Chapter 24 Stella "Ma'am, kailangan n'yo pong gumising." may yumugyug sa 'kin. Nakatalukbong ako ng kumot at nanonood ng porn. Dilat na dilat ang mga mata at walang tulog. Si Xander kasi, "Ma'am!" Pinatay ko ang pinanonood ko. Kainis. Ang ganda pa naman no'n. Bagong download ko 'yun e. Inalis ko ang earphone na nakasaksak sa tenga ko. Tinanggal ko ang talukbong kong kumot. "Bakit, Aliyah?" "Ma'am?" Parang nagulat na natakot ang mukha n'ya. Problema nito? "Bakit ganyan hitsura mo?" "Ma'am, bakit ang laki ng eyebags mo?" "Hindi ko alam." "Ma'am, kailangan n'yo na pong bumaba." "Bakit? Mag-aalmusal na ba?" "Tapos na po Ma'am," "Ano'ng oras na ba?" Tumingin s'ya sa gold n'yang relo. "10:38 am na po, Ma'am." "Gano'n ba?" "Opo, kailangan niyo na pong bumaba." "Sige, susunod a

