iyon.” Nang-aarok na tiningnan siya ni Nica. “Bakit parang bitter iyang boses mo?” “Hindi, ah,” mariing tanggi niya. Naiinis lang siya kay Blue. At naiinis siya sa sarili niya kung bakit gano'n na lang ang nararamdaman niya. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nakadama ng panibugho sa nakita niya kanina. “Heto na pala si Sir, eh.” Nag-angat ang tingin niya sa nagsalita kasunod kay Blue na nakatayo sa entrada ng cottage. “Sakto palang dating ko, eh,” maaliwalas na wika ng lalaki. “Oo nga Sir. Kanina ka pa rin hinahanap nitong si Cyan.” Naupo ang lalaki sa tabi niya. “Hinanap mo raw ako?” “Dahil inutos nila,” matabang na sagot niya. Itinuon niya ang tingin sa pagkain at nagsimulang kumain na lang. Naramdaman niya ang pagdikit sa kanya ng lalaki. “Bakit ang init yata ng ulo mo?” Lihim na umismid siya. “Hindi.” “Ewan nga namin alam d'yan Sir. Bigla na lang naging ganyan iyang si Cyan,” wika ni Jana. Sa halip na pansinin ang mga ito ay kumuha lang siya ng alimasag. Sa pagbubukas niya ay aksidenteng natusok siya sa sipit niyon. Awtomatikong nabitiwan niya ang alimasag. Maagap namang kinuha ni Blue ang kamay niya. “Masakit ba?” Marahan nitong hinaplos ang daliri niyang natusok. “O-okay lang.” Mabilis na binawi niya rito ang kamay niya. Nailang siya bigla sa ginawa ng lalaki. Dumagdag pa ang mga pares ng matang nakatutok sa kanya. Muli niyang kinuha ang alimasag subalit naunahan siya ni Blue sa pagkuha niyon. “Ako na'ng magbubukas.” Tila walang kahirap-hirap na binuksan nito iyon at kinuha ang laman at inilagay sa plato niya. “Here. Sabihin mo lang kung gusto mo pa.” “Ang galing naman ni Sir. 'Di na kailangan ng opener,” humahangang wika ni Hazel. Sumubo siya habang ang katabi naman niya ay abala sa pagbabalat ng sugpo. Matapos balatan ang mga iyon ay iniligay iyong ni Blue sa plato. “Here. Para hindi ka na mahirapan.” “Salamat,” mahinang sambit niya. “Aray naman,” daing ni Nica na nakaupo sa may bandang dulo. “Bakit?” tanong rito ni Marc. “Kinagat ako ng langgam, eh.” “Wala namang langgam, ah,” nagtatakang wika ni Blue. Ngumiti si Nica. At alam niya kung anong klaseng ngiti iyon. Nanunukso. “Meron Sir. Sa gawi niyo nga galing iyong langgam, eh. May nilalanggam na yata d'yan.” “Wala namang matamis dito, ah,” clueless na sagot ni Blue. “Meron Sir,” wika naman ni Jana. “Kayo ni Cyan.” “Ah,” sagot ng katabi niya na sinundan ng mahinang tawa. “Kayo talaga.” Napailing na lang siya. Hindi na siya masyadong naapektuhan sa mga panunukso ng mga ito dahil kahit papaano ay nasanay na rin siya. “Cyan, gusto mo ng inihaw na tilapia o ipagbalat kita ng talaba?” Umiling lang siya. “Kumain ka na lang diyan.” “Mamaya na. Makita kitang busog, okay na rin ako.” This time ay hindi na niya napigil ang ngiti. “Ang corny mo naman.” Nagkamot ito ng ulo. “Sorry. Hindi ako marunong bumanat.” Tuluyan na rin niyang nakalimutan ang dahilan ng pagkawala niya sa mood. Napatawa na rin siya sa ekspresiyon ng mukha ng lalaki. “Heh, kumain ka na.” “Buti ngumiti ka na rin, nakaka in love ka lalo, alam mo ba iyon?” Nag-iwas siya ng tingin dito. “Ewan ko sa'yo.” Uminom siya ng tubig subalit hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi niya. “Kinikilig ako sa inyong dalawa,” sambit ni Hazel. “Oo nga. Kailan mo ba sasagutin, Cyan?” Nasamid siya sa huling tanong na iyon. Maagap naman siyang binigyan ng tissue ni Blue. “Naku, nabigla yata..” wika ni Gael. “Dahan-dahan kasi sa pagtatanong,” sambit ni Blue sa mga ito. Bumaling sa kanya ang lalaki at seryoso siyang tiningnan. “You don't need to answer it. Handa akong maghintay.” NIYAKAP ni Cyan ang sarili