isang linggo nalang at magki-Christmas break na. Busy ang mga students council para sa paghahanda ng Christmas party sa buong Campus. Magsasama sama ang iba't ibang courses. Sa open field ito gaganapin dahil masyadong marami at hindi magkakasya kung sa Grounds lang gaganapin. Tuloy pa rin ang klase ng ibang Professor katulad ni Francis na hindi ata uso magpahinga sa pagtuturo. Umaangal nga ang ibang mga studyante dahil andami paring pinapagawa kahit magbebreak na. "Sir awat na sa pagbigay ng Activities. Party party na Sir. next year naman ulit. " Hindi ko napigilang sabi sakanya. Napakagat ako ng labi dahil masungit siyang napaharap sakin at natigil ang pagsusulat sa board. Tumikhim muna siya bago magsalita "Ms. Domingo, Wala kang karapatang magreklamo kung ayaw mong gumawa edi wag. Hu

