Kabanata 20 Promise "Are you okay now my love?" malambing ang boses ni Cole nang tinanong niya si Clyne. Nakangusong umiling si Clyne. Umiwas pa kay Cole ng sinubukan nitong hawakan ang kanyang ulo. Clyne hugged her self and stay away from Cole, sa pinakadulo parte siya umupo ng couch. Kahit ayaw ni Clyne na makalapit ang ama ay sinubukan pa rin ni Cole na makalapit sa kanya. Iniwan ko muna sila doon para makapag-usap at mabigyan ng oras. Kilala ko naman si Clyne, hindi siya nagtatanim ng sama ng loob. Ramdam ko mapapatawad niya si Cole. I arranged the things and foods that Cole and Clone bought. Hindi ko mabilang kung nakailan ako sa pag-iling dahil halos lahat ng binili niya ay iyong mga mahal. Halos hindi niya sinunod ang lahat ng nilista ko. Bumili din siya ng mga paboritong pagka

