Kabanata 31 Leo's plan "Stop, crying please." Alo sa akin ni Cole, naririto pa rin kami sa aming kinatatayuan at parang walang balak na umalis ang paa ko. Hindi ko mapigilang malungkot, sa loob ng walong taon nakasama ko ang mga anak ko. Hindi ako sanay nawala sa sila sa tabi ko, pakiramdam ko may kulang sa akin kahit kakaalis pa lang nila. "Let's go, Love. Alis na tayo." Bulong niya sa akin. Ang nakahawak niyang kamay sa aking likod ang nagkontrol sa akin para tumalikod kami. Nagpatinaod ako sa kanyang ginawa habang umiiyak ako at nakayuko. Habang naglalakad kami hinawakan niya ang likod ng ulo ko at dinikit iyon sa dibdib niya. Hindi ko na nakikita ang dinadaanan ko ngunit si Cole naman ang umaalalay sa akin. We entered the car, doon na ako nakaahon at pinunasan ang mukha ko. Cole

