Dali dali akong bumangon sa Kama at patakbong pumasok sa banyo ng makaramdam ng pagbaliktad ng sikmura.
Tanging laway lang ang dinuduwal ko kahit parang may gustong lumabas sa lalamunan ko.
1week ko tong araw araw nararamdaman. Mas mabilis akong mairita nitong mga nakalipas na araw. May mga amoy na nagpapabaliktad din ng sikmura ko.
Napapansin din nila Mama na lumalakas akong kumain. Parang wala akong kabusugan kahit anong kain ko. i know something and i feel something different in my body.
Kakauwi lang nila Papa galing sa business trip nila. Hindi din sila inabot ng isang linggo doon dahil binabalita sa kanila ni manang na laging masama ang pakiramdam ko.
Expected ko na na mangyayari ito. We did that so many times without using a protection. i didn't use any birthcontrol pills or shots.
Nagmumog ako at naghilamos bago bumaba sa Dining. Nagsuot lang ako ng oversized shirt at short short.
"Good Morning Mama, Papa." bati ko sa kanila at humalik sa mga pisngi nila.
"You look pale anak. Nagsuka ka na naman ba?" nag-aalalang tanong ni Mama.
Tumango naman ako at nagsimulang kumain. Actually ,after eating ay matutulog ulit ako. Hindi din muna ako papasok sa school dahil medyo nahihilo din ako.
"Kelangan namin makausap ng Mama mo si Francis about sa pagbubuntis mo." Sabi ni Papa kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi po ba kayo galit?" mahinang tanong ko at napayuko.
"Hindi. Alam naman namin na mangyayari to.Sasamahan ka ng Mama mo magpacheck up sa Ob-gyne. Kelangan kaba pwede?" Sabi niya habang kumakain..
Hindi ko mapigilan ang maiyak. Parang bata akong napalabi at nagpunas ng mga mata gamit ang mga braso.
"Anak you don't need to worry. We support you sa mga desisyon mo sa buhay. And we trust Francis that much kaya hindi mo kelangan mag alala. Shhh now baby. " Lumapit sakin si Mama at niyakap ako. Hinagod nito ang aking likod pataas -baba.
"Hindi po ako papasok sa school Ma, Medyo masama ang pakiramdam ko. Magpacheck up po tayo after lunch. Pwede po ba na wag niyo po muna sabihin kay Francis? He so stress this past few weeks because of school works. Madami din events sa school ngayon kaya super busy ng mga Prof. Ayoko po munang makadagdag sa alalahanin niya. Maybe we can tell it to him before Christmas break? Maluwag na siguro ang sched niya that time." Mahabang paliwanag ko sa kanila.
Sabay naman silang tumango. Masaya akong naiintindihan nila ang point of view ko.
Natapos ang almusal ay umakyat na ako sa Kwarto ko. Nagreply lang ako sa text ni Francis sakin bago bumalik sa pagtulog.
Nagising ako sa tawag at katok ni Mama sa labas ng pinto. Nakaayos na si Mama ng pagbuksan ko ito at hinantay nalang niya ako dito saloob ng kwarto.
...
"Congratulations po Misis, your 7 weeks pregnant. You need to be extra careful there are two heart beats so it means they are twins." Nakangiting sabi samin ni Mama ng Doctor na tumingin sakin.
"Ahmm Doc. is it allow to do that?" Tinignan ko siya ng alanganin.
"Yes, makakatulong din yun para hindi ka mahirapan manganak. Hangang 7 months. " Sagot nito.
Nagbilin lang ito ng mga kelangan gawin at inumin para mas maging healthy ang baby. She told us that i need to be careful dahil maselan ang first semester lalo na sa mga first time mom katulad ko.
i feel so much joy habang napapahawak sa maliit kong tiyan. Nasa sinapupunan ko ngayon ang bunga ng pagmamahalan namin ni Francis. i can't wait to see his reaction kapag sinabi ko na sa kanya ito.
Sa ngayon, kailangan ko lang maging extra careful at hintayin mag Christmas break para ipaalam sa kanya ang magandang balita.
After magkapagpaaalam sa doctor ay pumunta kami sa Mall para mamili daw ng mga damit ko.
we buy comfortable clothes, leggings, doll shoes and sneakers. Wala kasi ako sa bahay ng mga yon dahil mahilig akong magsuot ng mga heels and dresses.
Kumain kami sa Seafood restaurant at masayang nagkwentuhan. Mabuti nalang talaga at hindi ako maselan sa pagkain kaya pwede kong kainin ang lahat.
Pag uwi namin ng bahay ay nandoon si Francis na kausap si Papa. Lumapit ako sa Kanila at humalik sa pisngi ni Papa bago pumunta kay Francis para humalik at yakapin siya.
"What are you doing here hubby? " Sabi ko ng umupo kaming magkatabi sa Sofa.
Umalis si Papa para puntahan si Mama sa kwarto nila kaya kami nalang dalawa ang naiwan sa Living room.
"i want to be with you tonight Wife. i miss you so bad. Hindi na tayo nagkakasama ng matagal." sabi nito at niyakap ako ng mahigpit.
"i miss you too hubby. Dito ka nalang matulog?" suhestyon ko sa kanya.
Ngumiti naman siya at tumango. " i already talk to your Dad. Pumayag naman si tito. " sagot niya at pilyong ngumiti.
Ngumuso naman ako kaya napatawa siya. He kissed my forehead at bagyang ginulo ang buhok ko. " imiss you so d*m! much baby. " and kissed me in my lips.
..
Habang kumakain ng Dinner ay napansin ni Francis ang pagiging matamlay ko.
"Why baby? is there something wrong?" Nag aalalang tanong niya sakin. Binitawan niya ang kutsara't tinidor niya at tinitigan ako.
Napatingin naman ako kila Mama na nakatingin din samin ni Francis.
Humarap ako sa kanya, marahang umiling at nginitian siya. "i'm okay hubby. Napagod lang ako sa pamamasyal namin ni Mama kanina. inaantok na ko---" sabi ko at di napigilan humikab.
Natawa naman silang tatlo kaya napalabi ako. Nakitawa na din ako.
Mabilis namin tinapos ni Francis ang pagkain at nagpaalam na magpapahinga na. Sabay na umakyat sa kwarto ko.
Pumasok agad ako sa banyo para maglinis ng katawan bago humiga sa kama. Ganun din naman ang ginawa niya bago tumabi sakin na nakaboxer brief nalang.
" i love you wife." he whispered in my ears and kissed my neck.
Nakahiga ako sakanya patalikod at nakayakap naman siya saakin.
"Good night hubby. i'm really ..." at humikab na naman ako ".... tired..." tapos natawa.
Tumawa naman siya at pinaharap ako sakanya. Magkatapat ang mga mukha namin at parehong nakangiti sa isa't isa.
"How's your day? Kaya pala hindi kita nakita sa School, hindi ka pala pumasok." tanong niya while rubbing my cheeks using his thumb.
"Good. Nakalimutan ko ng magsabi sayo kasi hindi mganda ang pakiramdam ko kaninang umaga. Nawala sa isip ko. " sagot ko at hinawakan ang pisngi niya.
Using my index finger, marahan kong pinadaan ito sa leeg niya habang kagat ang ibabang labi. Pinababa pa iyon papuntang dibdib niya hanggang sa tiyan.
Dama at rinig ko ang malalim ng paghinga habang ginagawa ko iyon. Hinawakan niya ang kamay para pigilan ng ibaba ko iyon papunta sa puson niya pababa.
"Stop now you naughty girl." sabi niya na pigil ang paghinga
"Ayaw mo ba?" nang aakit kong tanong sakanya at pinasadahan ng dila ang ibabang labi.
"You're tired diba. Magpahinga ka muna. Gagawin natin yun pag nakapagpahinga kana." sabi niya sakin.
Pinaunan nya sakin ang braso niya at dinala ang mukha ko sa dibdib niya. Nakayakap na ako sakanya habang siya ay marahang hinimas ang buhok ko at panaka-nakang hinahalikan ako sa tuktok ng ulo.
"i love so much Wife. i don't think i can live my life anymore without you. " Masuyo niyang sabi at niyakap na din ako.
"hmmmm..." tanging sagot ko at lalong sumiksik sa dibdib niya. Nakangiti akong pumikit at mahimbing na nakatulog.