Chapter 35 Stella "Jasper, I'm sorry." "Ayos lang. Alam ko naman na siya pa rin ang mahal mo." "Sorry talaga. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa 'yo." "Masaya naman akong nakasama kita. Sapat na 'yun." Nandito ulit kami sa likod ng bahay. "Tara na? Pasok na tayo sa loob. Lumalamig na dito sa labas." aniya. Pumasok na kami sa loob ng bahay. "Xander," tawag ko sa pangalan ni Xander pagkakita ko sa kaniya. Nakasalubong namin siya sa loob ng bahay. Tiningnan niya lang ako saglit at si Jasper. Umalis na rin agad. Masanay ka na sa kaniya Stella. Hindi ko na kaya. Ba't ganun ang trato sa 'kin ni Xander? Hindi niya ako pinapansin. Nakakasakit na siya a! Hindi ko na kaya. Sasabog na ako. Hanggang ngayon mahal ko pa rin si Xander. "Pansinin mo naman na ako." pakiusap ko kay Xan

