Unang beses ko siyang nakita one week ang nakalipas simula ng magpasukan. Nasa Garden siya kasama ang isang babae at lalaki na mukhang magkarelasyon dahil naglalambingan sa harapan niya at napapailing siya habang nakangiti. "Hoy sinong tinitignan mo!" Agaw atensiyon sakin ng kateammate ko sa basketball at inakbayan ako. "Ganda no?" Napatingin ako sa tinitignan niya at nakita kong ang tinutukoy niya ay ang babaeng kanina ko pa tinitignan. "Kilala mo ba sya?" Tanong ko sakanya. Pumalatak naman siya at naiiling habang nakangisi. "Mukhang may nakakuha ng atensyon mo ha. " mapang- asar niyang sagot sakin. Siniko ko siya sa tiyan kaya napadaing siya at napayuko ng konti. "i'm seriously asking you jerk, " Sinamaan ko siya ng tingin at ibinalik ang tingin sa babae. "i don't know here bro. K

