Del Fuego
Kung ano man ang napangako ko kay Izzie ay alam kong wala ng bawian pa ‘yon. I already made a promised to her. Kahit na wala akong kasiguraduhan na magkikita pa kami ulit ni Cade.
I sighed as I massage my temple. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at nag-isip.
Maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Kasama na roon ang pinangako ko sa anak. Paano ako magsisimula? Paano ko sasabihin kay Cade na may anak kami?
Cade Maddox Del Fuego is Izzie's father. I don't know him actually because what happened to us was a one night stand. Hindi ko alam na mabubuo ang isang gabi na may nangyari sa amin. I didn't know him… so how?
“Del Fuego ‘yon, Keira! I-search mo kaya siya sa internet kesa pinahihirapan mo ang sarili!" Bulyaw sa akin ni Diego.
I tilted my head and glared at him. “This is your fault, did you know that?" Bulyaw ko rin sa kanya.
Ngumuso siya. “Sorry naman. I’m excited about your plan, that's why I splitted it out."
Umirap ako sa kanya. I heard Steffie chuckled as she sipped her coffee.
“Pero tama naman si Diego, Keira. Search him in the internet para naman kahit papaano ay may malaman ka tungkol sa kanya."
I let out a loud sighed. “I already did that last night before I went to bed. Syempre naman naisip ko ‘yon kaso puro pagiging cardio surgeon lang niya ang nakikita ko online. I don't even know if he's still living in the Philippines or kung meron na siyang pamilya."
Ayokong masaktan si Izzie kaya kagabi pa lang ay naghanap na ako na pwede kong mabalitaan kay Cade. He's a Del Fuego but I didn't see much information about his personal life. All I know right now is that he's one of the best cardiothoracic surgeon. Ngayon ko lang nalaman na doctor pala siya at masasabi ko na isa siya sa mga magaling na surgeon ngayon dahil marami na siyang napanalunan. He's doing an excellent job in that field. He's a cardio god!
Napangiwi si Steffie. “Ganoon talaga ang mga Del Fuego. You’ll rarely see an article about their personal life. Masyado silang private kahit na sobrang kilala ang pamilya niya."
I sighed again. "Kailangan ko munang malaman kung may pamilya at anak na siya bago ko siya kausapin tungkol kay Izzie."
“Nasa Pilipinas pa ‘yon. Nandoon ang buong angkan nila."
Umiling ako. “Hindi ko alam. Wala akong alam ni isa sa kaniya!"
I’m so frustrated!
“E, diba kaibigan mo naman si Elle? Try to contact her again. She just got married last month," Diego suggested as he continue eating his food.
“Oo nga. Try to communicate with Elle again. Sakto at sa susunod na araw na ang flight natin."
Napalabi ako ngayon. "I don't know. Hindi nga niya alam na may nangyari sa amin ng pinsan niya. Magugulat ‘yon.”
"Lahat naman ng tao magugulat pag nalaman nilang may tinago kang anak ng isang Del Fuego!" Diego blurted it out.
“Try to communicate with Elle first. I bet she missed you," sinabi ni Steffie.
Nakagat ko ang labi. “I don't know what to say to her. I literally left without telling her. She's probably angry at me."
Akala ko madali lang itong gagawin ko, mahirap pala. Sobrang imposible rin at baka hindi talaga ito mangyari.
“Ano ka ba, Keira! Sinabi mo sa amin ni Steffie na sa inyong tatlong magkakaibigan, si Elle ang pinakatotoo,” Diego said before he scoffed. “I mean, Red stole your ex-fianceé that makes me like Elle."
I sighed again. “I don't know! Hindi ko alam paano! I don't even know where Elle is! Wala akong alam sa pamilya nila lalo na ni Cade!”
"Elle got married with Nolan, kampal ni Noah. Iyong sikat na pilot?” Ani Steffie.
Tumaas ang kilay ko. "So?”
She rolled her eyes. "God, Keira! Nolan is a Ravonte! Kapatid niya si Thea, iyong supermodel na nasa London!"
Of course, I know Theanaea Celestine Ravonte. She's one of the highest paid model in the world. Kahit ano yatang brand na i-promote niya’y sisikat.
She's one of my favorite models that I looked up to. She's beautiful and stunning as always.
Umirap din ako sa kaibigan. "Anong gusto mong gawin ko? Kausapin din si Thea o kaya si Nolan? Nakakahiya!”
"Shunga! Just try to contact Elle again on social media. I’m sure she'll understand you.”
Napabuga ako ng hangin. “Baka galit sa akin ‘yon."
“Hindi mo malalaman ang sagot kung hindi ka magtatanong." Si Diego.
Ngumuso lang ako sa dalawang kaibigan. I left without telling her. Wala akong sinabihan na umalis ako. Para akong nawala ng parang bula.
Wala rin namang naghanap sa akin. Kahit sarili kong pamilya kaya inisip ko na mabuti na ‘yon.
Elle is a good friend of mine. Nagalit din siya kay Red at David nang malaman niyang matagal na akong niloloko ng dalawa.
I didn't told her that Cade and I had a one night stand. Nahihiya na rin kasi ako noon at natatakot na baka magalit siya at lumayo rin ang loob sa akin. Thay why left without telling everyone.
“Huy, a? Pero may chismis na Del Fuego ang may ari ng Florence Modeling Agency," Diego started opening a topic once again.
Sa amin talagang tatlo, siya ng pinakamaraming chika. She's my manager kaya halos lahat ay alam niya.
Naningkit ang mga mata ni Steffie. “Didn't you find it suspicious? Iyong pangalan ng kompanya, second name ni Keira?"
"Girl, you're correct!” Diego exclaimed as she looked at me. "Baka si Cade ang may ari no’n. Ito na ang chance mo!”
I scoffed. “Gaga kayong dalawa! Alam ko noon na ang pamilya ni Cade ay may may-ari ng Del Fuego’s Construction Firm. He's no way he's going to build a model and cosmetics company!”
Ang dalawang ito, napaka-OA kung minsan.
"You know him naman pala.”
"I barely know him, Diego. Pagpumupunta kami sa subdivision nila noon, halos palaging magkakasama ang mga pinsan ni Elle at sobrang dami nila kaya malilito ka. Hindi ko nga maalala na nagkausap na kami.”
Wala akong maalala na nagkausap na kami ni Cade. At noong may nangyari naman sa amin, sobrang lasing ako no’n. I didn't actually know what really happened and just woke up, naked with him.
Dinuro ako ni Steffie. “May kalasanan ka rin kasi, e. How come didn't you remember what happened during that night?"
I shrugged. “I don't know. Wala talaga."
All I know was that I got drunk and that's it. Kinabukasan, kasama ko na siya sa kama na walang saplot.
“Aw! So, hindi mo alam kung nasarapan ka?"
Agad na tinapon ko ang tissue na hawak kay Diego at masama siyang tiningnan.
“You're gross!"
He smirked. “Why? Malay mo naka-five rounds pala kayo kaya kahit na isang beses lang may nangyari sa inyo, nabuo niyo agad si Izzie.”
I glared at him. "Again! You're gross, Diego!”
Tumawa lang siya bago pinagpatuloy ang pagkain ng breakfast. I sighed and ate my pancakes.
“Keira, just figure it out how to talk to him when you and him cross path again." Si Diego.
Tumango si Steffie. “Ang magandang gawin mo muna sa ngayon, ihanda mo ang sarili. Sabi nga nila, maliit lang ang mundo. We’ll never know what's gonna happen."
I didn't say anything. Tumayo na ako kaya naman napatingin sila sa akin.
"I’ll just check Izzie," Paalam ko.
“Mag-ingat ka. May mga reporters sa labas ng hotel."
“They're still here?" Tanong ni Steffie.
Umikot ang mga mata ni Diego. “Alam mo naman ang mga ‘yon. Masyadong gustong makita ang anak ni Keira."
“Don't worry. I’ll manage."
Naglakad na ako palayo sa dalawang kaibigan. While I’m on my way back to our hotel room to check on Izzie when some paparazzi blocked my way.
"What's next for Keira?"
“Is it true you're flying to the Philippines and will officially launch a new brand there?”
"Is it also true about the contract you’ll be signing from Florence Modeling Agency?"
“Are you going to settle there with your daughter?"
The next thing I knew, they threw a bounce of questions. Ngumiti lang ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad kahit na nahihirapan dahil nakaharang sila.
“Will Florence Modeling Agency and Keira Cosmetics Products merge?"
“I don't know yet but let's see…" Iyon lang ang nasabi ko.
I managed my posture. Maya-maya lang ay agad akong tinulungan nila Diego at Steffie para maayos na makadaan sa mga tao.
I managed to get inside the elevator. I sighed. Nasa tabi ko ang dalawang kaibigan.
“Geez! Saan nila nakuha iyong idea na magme-merge ang dalawang kompanya?" Si Diego.
