Kabanata 32.1

923 Words

Napahinto si Jonas sa paggamot sa aking labi, "Anong tungkol sa kanila?" pabalik niyang tanong. Kibit-balikat ako, "Dinig ko kanina ang pangalan ni Destinie at Elias na pinag-uusapan nila Leo at kasamahan niya." ani ko. "Si Elias na lang ang kausapin mo, Isa. Ayaw kong makisali sa gulong hindi naman ako kasali." Sabay ng pagtayo niya papalayo sa kama. "You have a phone, Jonas?" Umiling siya, "Wala, bawal pumasok ng may cellphone. Sobrang higpit bago makapasok dito. They really guarded you." aniya at kinuha ang tray, "Babalik ako para kuhanan ka ng pagkain, humiga ka at magpahinga." Pagkabalik ni Jonas ay may pagkain nga itong dala. Ramdam ko na ang gutom ko nang makita ko ang pagkain. Kinain ko iyon habang nasa harap ni Jonas. I share him my food but he said that he is already full.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD