5

2123 Words
s*x Slave#5 Stella Almost fifteen minutes na akong naghihintay kay Blake. Si Leslie wala, absent. Bruha talaga 'yon, akala ko late lang. "Sorry natagalan," aniya at umupo. Dala niya ay isang tray na naglalaman ng pagkain naming dalawa. "Ang haba kasi ng pila kaya pasensya ka na sexy baby ko." Sexy baby sexy baby. Pinagmasdan ko siya. Nagpupunas pa siya ng pawis at inaayos ang nagusot na damit. Bukas din ang dalawang but ones sa taas ng polo. Kita ko roon ang pawis niya. "Ayos lang..." natigilan ako saglit, naningkit ang mata ko na nakatitig sa leeg ni Blake na may kulay pula. Natawa ako ng mahina. Kaya pala natagalan. Mahaba pala ang pila ah. Mabuti may nakita akong tissue rito sa lamesa na inuupuan namin. Inabot ko 'yon sa kaniya. Nagtatanong ang kan'yang mga mata kung bakit ko inaabot sa kan'ya iyon. "Anong gagawin ko ryan sexy baby?" Ngayon ko rin napansin ang lipstick sa gilid nang bibig niya na medyo malabo na, siguro ay pinunasan na niya ng kamay niya. Galawan talaga! "Kung makikipagquickie ka next time, ayos lang na matagalan ka sa pagbili ng pagkain natin. But make sure na walang maiiwan na marka ang kalandian mo. Tissue, pampunas diyan sa leeg mo na may lipstick at sa gilid ng labi mo." Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko. Mabilis niyang kinuha ang tissue sa kamay ko at pinunasan ang may mga marka na pula sa leeg at labi niya. "Sorry. Sorry Stella, hindi naman ako 'yong nagsimula. Pinilit lang ako noong babae. Bibili na sana ako ng pagkain natin kaso hinigit ako nang babae..." "Hindi ka ba makapag hintay hanggang mamaya Blake?" Mahina pero madiin kong tanong sa kaniya. "Sorry na." Pagsusumamo niya. Hinawakan niya pa ang kamay ko at nagpacute ang loko. "Boyfriend kita. Ano ang sasabihin ng iba kung makikita ka nilang ganoon parati? Magiging kaawa-awa ako dahil ang boyfriend ko, ang daming girlfriend." "Sorry na, ikaw lang ang girlfriend ko." "Siguraduhin mo. Kung hindi, tapos na ang kontrata natin. Hindi na kita tuturuan, hindi na kita s*x slave at hindi mo na ako girlfriend." "Sexy baby, walang ganyanan." Binitiwan ni Blake ang kamay ko at inayos ang upo niya. Sumeryoso ang mukha. "Nilabag mo ang kauna-unahang rule sa contract." "Sexy baby hindi ko nilabag. Natukso lang ako." "Ano ba ang nakalagay sa unang rule ko?" tanong ko. He bite his lower lips at ilang segundo bago nagsalita. "Bawal makipag-landian sa iba. Bawal makipag-halikan at makipag-make out or quickie. Pero sexy baby natukso lang talaga ako. Hayaan mo next time 'di ko na uulitin." "Siguraduhin mo." "Promise." "Kumain na tayo nagugutom na ako." kinuha ko yung spaghetti sa tray at tinidor. "Bati na tayo?" He asked. Tinignan ko siya. Nagpa-cute na naman siya. "Oo na." "Talaga?" "Oo na nga" "Talagang talaga?” "Talagang talaga. Ang kulit mo." "Talagang talagang talaga?" Sabi niya at nilapit ang mukha sa akin. "Oo. Pero bawal mo pa ako halikan kasi madumi pa 'yang bibig mo. Mag toothbrush ka muna at mag mouthwash bago mo 'ko halikan." "Masusunod sexy baby," tuwang tuwa siyang kumain kasi bati na kami. Tss. Isip bata. "Pasensya ka na medyo magulo," ani Blake ng papasukin niya ako ng condo niya. Ngumiti ako. Medyo magulo.... magulo talaga. Kung si Xander ang nakatira rito, walang makikitang alikabok at kalat sa kahit saan. Napaka-arte nang lalaking 'yun! Pagkatapos ng klase namin ay dumiretso kami rito sa condo niya. Ngayon na kasi mabibinyagan ang kalandian ko. Sa loob ng isang buwan na pagtuturo ko kay Blake, ngayon na ang pinaka hihintay kong araw. "Teka lang," Hindi natuloy ni Blake na hubarin yung polo niya at tiningnan ako. "Bakit sexy baby?" "Hindi ba tayo maglilinis muna ng condo mo?" tanong ko. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. "May taga-linis ako nito, kaya lang bukas pa darating." Napakamot siya sa batok niya. Na offend ko yata. Ano ba naman kasi 'yan, Stella! "Hindi, ayos lang. Sige maghubad ka na." Tumaas ang gilid ng labi niya at nag hubad ng pang taas na damit, ooohhlalam. Napalunok ako habang nakatitig sa hubad niyang katawan. Ang lapad ng dibdib. Ang ganda rin ng katawan mga bes! Hindi mo makikitaan ng anumang taba. Yung gandang katawan niya pang super model. May abs pa siya! Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim! Bumaba pa ng kaunti ang aking mata sa katawan niya at pinapiyestahan ng mga ito ay ang kaniyang V-line, bahagya pang nakalantad ang garter ng white brief niya. Hindi ko alam kung bakit biglang uminit dito. Parang gusto ko tuloy magpaypay. No! Gusto kong hubarin din ang mga damit ko! "Maghubad na rin ba ako?" tanong ko at hinawakan ang butones ng uniform ko para maghubad. "Wait," lumapit siya sa akin. "Let me do that, sexy baby," at siya na mismo ang nag tanggal ng isang butones... at isa pa... tapos isa pa... Hindi ako makahinga, sobrang lapit ng katawan niya sa akin. Ramdam ko ang init na nagmumula sa katawan niya. Diretso ang tingin niya sa aking mata. Nakikita ko roon ang pagnanasa at pananabik. Naka-pantalon nalang siya ngayon kasi naghubad siya ng polo niya. "Wait lang," pigil ko nang tangka niyang aalisin ang huling butones. Tinakpan ko yung dibdib ko dahil nakikita na ang bra ko. Natawa siya ng mahina. "You're a virgin?" He asked. Nahihiya akong tumango. Totoo naman a, virgin pa ako. Ano naman ang masama? Yun nga ang dahilan kaya ko siya ginawang s*x slave. Para maranasan ko ang makipagtalik. Nagulat ako kasi kumuha siya ng jacket at itinaklob sa akin. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?" "Blake," "You're not ready. You are just curious about s*x. Itigil na natin hanggang maaga pa. Magbihis ka na hanggang kaya ko pang pigilan ang sarili ko. Bumubukol na e," "What?" I asked him, irritated. Bakit niya ako pinagbibihis? Hindi niya ba alam na excited ako? Inis akong nag butones ng blouse ko. Mahina siyang natawa. "Gagawin natin 'yan kapag ready ka na." sabi niya. E bakit siya ginagawa na niya sa iba? Siya ready na tapos ako hindi pa? Unfair! Gusto ko ring maranasan. "Lets just date." aniya. Pampalubag-loob niya sa 'kin. "Date? Dito sa condo mo?" Tumango siya sa sagot ko at nagbihis na ng isang plain white t-shirt. Inabutan niya rin ako ng isang t-shirt na puti. "Wear this, please." aniya at nagpulot ng mga kung ano anong nakakalat sa sahig. Magazines na puro babaeng naka bra't panty tapos mga damit niya at pantalon ang nakakalat. Pinaupo niya ako sa sofa. "Hintayin mo 'ko rito, magbibihis lang ako. Pwede ka rin mag bihis doon." turo niya sa banyo. Inabot niya sa 'kin isang boxer. Tumango ako. "Thank you," Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa pang upo niya. Dumadaloy na naman sa aking katawan ang kamanyakan. Napakatambok ng kan'yang pang upo. Ang sarap palopaluin habang umiindayog siya sa 'kin. Naiimagine ko tuloy kung paano siya makipag talik. Mabilis kaya siya? Hard? May style kaya bawat ulos niya? Oh god! So hot! Pumasok siya sa kwarto niya at dumiretso ako sa banyo upang magbihis. Sa laki ng t-shirt niya, para tuloy akong naka-dress. Suot ko rin ang boxer na binigay niya. "You look beautiful under my shirt." ani Blake ng makita niya ako. Para akong malulusaw sa klase ng kaniyang titig sa akin. Naka-smirk din siya. Bigla akong nahiya. Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. "Thank you," sabi ko sa kaniya. "Ikaw din, ang guwapo mo diyan sa suot mong t-shirt at saka, ang ganda ng view sa may bandang boxer mo, hanggang ngayon may bukol." nahihiya kong sabi. Lalong pumula ang mukha ko ng tignan ang bukol sa boxer niya. Gosh! Hard na hard siya. Natawa siya. "Pasensya ka na, ang sexy mo kasi talaga sexy baby." lumapit siya sa akin at nagulat ako ng halikan niya ako. Hindi ako nakapagrespond. Para akong tuod na naka-steady lang habang siya gumagalaw ang labi niya sa labi ko. Nilalamon niya ang ibabang labi ko at kinakagatkagat, minsan pinapasok niya dila niya. Ang sarap ng laway niya! Parang... nakamamatay. Hinihingal siya ng humiwalay sa akin at nakangiti. "Siguro puro bad breath ang nagiging boyfriend mo." aniya habang hinihingal. "Paano mo naman nasabi?" tanong ko at pinunasan ang labi kong basang basa ng masarap niyang laway. "Hindi ka kasi marunong humalik." natawa siya ng mahina dahil sa sinabi niya. "Tss. Ang yabang mo porket napakadami mo ng naging babae." I pouted. "Just kidding. But don't worry sexy baby. Uunti-untiin natin 'yan. Pero una sa lahat, tuturuan muna kitang humalik, bago makipagsex." kindat niya. "Anong gagawin natin dito sa condo mo?" tanong ko. Naglakad kami papuntang sofa at doon umupo, magkatabi kami. "Gusto mo turuan kita ng iba't ibang klase ng halik?" tanong niya. Hindi ko alam kung nagbibiro siya pero mukhang seryoso siya dahil hindi siya tumatawa. May iba't ibang klase pala ang halik. Kaya pala kapag nanonood ako ng porn, iba't ibang klase ng halik ang napapanood ko, bakit hindi ko 'yon nahahalata? "Tawag dito, smack." aniya at mabilis na hinalikan ako sa labi. Nakakailan na 'tong halik a! Nakagat ko ang ibabang labi ko. Parang gusto ko laging nakadikit sa akin 'yung malambot niyang labi. Ngumiti siya sa'kin. "Dito naman, French Kiss." He kissed me, very hard. This time, pinapasok niya ang dila niya sa bibig ko. Tapos kakagatin ibabang labi ko tapos. nanlaki ang mata ko sa ginawa niya, hinihigop niya ako. 'yung laway ko nakakain niya, oh my god! Sinisipsip niya dila ko. I can't help but to moan, ang sarap sa pakiramdam parang may umiikot sa tiyan ko. Ang sarap! Maya-maya ay bumaba na ang halik niya, pati leeg ko hinahalikan na niya. Normal pa ba 'to? Hindi ko alam pero iniangat ko yung ulo ko para bigyan siya ng space para mahalikan ako sa leeg. Nanlaki ang dalawa kong mata ng hinawakan niya yung dede ko, sakop na sakop ng kaniyang dalawang kamay. Parang minamasahe niya ito.. "B-blake," ungol ko sa pangalan niya. Maya-maya ay tumigil din siya, nakangiti siya sa akin. "You're doing great, sexy baby." "Am i?" tanong ko. Tumango siya habang nakakagat labi, ang guwapo! "Dapat hindi french kiss 'yon. Adventure kiss dapat, kung saan saan kasi gumagala labi mo at kamay." I pouted. Natawa siya sa sinabi ko. "Eto sexy baby, tornado kiss." Sunod-sunod na smack ang ginawa niya sa labi ko. "T-teka lang Blake..." Hindi niya ako pinansin, dire-diretso ang halik niya sa akin. Hindi na ako makahinga. Hindi ba siya nauubusan ng hininga diyan? Habang patagal nang patagal ang halik niya sa labi ko, dumidiin din ng dumidiin. Minsan, kinakagat niya lower lip ko. Literal. Tornado nga, hindi ako makahinga! Maya-maya rin ay natapos na, nakahinga rin. Hinampas ko siya sa braso. "Tarantado ka muntikan na akong mamatay doon sa tornado kiss mo!" Natawa siya. "Huwag kang mag-alala, sexy baby. Meron pa akong ituturo sa 'yo, Oxygen Kiss. Para kung sakaling maubusan ka ng hininga, alam mo kung paano huminga habang hinahalikan kita." Oxygen Kiss? I smirked. "Mamaya na 'yang Oxygen Kiss mo. May panyo ka?" Kumunot ang noo niya sa tanong ko pero binigyan din ako. "Here. Sexy baby," "Give me your hand, Blake." Inilahad niya yung isang kamay niya sa harap ko. "Dalawa." "Here," he gave me his two hands. Pinagdikit ko kamay niya at tinali 'yon gamit ang panyo. "What do you think you're doing, sexy baby?" "Just watch me." Itinaas ko ang kamay niya. Kumunot ang noo niya ng hawakan ko ang ibabang laylayan ng t-shirt niya. Hinubaran ko siya. Narinig ko ang mahinang pagmumura niya. "s*x Slave kita 'di ba?" tanong ko. Natatawa ako sa ekspresyon niya. Ang cute! Para siyang bata na naiinis. "Yes." "So, makikinig ka sa lahat ng sasabihin ko." "Hey, hey, sexy baby, anong pinaplano mo? You're such a tease babe. Do you know how much I hold my lechery to you? Kanina pa ako nagpipigil dito kaya huwag ka namang torture sexy baby," natawa ako ng mahina sa sinabi niya. He's begging. Tsk tsk. Nakita ko rin kung gaano na kaumbok ang nasa loob ng boxer niya, galit na galit na. "Kaya nga, Blake. Akong bahala diyan kay junior, higa ka." tumayo ako at pinagmasdan siya. Naka-boxer siya ngayon kasi wala na siyang pangtaas. Ang hot talaga ng loko. Huminga siya ng malalim bago humiga sa mahabang upuan. Nakataas ang nakatali niyang kamay. Umakyat ako ng upuan at umupo sa pagitan ng legs niya. Dahan dahan. Ramdam na ramdam ko bukol niya sa pang upo ko. Napaungol siya ng mahina. Kita ko rin ang pagtaas at baba ng dibdib niya para siyang nahihirapan huminga. "You're torturing me, sexy baby," "Just relax and enjoy," Simulan na natin, I’m excited!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD