Kabanata 38 Finally Isinantabi ko ang aking takot at pangamba sa aking gagawin. Kasalukuyan na kami ngayon ay pupunta sa lugar na pinagkasunduan. May kalayuan iyon kaya kinailangan pa naming sumakay ng Helicopter na minamaheno ni Vaela at Clive. Nasa karating iyong Isla Fera, ngayon ko lang din iyon nalaman at mapupunta. Hindi ko naman talaga alam ang pasikot-sikot dito sa buong Isla Fera. Si Jonas ang nagdala sa akin dito dati, panigurado ay alam niya ang mga iba pang isla na naririto. Sabi rin ni Vaela ay kasing laki din daw ng Isla Fera ang lugar, may mga kanya-kanya ring probinsya at lugar. Sa isang building nilapag ni Vaela ang sinasakyan namin. Pumasok kami sa isang malaking bahay. Umuwang ang labi ko nang makita ang buong paligid. Kasing ganda iyon ng Isla Fera. Malapit sa dagat

