Chapter 38 - Ring Habang naghihintay akong mahanap ni Brent ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tuluyan na ding lumubog ang araw. Basang basa na ako ng makalapit ng tuluyan si Brent. Niyakap ako nito ng mahigpit. Please don't runaway like that ever again. Ilang beses ka ng tumatakbo palayo. San ito ng huli. Please. Bulong nito. Nang makapasok kami sa sasakyan ay binuksan nito ang kompartment at may kinuhang blanket doon. Iniabot niya ito sa akin. Ibalot mo muna sa'yo ito para hindi ka lamigin. Patitilain ko lang ng kaunti ang ulan bago tayo bumalik sa bahay dahil hindi ko rin makita daan. Tumango lang ako at hindi na umimik. May nilingon ito sa likod at inabot ang tshirt niya. Palagi itong may extrang damit sa sasakyan dahil palit ito ng palit ng damit. Isuot mo muna ito, ipalit l