I smirked. “I think they think that way because of the sudden news."
I already settled everything here before our flight. Hindi na ako nag-renew ng contract sa kompanyang pinagtatrabahuan ko dahil nga pinag-uusapan na ang kontrata ko sa Florence pagkauwi namin.
Wala naman akong naging problema. I did my job. Tapos na rin ang last shoot ko para sa kompanya kaya wala ng magiging problema pa.
"Luckily, wala si Izzie sa atin,” parang nabunutan ng tinik si Steffie.
Napatango na lang ako. "Mabuti nga. Ayokong makakita ng picture niya sa internet.”
Simula ng maging matunog ang pangalan ko sa pagmomodelo at pag-launch ng sariling cosmetics products, naging tampulan din ako ng mga kung ano. I'm kinda aware of that especially when people know about my daughter.
I never hide Izzie. Siguro sa tatay niya, oo, pero sa mga tao hindi. Alam ng mga tao na may anak ako pero kahit kailan ay hindi nila ito nakita ng personal.
I kept her identity hidden. Pati na rin ang personal life ko. People know I have a husband since I have a daughter but they didn't know better.
Naging maingat ako lalo na sa kapakanan ng anak ko. Ayokong pagkaguluhan siya ng tao pati na rin kung malaman nila ang totoo. Mabuting ganoon kesa maraming issue.
I spent my day with my daughter. Nag-stay kami sa hotel dahil sa mga reporters na nasa labas pa rin.
I had a wonderful day with Izzie. I cooked her her favorite mac and cheese. Sa lahat ng bagay, hindi ko makakalimutan ang mga ganitong bonding namin.
No matter how busy I am with my business, I always manage my time with my daughter. Sa kanya lang lahat atensyon ko pagkatapos ng trabaho at wala ng iba.
I want to give her everything. Kaming dalawa lang ang magkasama simula noon pa man. She brightened up my life after everything that happened to me.
That why as much as possible, gusto ko siyang ingatan sa lahat ng tao… that's includes her father.
I bit my lips as I scanned the article I found about Cade. Maayos naman siya. Kaso wala talaga akong mahanap na update sa personal life niya.
I want to make sure that I won't going to ruin him, kung meron man siyang pamilya. At ayoko ring masaktan si Izzie kung magkataon. Kaya ngayon pa lang ay gusto kong makasiguro na wala kaming masisirang tao.
I just want him to meet his daughter. Hindi kami manggugulo dahil maayos naman ang buhay namin ni Izzie. Napalaki ko siyang maayos.
“Mommy, what are you doing?" I heard Izzie's soft voice.
Napalingon ako sa kanya na umakyat sa kama ko. She was holding her favorite stuff toy. Agad siyang lumapit sa akin at inayos ko naman ang laptop ko para sa kanya.
When she settled herself beside me, tumingin siya sa screen ng laptop ko. I saw her scrunch which means she's curious.
“Who is this man?" Simpleng tanong niya habang nakatingin pa rin sa lalaki.
Hinapit ko siya palapit sa akin at inayos ang buhok niya. Tinuro ko ang lalaki sa screen na naka-scrubs surgeon at matikas ang tindig. Stolen shot ang kuha sa picture but you can see clearly how good he is.
Buzz cut hair with stubble beard na manipis lang. He has a very tanned skin that makes him more attractive. Makurba ang labi at nakangiti.
“That man... is your dad," I whispered softly to her.
She instantly tilted her head to me. Nanlalaki ang mga asul niyang mata na tumingin sa akin. Her eyes sparkled and the small smile plastered on her lips.
“Really?" Manghang nasabi lang niya.
Ngumiti ako sa kanya. "Yes.”
"Wow!”
Muli siyang tumingin sa screen ng laptop at maiging tiningnan ang nasa picture. Pinagmasdan ko lang ang reaksyon niya.
Her lips were parted a bit. Hindi nawala ang pagkahanga sa mga mata niya habang nakatingin sa screen. And you could see the longing in her eyes.
“I got his eyes!" She exclaimed and looked at me again.
Mas lalo siyang nasiyahan sa natuklasan. I couldn't help but smile more.
Tumango ako. “Yes, baby. You got his eyes and lips."
"My daddy's a surgeon. He's cool!"
She giggled and stared at her father again.
“I can't wait to see him," she said softly.
Hinaplos ko ang buhok niya at hinayaan siyang tiningnan pa ang mga pictures ng daddy niya. I let her because she has to know him. She has a right to know his father at hindi ko ipagkakait ‘yon sa kanya.