Ang Tatlong Selyo

772 Words
Madaling Araw – Sa silid ni Nyra Hindi siya makatulog. Sa pagitan ng katahimikan ng gabi, ang pendant niya ay umiilaw, kumikirot sa balat—parang sinusunog ang kaluluwa niya. May naririnig na naman siyang boses. "Tatlong Selyo. Tatlong Daan. Tatlong Pagsubok." Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang tinig, pero alam niya—hindi ito halusinasyon. Ito ay alaala. Isa sa mga iniwang bakas ng Simbahan ng Anino. --- Sa Chamber of Whispers, hatinggabi Naglakad si Nyra mag-isa. Walang ilaw. Walang ingay. Tanging ang tunog ng kanyang hakbang ang umuugong sa kadiliman. Bitbit niya ang Codex Nocturnis. Sa isang pahina na ngayon lang lumitaw, nakasulat: > "Ang Selyo ng Katahimikan. Ang Selyo ng Dugo. At ang Selyo ng Kamatayan." "Buksan lamang kung ikaw ay handa, Tagapagmana. Dahil ang unang pinto ay hindi na nagsasara." --- Selyo ng Katahimikan 🔹 Lokasyon: Silid ng Nawalang Panalangin 🔹 Bantay: Isang kaluluwang nawalan ng tinig 🔹 Pagsubok: Tahimik na Kalaban – Kung hindi ka pipikit, ikaw ang kanyang kukunin --- Nakarating si Nyra sa Silid ng Nawalang Panalangin. Basag ang mga pader. Puno ng alikabok. Luma ang altar. Sa gitna ay may isang batang babae na parang estatwa, pero may luha sa mata. Nakasuot ng itim na belo. Hindi gumagalaw. Hindi nagsasalita. Ngunit paglapit ni Nyra, bigla itong nag-angat ng ulo. At sa mismong sandaling iyon, nawala ang lahat ng tunog. Tahimik. Wala siyang marinig—hindi ang kanyang hakbang, hindi ang t***k ng puso niya. Parang pinutol ng mundo ang koneksyon sa ingay. Tiningnan siya ng babae. Umiyak ito ng itim na luha. At sinugod siya. --- Tumakbo si Nyra, pero hindi sumigaw. Alam niya ang batas ng silid: kapag nagsalita, mawawala ang sarili. Ang batang espiritu ay mabilis—parang anino. Nakalutang. Ang mata’y wala nang puti—itim lang lahat. Huminga siya nang malalim. Hindi pwedeng matakot. Sa gitna ng kanyang pag-iwas, napansin niya ang altar—may ukit na simbolo. Itinaas niya ang kamay, at sa isipan lang, binigkas: > “Valen noctris.” Nagliwanag ang altar. Sumigaw ang espiritu—ngunit wala ring tunog. At unti-unti itong naglaho. Sa hangin, isang boses ang bumulong: "Unang selyo… nabuksan na." --- Selyo ng Dugo 🔹 Lokasyon: Sa ilalim ng Black Library 🔹 Bantay: Ang sariling takot 🔹 Pagsubok: Harapin ang aninong sarili --- Hindi pa nakakapahinga si Nyra nang biglang bumigat ang pendant niya. Isa na namang direksyon—pababa, papunta sa mas madilim na lugar. Pagdating niya sa ilalim ng silid-aklatan, may pinto. Sa sandaling binuksan niya ito, hinigop siya ng anino. At sa loob ng kwarto—wala siyang ibang kasama kundi… ang sarili niya. --- Pero ito ay hindi si Nyra. Ito ang bersyon niyang takot. Mahina. Lumuluhang bata. Yung Nyra bago siya naging malamig. Yung Nyra bago siya iniwan ni Ina. Bago niya pinatay ang damdamin. “Bakit mo ako kinalimutan?” tanong ng batang anino. “Dahil kailangan,” sagot ni Nyra. “Dahil mas madali bang maging walang puso?” Hindi siya sumagot. “Takot kang mahalin ulit, hindi ba? Takot kang masaktan. Takot kang malamang—wala ka nang halaga sa mundo kung hindi ka malakas.” Dito na siya tumingin nang diretso. “Oo. Takot ako.” “Pero hindi na ako ang batang iyakin.” “Ako ngayon... ang sinumpa ng gabi.” --- Pumutok ang hangin. Nagsanib ang dalawang anyo. Ang Selyo ng Dugo ay nabuksan. --- Selyo ng Kamatayan 🔹 Lokasyon: Sa gitna ng Nightfall Courtyard 🔹 Bantay: Ang sariling libingan 🔹 Pagsubok: Alamin kung sino ang kailangang mamatay para mabuhay ka --- Sa huling pagsubok, tumayo si Nyra sa gitna ng Nightfall Courtyard—ang pinakamatandang bahagi ng akademya, laging iniiwasan, laging malamig. Sa lupa, may nakaukit na pangalan sa isang libingan: > NYRA VALE “Patay na ako?” bulong niya. Hindi… Ito ay hula. Isang kapalaran. Lumitaw ang anyo ng tatlong propesor. Lahat sila'y nakatayo sa tabi ng libingan, duguan ang kamay, may hawak na selyong itim. At isang tinig ang nagtanong: > “Sino sa kanilang tatlo ang kailangang mawala… para manatiling buo ang mundo?” --- Hindi siya sumagot agad. Tiningnan niya si Caelum—isang guro, pero laging nagsisinungaling. Si Leira—isang necromancer, na marahil ay may pinatay nang estudyante noon. At si Varun—ang tagapag-ingat ng mga forbidden spells. Tumigil siya. At tinuro ang sarili. “Ako.” --- Pumutok ang paligid. Nawala ang mga anino. Ang mga bituin sa langit ay nagningning ng itim. At sa gitna ng gabi, ang tinig ng trono ay muling bumalik: > "Tatlong selyo. Tatlong daan. Ikaw ang isa na muling bubuo sa basag na mundo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD