s*x Slave #18 Stella Pag gising ko wala na si Xander. Mapait akong ngumiti. Masaya na akong hinintay niya muna akong makatulog bago siya umalis. Sabado na. Siguradong masayang namamasyal siya kasama ng anak niya. Sana ay mag enjoy siya. Inaya ako ni Leslie mag lunch kaya inayos ko ang sarili ko. Pumunta na ako sa Restaurant na sinabi niya. "Kanina ka pa? Sorry nalate ako." Hindi ko kasi sinasadyang matraffic. Ayan tuloy, nahuli ako sa oras ng usapan namin ni Leslie. "Ayos lang. Kadarating ko lang din. Order muna tayo." Nag-order kami ng foods bago kami nag chikahan ulit. "So totoong wala na kayo ni Blake?" tanong niya. Nakikitsismis na naman ito. "Sumasagap ka ba ng tsismis?" Natatawa kong tanong. "Parang ganoon na nga, hehe." "Wala na kami ni Blake. Sinabi na niya sa 'yo 'di

