The Forbidden Arts

717 Words
Malamig ang classroom—higit pa sa dapat. Ang mga pader ay gawa sa itim na bato, may mga uring pilak na parang ugat na unti-unting kumikislap sa dilim. Ang mga bintana ay makitid at mapanglaw, halos walang ilaw na pumapasok mula sa kulay-abong kalangitan ng Umbra Arcanum. Ang mga kandila ay may apoy na lilang tila multo, lumilikha ng anino sa sahig na obsidian. Nakatayo si Nyra sa pinakadulong bahagi ng silid. Tahimik. Malayo. Hindi siya umupo. Hindi rin siya nagsalita. Ang presensya niya lang ay sapat para bumigat ang hangin. Parang mismong espasyo ay lumulubog sa paligid niya. Ang ibang estudyante ay nag-uusap sa mababang tinig, palihim na sumusulyap, pero walang may lakas ng loob na lapitan siya. "Siya 'yung galing sa Morvalis, ‘di ba?" bulong ng isang babae. "Yung academy na nasunog?" sagot ng isa. "May sabi, kasama raw niya ang mga patay." Hindi gumalaw si Nyra. Hindi siya nagreact. Biglang bumukas ang pinto. Tumahimik ang lahat. Isang lalaking payat, matangkad, at maputla ang pumasok. Ang suot niyang robe ay halos kasing-itim ng gabi, at ang mata niya ay parang butas—malalim, malamig, walang buhay. "Si Professor Dagen," may bulong sa likuran. "Siya ang nagtuturo ng Bawal na Sining." Tumigil si Dagen sa gitna ng klase. "Welcome," sabi niya, malamig ang boses, "sa klase na pinaka-mahalaga sa lahat." Walang gumalaw. "Sinabihan kayong matakot sa mga bawal. Sining na hindi dapat aralin. Kapangyarihang dapat kalimutan," sabi niya habang naglalakad, mabagal, parang kaluluwa. Tumigil siya. "At tama sila." May nagtawa sa likuran. Pumikit si Dagen. Isang iglap lang—BOOM!—lumipad ang tumawa. Tumama siya sa pader, humandusay, umuubo. "Ang sining na ito," ani Dagen, "ay hindi para sa mahina ang loob. Hindi para sa nagbibiro." Tahimik. Nanatiling hindi kumikibo si Nyra. “Ngayon,” sabi ni Dagen, “sino sa inyo ang may lakas ng loob para hawakan ang anino?” Walang sumagot. Tumingin siya kay Nyra. “Ikaw,” sabay turo. Tumayo si Nyra. Walang tanong. Walang kaba. Naglakad siya papunta sa gitna ng silid, ang tunog ng hakbang niya ay kumakalabog sa katahimikan. “Pangalan mo,” utos ni Dagen. “…Nyra Vale.” May kumurap sa mata ni Dagen. Parang may naalala. “Ah,” sabi niya. “Ang batang mula sa guho.” Nagbulungan ang mga estudyante. “Sige nga. Ipakita mo. Tawagin mo ang anino. Utusan mo ito.” Tahimik. Nakatingin silang lahat. Pumikit si Nyra. Walang nangyari sa una. Pero unti-unti, ang mga kandila ay namamatay. Ang mga anino sa pader ay nagsimulang gumalaw—gumapang. Tumungo sila kay Nyra, kumakapit sa paa niya. Parang may sariling buhay. Tinaas niya ang kamay. Tumindig ang anino, umikot sa paligid niya. Humubog ng espada, ng pakpak, ng pangil. Nag-aalab ng itim na liwanag. Napasinghap ang ilan. Ang iba'y natakot. Si Dagen? Nanatiling tahimik. “Saan mo ito natutunan?” tanong niya, mababa ang boses. Dumilat si Nyra. Pula ang mata. Hindi siya sumagot. “Hindi mo ‘to natutunan dito. Hindi sa mga libro. Hindi sa guro. Ito’y… sinauna. Panganib,” bulong ni Dagen. Tahimik lang si Nyra. Inalis niya ang anino. Nawala ito, parang usok. Naglakad siya pabalik sa sulok, tulad ng walang nangyari. --- Gabing iyon… Naglalakad si Nyra mag-isa sa silid pasilangan. Ang anino niya’y kakaiba—kumikilos kahit walang liwanag. Parang may sariling isip. Tumigil siya sa harap ng isang pinto. May ukit sa bato—pareho sa simbolo na lumitaw sa balat niya noong nakaraang gabi. Idinampi niya ang kamay. Bumukas ang pinto. Madilim. Malalim. Tahimik. Pumasok siya. Mga bookshelf ang nakahanay—puno ng lumang libro. May ilan na umiiyak. May ilan na may amoy ng dugo. Mga grimoires na hindi dapat binabasa. Sa gitna ng silid: isang salamin. Obsidian. Itim. Hindi nagsasalamin. Parang tubig. Lumapit siya. Tumitig. Wala sa una. Tapos… lumitaw ang sarili niyang repleksyon—pero may ngiti ito na hindi kanya. Napasinghap siya, pero nanatiling kalmado. Ang repleksyon ay yumuko, ang mata nito ay naging itim. “Hindi ka dapat nandito,” bulong nito. Hindi nagsalita si Nyra. “Hindi ka pa handa,” sabi pa nito. Tumango si Nyra, malamig ang boses. "Hindi ko kailanman sinubukang maging handa." Tumawa ang repleksyon. “Kaya mamamatay ka.” Nawala ang repleksyon. Tahimik ang silid. Umalis si Nyra, hindi lumilingon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD