CHAPTER: 9

1442 Words
"May Susuotin kana?" Tanong sakin ni Marielle. Nasa Garden kami ngayon at hinihintay ang boyfriend niya. Si Dave kasi ang inutusan naming bumili ng kakainin sa Cafeteria. Wala ako sa Opisina ngayon ni Francis dahil meron silang meeting para sa gaganapin ng 60th birthday ng may- ari ng school. Invited kami lahat ng studyante at sa loob din ng campus gaganapin ito. "Wala pa nga eh. Mall tayo mamaya?" sabi ko sakanya at uminom ng tubig. "Okay! sama natin si Dave." Ngumiti sa harap ko na para bang humihiling na pumayag ako. "Hay naku gagawin niyo lang akong thirdwheel. " napapailing kong sagot sakanya. "Mag boyfriend kana din kasi bess! Andaming gwapo dito sa Campus wala ka man lang matipuhan?" sabi nito sakin . Sasagot pa sana ako ng dumating si Dave dala ang mga pinamili nyang pagkain namin. "Babe, wag mong ibugaw yang kaibigan mo. magagalit sakin si pinsan. Pinapabantayan pa naman yan sakin. " sabi nito ng natatawa at humalik sa pisngi ni Marielle. Napakunot naman ang noo ng isa at pabalik balik ang tingin kay Dave at sa akin. "Sinong pinsan babe?" tanong nito kay Dave. "ah hehehe. Makikilala mo din Babe. " sagot nito at napakamot ng ulo. Bumaling naman sakin si Marielle ng nakasimangot. " Bestfriend tayo pero wala kang kinukwento." nagtatampo nitong sabi . "Makikilala mo din sya soon." sabi ko sabay ngiti ng matamis sakanya. " if you want i will invite him para sumama satin mamaya." dagdag ko. Umaliwas naman ang mukha nya at naging excited. " Really?! Asahan ko yan ah!" "Tatanong ko kung gusto." Natatawang sagot ko. Nagsimula na kong kainin ang sandwich habang naglalandian ang magboyfriend sa tabi ko. Napapailing nalang ako sa kasweetan nilang dalawa. Akalain ko ba na ang mukhang playboy na si Dave ang magiging boyfriend ng pihikan kong bestfriend. . . . Kakauwi ko lang sa bahay para magbihis ng damit. Magkikita kami ngayon nila Marielle para mamili ng damit. Sinabihan ko na din si Francis at pumayag naman sya na sumama. Sumakay na ko ng kotse at nagpahatid kay mang Berto sa Mall. umalis din agad sya pagbaba ko ng sasakyan dahil ihahatid naman ako nila Marielle mamaya sa bahay. Pagpasok sa mall ay umakyat agad ako sa thirdfloor. Nagstop ako sa isang shop at naghantay ng mga kasama. "Bess! " Napalingon naman ako sa tumawag at natanaw ko sina Marielle at Dave sa tapat ng isang fast food chain. "Kanina pa kayo?" Tanong ko sakanilang dalawa at nagbeso kami ni Marielle. "Hindi naman bess . Nasan na yung Boyfriend mo?" kinikilig nitong tanong saakin habang nagpalinga linga sa paligid. "Siya lang naman ata talaga hinahantay mo bess hindi ako " natatawa kong sabi. Tinignan ko ang cellphone ko kung nag text na si Francis. Magtatype palang ako ng message ng magsalita si Marielle. "Babe, si Sir Francis yun dba?!" Tanong nito kay Dave. Napatingin din ako sa tinuturo nya habang kumakaway ito. Napansin naman ito ni Francis at nakangiting lumapit saamin. Nginitian nito si Marielle at tumango kay Dave. Niyakap niya ang isang braso nya sa bewang ko pagtapos ay humalik sa sentido ko. "Late na ba ko Wife?" Nakangiting tanong niya sakin at tumingin sa mga kasama ko. Natawa ako sa reaksyon ni Marielle na halatang nagulat sa ginawa ni Francis. Palipat lipat ang tingin nito kay Francis, sa mukha ko at sa kamay nito na nakayakap sa bewang ko. "Yes bess, anything to say?" Nakangiti kong sabi sakanya. Hindi siya natinag sa pagkatulala kaya naman tumikhim ako. "Ahmm. Bess, si Francis Boyfriend ko." nakangiti kong sabi sakanya. Bumaling naman ako kay Francis " Hubby, kilala mo na sya diba. Bestfriend ko." Natatawang pakilala ko sakanila sa isa't isa. "OMG Bess totoo nga? boyfriend mo si Sir?" Pabulong na tanong nito sa akin na abot naman sa pandinig nila Francis. "Yes, Miss Aquino. i'm really her boyfriend." Nakangiting sagot ni Francis. Tinignan ako ni Marielle ng may halong panunudyo. Kinurot kurot pa ang braso ni Dave habang kinikilig. "Stop it Bess, Let's go. Maghahanap tayo ng masusuot dba." Sabi ko at nagsimula na ulit maglakad. Naglakad na din sila habang si Francis ay inakbayan ako. Ang dalawang mgkasintahan naman sa likod ay magkahawak kamay at patingin tingin