Rechielle's pov
Ate Jew, kamusta ka? Mabuti naman at nandito ka. Ang akala ko talaga hindi kita makikita dito pagkatapos ng nangyari sa event sa farm. Kakauwi ko lang at pagod na pagod ako sa dami ng iniisip ko.
Saan pa ba ako didiretso kundi dito sa bahay mo no. Alam mo namang hindi ako makapag kwento sa bahay kundi sayo lang. Kamusta naman ang honeymoon niyo?
Mamaya na siguro tayo magkwentuhan tungkol dyan ate.sagot sa kaniya at sinenyas na papalapit sa amin si Cielo.
Kararating niyo lang Ate Rechielle?
Oo,ginabi ako ngayon dahil late ako nakaalis ng farm. Ang mga bata anong ginagawa?
Tinutulungan ko gumawa ng assignments nila kahit wala naman talaga akong naitutulong.Alam mo yun feeling na yon Ate? sagot nitong natatawa.
Ay,oo. Feel kita dyan Cielo,agaw naman ni Ate Jew.
Tsk,tsk,tsk. Ewan ko sa inyong dalawa. Pinagtutulungan niyo na naman iyong mga anak ko.iiling iling kong sagot sa kanila.
Baka iyong mga anak mo ang punagtutulungan kami. Aba kalokohan nila ah, diba Cielo? Tinawanan lang siya ng kapatid ko.
Aba't naghanap pa talaga ng kakampi.
Alam mo iyong tipong nagpapatulong sila sa assignment pero aawayin ka nila kasi mali daw iyong sagot? O diba? Alam naman nila tapos nagpatulong pa. Di ko malaman minsan sa mga anak mo kung nang aano sila eh, noh?
Sumagot ako sa pagitan ng pagtawa ko. Hayaan niyo na. Ang isipin niyo na lang naghahanap lang sila ng kausap. Ano bang makakain natin dyan, nagugutom na din ako eh.
Ay oo nga pala, hindi pa kita naalok.sabi ni ate Jew.
Init ko na lang ate, sinigang itong ulam namin kanina eh.sagot naman ni Cielo habang inihahanda ang ulam na ipapainit.
Sige Cielo, salamat.
Kamusta naman pala ang Cafe ate Jew?
Ok naman kaya lang hindi pa rin consistent ang sales. Pero hayaan mo, malapit naman na mag ber months. For sure papalo na ang sales. Tsaka yung mga orders, kaya naman gawin ni Angela at Lucy. Kaya ayos lang ang Cafe. Huwag mong masyadong intindihin iyon. Ang intindihin mo ay iyang "trabaho mo ngayon",sagot ni ate na sadyang pinagdiinan ang salitang trabaho ko ngayon.
Napahilot ako sa sentido ko nang maalala ang tensyon sa pagitan namin ni Brent bago ako umuwi. Paano ko ipagtatapat sa mga bata ang tungkol doon.? Magiging mabuting Ama ba si Brent sa mga bata? Arrrgh. Hangang sa pag tulog ay dala ko ang eksenang iyon.
Mommy, mommy wake up!
Wake up!
Let's go to the playground please, aya sa akin ng mga bata. Tumingin ako sa oras at mag aalas dyes na pala. Bumangon ako at ginulo ang buhok ng bunso ko na siyang naghihila sa akin para bumangon.
Urrgh, why do you have to that mommy? tukoy nito sa pag gulo ko sa buhok niya.
I'm sorry Darlene, sagot kong pabiro. Mommy will have a shower then we'll go to playground.
Yey,!
Yey,!
yey!
Sabay sabay pa ang mga bata.
Selena,Jasmyne and Darlene,why don't you all go back to your room and watch TV while waiting for me. Is that OK? I'll be quick.
Okay,we will wait for you in the room. Just be quick Mommy.akala mo matanda na kausap ang panganay ko when she's only eight.
I promise ,I'll be quick.
Okay , sagot nila bago tuluyang nilisan ang silid ko.
*****
Pauwi na sana kami ng hapon na iyon nang habang naglalakad kami palabas ay may nabangga si Jasmyne na lalaking nakatilikod. Naka tungkod ito kaya muntik na itong matumba.
Jasmyne! Look where you going. You accidentally bump into someone. You are everywhere again. Saway ni Selena sa kaniya.Inabot ko si Jasmyne at nakatingin ako sa lalaking nakatalikod na nabangga niya. Unti unti itong humarap at tila nag slow motion ang lahat sa paligid ko. Natulala ako't di agad nakagalaw.
Say sorry Jasmyne, narinig ko na lang kay Selena.
I'm sorry Uncle, I don't mean to bump into you.sabi naman ni Jasmyne sa kanya.
Huy, Chielle. Natulala ka man oy?sabi ni Ate Jew sa akin sabay bangga sa balikat ko. Napalingon ako kay ate Jew na pinanlalakihan ako ng mata. Nakatingin lang ako sa kaniya na tila hindi ko makuha ang nais niyang sabihin.
Sumimple ito ng bulong sa akin.
Iyong mga anak mo Inday, kausap na ang father in-law nila, kumilos ka naman dyan. Buyo niya sa akin. Hindi ko alam ang una kong gagawin. Hindi niya sinabi na pupunta siya sa lugar namin. At lalong hindi ko inaasahan na makakausap at malalapitan niya ang mga anak ko.
Jasmyne, apologize to him then let's go.
Sinadya kong hindi tignan o lingunin ni si Brent dahil ayokong makita ang mga emosyong nagbabanta sa mga mata nito.
Chielle, why in a hurry? Don't you want to introduce me to your kids?
Oh!you both know each other mom? tanong ng panganay ko sa akin.
Yes, Selena. Your mom and I know each other very much. sagot ni Brent bago pa man ako makasagot.
At talagang natandaan agad niya ang pangalan ng mga anak ko?
Ano na day? Na Korner ka man ah? bulong pa ni ate Jew na may halong pang aasar.
tssk, sagot ko lang sabay irap. eksakto namang napatingin ako kay Brent. May kakaibang kislap sa mga mata nito habang nakatingin sa mga anak kong kausap pa rin niya. Hindi ko maipaliawanag ang nararamdaman ko ngayon.
Let's go eat an early dinner, the kids wants to eat chicken and fries. Shall we go? alok niya sa amin at naka hawak na sa kamay niya ang bunso ko. Wala na akong nagawa kundi sumang ayon. Ngunit bago kami tuluyang humanap ng makakainan ay hinarap ko ang mga bata.
Alright kids, that's your uncle Brent.
But you can call me daddy of you want kids. I would love that. agaw nito sa sinabi ko .Agad ko naman itong nilingon at tinignan ng masama. Ngunit kibit balikat lang ang isinagot nito.
Oh, so you wanna be our second daddy? tanong ni Selena sa kaniya.
Yes kiddo. I would love to. If you would give me a chance, I will be a very good Daddy to all of you kids. sagot nitong tila nangangako.
Anyway aren't you all hungry? ani Brent.
Let's go guys ,aya naman na ni Selena.
Habang kumakain ay tahimik kong inoobserbahan ang mga anak ko.
Diyata't napakabilis nilang maging palagay kay Brent? At napapayag niya agad ang mga anak kong Daddy ang itawag sa kaniya. Hindi ba dapat matuwa ako? Ano ba kasi itong pinasok ko.
Bye kids, see you again soon. Bye Daddy Brent,sabay sabay na paalam ng mga anak ko.
Alright go inside now and take a bath. putol ko sa usapan nila.
Yes, mommy. Sagot nila.
So, dito pala kayo nakatira? tanong ni Brent ng makaalis na ang mga bata.
Ano bang plano mo Brent?
Woaah, bakit parang may halong pang uuyam yata ang salita mo,My Rechielle?
Binigla mo ako,eh. Pinangunahan mo ako sa pagpapakilala sayo sa mga bata.
Tinulungan lang kita and it turn out fine. Ano pang pinoproblema mo? tanong nito sabay gagap sa kamay ko.
Come on, babe. Wala akong hidden agenda o anomang plano kung yun ang iniisip mo, maliban sa gusto kong maging buong pamilya tayo. Mahirap ba iyon?
Oo,Brent. Hindi madali yang iniisip mo. Hindi mo sila anak. Anak ko sila sa iba. At parehong pang magkaiba ang biological father nila. At bilang ina, gusto kong makasiguro na hindi sila maapi o maagrabyado, O masaktan. Pinoproktetahan ko lang sila. Sa magiging sitwasyon at sa hinaharap. Kung magiging mabuti ka bang Ama sa kanila. Kung ano ang mararamdan nila.
Then why did you marry in the first place, Chielle? para akong sinampal sa tanong niya.
Are you gonna try to live your life with two lives? I mean, come on, Chielle. Sana noong una pa lang naisip mo na yan. Na eventually, we will be a one family. Walang sikretong hindi nabubunyag babe. Please, think about it.
At isa pa, bakit hindi mo ako subukang bigyan ng chance, nang malaman mo ang sagot sa mga iniisip mo.
Alam kong hindi pa nga talaga tayo magkakilala ng lubusan para magtiwala ka sa akin. Naintindihan kita. Pero sana hayaan mo akong ipakita sa kanila at sayo ang totoong ako. Asahan mong hindi ka mabibigo,Chielle.
Hindi kita bibiguin.
Hihintayin ko ang desisyon mo. Hindi kita minamadali pero hindi ko din gustong patagalin.
Nagpasya na itong magpaalam ng hindi ako kumibo.
Mauuna na ako, I love you babe. See you tomorrow, lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo bago umalis.
TBC
thank you for sharing and reading bosslies and Happy New year
iamseleniteblue