habang nakaupo siya sa dalampasigan at pinagmamasdan ang kadiliman ng langit. Nandito siya ngayon sa dulong bahagi ng resort. Ito rin ang eksaktong lugar kung saan sila unang nag-usap ni Blue. Hindi siya makatulog kaya nagpasya siyang pumunta muna roon. Hindi siya dalawin ng antok dahil inookupa ni Blue ang isip niya. Nagbuga siya ng malalim na hininga. Hindi na niya alam ang gagawin kung paano ilalayo ang sarili niya sa lalaki. Natatakot siya dahil napapalapit na siya sa binata. At sa paglapit na iyon, kasama na ring nahuhulog ang puso niya. Kahit sino naman kasing babae ay madaling mahuhulog ang loob rito. Siguro nga, kung iba lang ang sitwasyon niya ngayon, sinagot na niya si Blue. Pero hindi eh, kailangan niyang pigilan ang pag-usbong ng damdamin niya rito. Hindi siya puwedeng magmahal. “Nandito ka na naman pala..” Bumaling siya sa pinanggalingan ng boses. It was Blue. Hindi na siya magtataka kung bakit nandito rin ito. Tuluyan itong lumapit sa kanya at naupo sa tabi niya. Seryoso itong bumaling sa kanya. “Ganyan din ang hitsura mo noong una kitang makita rito. You're thinking of him, aren't you?” Kunot-noong tiningnan niya ito. “Sino?” “Your ex. Alam kong iniisip mo siya.” Oo nga pala. Ang akala ng lalaki ay mahal pa rin niya hanggang ngayon si Michael. “You're wrong Blue,” pagtatama niya rito. “Matagal na akong naka-move on kay Michael kaya imposibleng siya pa rin ang iniisip ko hanggang ngayon.” Halatang nabigla ang lalaki sa sagot niya. “Pero hindi ba sabi mo mahal mo pa rin siya kaya ayaw mong magpaligaw?” Huminga siya ng malalim at umiling. “I lied. Sinabi ko lang iyon para tigilan mo na ako. Pero hindi, eh. Ang hirap mong itaboy.” Matamang itong nakatitig sa kanya. “Pero kung wala na sa iyo ang nakaraan, bakit ayaw mong magka-boyfriend ka ulit?” Sinalubong niya ang tingin. Nagpasya siyang sabihin na lang dito ang lahat. Baka maintindihan siya nito at ito pa ang kusang lumayo sa kanya. “Naniniwala ka ba sa sumpa, Blue?” His eyebrows crossed. “Sumpa? Ano'ng sumpa?” “Nakilala mo na ang dalawa kong kapatid, 'di ba? Si ate Darlene at ate Francine? Hindi ka ba nagtataka kung bakit wala pa rin silang asawa?” Nagkibit-balikat ito. “Siguro, dahil pihikin lang sila sa lalaki..Tulad mo.” Mapait na umiling siya. “Dapat matagal nang kasal ang dalawang iyon. Even me. Pero dahil sa trahedyang nangyari sa aming tatlo, single pa rin kami hanggang ngayon.” Bumahid ang pagtataka sa mukha nito. “What are you trying to say Cyan?” Napapikit siya. “Si ate Francine, iniwan siya ng groom niya sa araw mismo ng kasal niya. Si ate Darlene, binaril at namatay ang groom niya sa araw din ng kasal niya. At sa akin, ganoon din ang nangyari, naaksidente at namatay si Michael sa araw mismo ng kasal namin.” She looked at his eyes directly. “Isa lang ang paliwanag kung bakit nangyari iyon sa aming tatlo. Siguro may nagsumpa sa amin na manatiling single habambuhay. Na iwan kami ng mga lalaking mahal namin sa araw mismo ng kasal namin.” “At iyan ang dahilan kung kaya wala kang pinapayagang manligaw sa'yo Cyan? Is that it?” Tumango siya. Halos mag-isang linya ang kilay nito. “That idea is freaking absurd! Sino'ng tanga ang maniniwala sa sumpa na iyan?” Halos parehas ng sagot nito ang sinabi rin ng ate Darlene niya. Hindi rin naniniwala si Blue sa kanya. “Then tell me Blue, paano mo ipapaliwanag ang pare-parehas na nangyari saming tatlo?” Nagbuga ito ng hininga. “Everything happens for a reason Cyan—” “Kaya nga, eh,” putol niya rito. “And for us, it happened because someone cursed us.” “There is no such thing as that Cyan,” giit nito. “Nangyari iyon dahil hindi ang mga lalaking iyon ang nakatakda sa inyo. You didn't end up with him because you are suppose to end up with someone else. And that someone else is me. Do you get it Cyan?” Umiling lang siya at nag-iwas ng tingin. “Ewan ko sa iyo. Akala ko maiintindihan mo ako.” “I get you Cyan,” mahinang sambit nito. “I just can't believe and accept it. Sa panahon ngayon, imposible ang mga ganyang bagay.” She glared at him. “Kaya nga sa umpisa pa lang, tinataboy na kita. Dahil hindi mo ako maiintindihan.” Nakagat niya ang ibabang labi nang maramdaman ang pag-iinit ng gilid ng mga mata niya. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya, babagsak na ang luha niya. Hinawakan ni Blue ang kamay niya dahilan upang muli siya tumingin dito. “I'm sorry Cyan,” masuyong wika niya. “Hindi ko man ramdam kung ano'ng eksaktong nararamdaman mo pero alam kong nahihirapan ka.” Sandali itong tumigil at saka muling nagpatuloy. “Sige, kung gusto mong maniwala sa sumpa na iyan, sasamahan kita sa paniniwala mo.” “Ibig sabihin lalayo ka na?” Hindi niya mawari kung bakit wala siya maramdamang saya sa ideyang lalayo ito sa kanya. “Siguro kung noong una ko pa nalaman iyan,” sambit nito. “Pero ngayon, no way. Hindi sapat ang lahat ng sinabi mo para layuan kita. Ngayon pa, na mahal na kita?” Nanatili siyang nakatitig sa lalaki. Hindi siya makapaniwala sa lahat ng sinasabi nito ngayon. It was her first time she had seen him that serious. At kitang-kita niya sa mga mata nito kung gaano ito kaseryoso. “Let's think things this way Cyan,” pagpapatuloy nito. “Sabihin na nating totoo nga iyang sumpa na iyan, pero hindi pa rin mababago ang nararamdaman ko sa iyo.” Lalo nitong hinigpitan ang hawak sa kamay niya na para bang wala itong balak na pakawalan siya. “Naniniwala ka naman sa fairytale 'di ba?” “Fairytale? Bakit?” Bahagya itong ngumiti. “Kung naniniwala ka sa sumpa, ako naniniwala sa power of love.” Her lips parted. “Ano'ng power of love?” “Let's say you're the princess, Cyan. You were cursed. At ako ang prinsipe na puputol sa sinasabi mong sumpa. Kaya kong ibigay ang pagmamahal na tatalo sa sumpa na iyan. Just give me the chance to prove that.” She was lost for words. Hindi niya alam kung paano nito naisip at nasabi ang lahat ng iyon. And she was moved. Tagos sa puso niya ang lahat ng narinig mula rito. Ni hindi na nga niya napigilan ang pagtulo ng mga luha niya. “Stop crying..” masuyong wika nito habang pinupunasan ang luha sa pisngi niya. “Are you saying that you're willing to die just to prove your love to me?” Ngumiti ito. “Yes. Pero hindi naman ako mamatay agad. Meron bang prinsipeng namatay at iniwan ang prinsesa niya? Wala naman 'di ba?” Nag-unahan na sa pagpatak ang mga luha niya. “Kainis ka Blue. Pinapaiyak ako ng ka corny han mo.” Masuyong kinabig siya nito at niyakap. “I'm sorry..Pagpasensiyahan mo na ang mga choice of words ko.” At naramdaman niya ang pagbaba ng mga labi nito sa kanya. Dinampian nito ng halik ang pisngi niya, pagkatapos ay masuyo nitong sinakop ang mga labi niya. His kisses were slow and full of gentleness. Para bang nais nitong iparating sa pamamagitan ng halik na iyon na walang bahid ng pagdududda ang pagmamahal nito sa kanya. At hindi ito nagmamadali dahil handa itong maghintay. Napapikit na lang siya at buong pusong tinanggap ang mga halik nito. At kasabay niyon, tuluyan na ring nabuksan ang puso niya para tanggapin ang pagmamahal nito. “I love you, Cyan..” I love you too..Blue Sa kabila ng pagluha niya ay napangiti siya. She was thankful na dumating ang lalaking ito sa buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD