DANICA "Okay lang kayo ni Theo?" tanong ni Kuya sa akin habang pababa kami ng parking ng ospital. Pagkatapos kasi naming bumisita doon sa mag asawa kasama ang kanilang napaka pogi at napaka puting nakakagigil na anak. Oras lang din ang itinagal namin tapos nagkayayaan na dahil may pasok pa itong iba. "Opo," maikling tugon ko. Tumaas lang ang kilay n'ya tapos tumango. "Okay, kaya pala sa'kin ka nakadikit," Hindi ko na lang pinansin, kausap naman kasi ni Theo si Harold at Keith kaya hindi na muna ako tumabi. Agad naman akong lumapit kay Theo nung naghiwa hiwalay na sila. Parang normal lang, humawak s'ya sa bewang ko nung nakalapit ako. "May gagawin ka pa?" tanong ko. "Babalik ako ng company, may nakalimutan lang. Sama ka?" tanong nito "Hindi na, uwi na lang ako deretso" Tumango lan