sa mga shop na madadaanan. Pumasok kami sa isang kilalang brand ng mga damit. Pumunta kami sa women clothes at namili ng mga damit. Ganun din naman ang mga lalaki sa kabilang side ng store. Namimili din sila ng isusuot nila para sa party. "Bes eto bagay sayo." sabi ni Marielle at tinapat sakin ang isang Sexy mermaid backless long prom dress. ", Sukatin mo bilis! "excited na sabi nito. Pumasok ako sa fitting room at sinuot ang dress na napili nito. Masyadong mababa ang vneck design neto at labas ang cleavage. Ang backless naman nito ay hanggang bewang . fit na fit sa katawan ko kaya naman hubog na hubog ito. Sanay naman ako magsuot ng mga gantong damit kaya hindi ako masyadong asiwa. Lumabas na ko ng fitting room kung saan nag aabang si Marielle. "Guys Come here look at Anne!" agaw nito sa atensyon ng mga lalaking kasama namin. Kunot noong naglakad si Francis papunta samin habang si Dave naman ay nakangisi na parang natutuwa sa reaksyon ng katabi. "Why did you choose that? its too revealing! Change it. " Masungit nitong sabi sakin pagkatapos akong ikutin sa harapan nya. "Maganda naman ah!" Nagmamaktol kong sabi sa kanya at sumimangot. "Oo nga Wife Maganda yan, pero masyadong mababa sa dibdib tapos pati sa likod! masyadong sexy! ayoko niyan! Masyadong agaw pansin. " iiling iling na sagot naman niya sakin. "Ang pangit mo naman kabonding!" Sabi ko at pumasok na ulit sa fitting room para isuot ang mga damit ko. Namili nalang ulit kami ni Marielle ng ibang design. Sinukat namin yun at hindi na ipinakita sa mga kasama naming lalaki dahil baka hindi na kami matapos kakasukat ng mga damit. ... "What do you want to eat Wife?" Tanong sakin ni Francis habang nakapila kami sa isang fast food chain. Kakatapos lang namin mamili ng mga kailangan namin sa party at magikot ikot bago pumunta dito. Napatingin naman ako kila Marielle na nasa likod at binigyan ako ng isang pamanudyong ngiti. Natatawa ako sa itsura niya at napapailing nalang si Dave sa kinikilos ng Girlfriend niya. Simula kasi nang malaman nya kanina na Boyfriend ko si Francis hindi na mapigil sa kilig ang loka loka. "Ahmm. Hubby, Burger lang sakin and Fries. " sagot ko naman dito. "Sige na maghanap na kayo ng upuan ng kaibigan mo, kami ng bahala ni Dave dito. " sabi niya at binitawan ang pagkakahawak sa bewang ko. Niyaya ko na si Marielle sa may bandang sulok na apatan ang upuan. "Bess, kinikilig talaga ko sainyo ni Sir!" impit na tili nito pagkaupo namin dalawa. "Ang oa na bess ah " natatawang sabi ko. Hindi din naman nagtagal sa pila ang dalawa at umupo na dala ang mga order namin. "Sigurado ka bang ayaw mo kumain ng rice, Wife? Nag-order parin ako just incase. " sabi ni Francis sakin habang inaalis ang order namin sa tray na hawak niya. "Okay lang ako Hubby, Hindi naman talaga ko nagugutom." nangiti kong sagot sakanya. Para naman baliw na kinikilig si Marielle. Sinuntok suntok pa niya ng mahina ang boyfriend niya sa braso. "Ouch babe stop it. " Reklamo ni Dave. hinawakan niya ang kamay ni Marielle at hinimas himas ang braso niyang kanina pa nasusuntok. Naging payapa naman kami habang nakain kahit pasimple ang pang-aasar sakin ni Marielle. Hindi talaga siya makaget over. .. Huminto ang sasakyan sa tapat ng gate namin. Si Francis na ang naghatid dito sakin sa bahay para daw makapagsolo kami sabi nina Dave. "Kelan kaya ko makakapasok sa bahay niyo. Gusto ko ng maging legal tayo Wife, para naman makasama kita ng mas matagal." Malungkot na sabi nito sakin . i kissed him gently. i also want him to introduce to my parents but i know that this is not the right time. i'm also afraid sa kung anong iisipin nila at nakipagrelasyon ako sa professor ko. "i'm sorry Hubby. Just give me some time please? i will tell them naman eh." he sighed. "Okay wife. i'm willing to wait you. " sabi nito at humalik sa pisngi ko. "See you tomorrow Wife. i love you so much " he said ang kissed me in my lips . "Nakakarami ka na ng halik ah. i love you more Sir. " nakangiti kong sabi. Bumababa na ako ng sasakyan at kumaway sakanya bago pumasok sa Gate. Umalis na din agad siya pag sara ko ng pinto. --*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD