Chapter 38 Stella Nagulat ako kay Lolo dahil bigla n'yang sinuntok ng malakas si Xander. Ang tanda na nakapanuntok pa. Pero bakit? "Lolo," Kakauwi lang namin. Ba't bigla n'yang sinuntok si Xander? Bakit ito ang sasalubong sa amin? "Ginoong Leandro, calm down!" pilit na pinipigilan ni Aliyah ang lolo para sugudin si Xander. Pilit niya rin itong pinapakalma. Anong nangyayari? Tahimik lamang si Xander. Tinatanggap ang lahat ng ginagawa sa kan'ya ni lolo. "Ipaliwanag mo sa 'kin ang mga litratong 'to!" binato ni lolo ang mga litrato kay Xander. Nagsiliparan 'yon. "Halika dito." hinila ako ni Lolo palapit sa kan'ya. Naguguluhan ako. Hindi ko pa rin alam kung ano ang nangyayari. Hanggang sa makita ko ang mga litrato na nagkalat sa baba. Litrato namin ni Xander ang lahat. Magkasama.

