Get together
“Full schedule ka na para next month?" Elle asked.
Tumango ako. “Yes. Launching ng skin care products ko at may mga photoshoot din ako para sa magazine."
“What about Lilac Laces? And Cherry Blossom Boutique? I heard they're eyeing you to be their brand ambassador.”
I smirked. "Diego already talked to me about it. And I said, yes.”
Her eyes widened. "Really? That’s a very great decision! Pili lang ang kinukuha nilang Filipina para maging brand ambassador.”
“Well, they’ve been contacting me when I was in US lalo na nang malaman nila nasa Florence ako."
She giggled. “God! I am very excited for all your upcoming photoshoot and endorsement, Keira! You're really on fire!"
Napangiti na lang ako habang pinagpapatuloy ang pagkain. This is the first time na nagkita ulit kami dahil naging busy ako ng mga nakaraang linggo. I’ve been busy with my career, my company, the launching of my products next month and Izzie.
Inayos ko kasi ang mga papeles niya para rito na siya sa bansa mag-aral sa susunod na pasukan. We're really staying here for good and she agreed to me.
“Pero siguro iyon lang muna ang mga gagawin ko this year. I’m still adjusting here and I have to take care of Izzie lalo na’t dito na siya mag-aaral." Ani ko sa kanya.
“I missed her. How is she?"
I scoffed and take a sip in my coffee. We're currently in a cafe shop dahil dito naming napag-usapan na magkita.
“Malaking adjustment sa kanya ang biglang pag-transfer ng school kaya hands on din ako sa kanya ngayon. Luckily, I don't have any schedule this month aside sa launching ng products ko, photoshoot, at ang grand ball na gaganapin sa susunod na araw,” sagot ko.
Elle stared at me while her eyes are sparkling. Malaki rin ang ngiti sa labi niya.
“I’m so proud of you right now, Keira. I mean, you're a good person and good mother. Wala akong masabi sa’yo," she said softly.
“Well, I always management my time with Izzie. Hindi pwedeng hindi dahil ako lang ang magulang niya."
“Oo nga pala. What happened to her father?" She asked and shifted her weight.
Naputol ang ngiti ko sa kanya at naging ngiwi ito. I bit my lips and try to composed myself.
Umiling siya pagkatapos. "I’m sorry, Keira. It's okay. You don't have to answer me.”
"I-I…" wala akong mahanap na salita.
I’m getting nervous too. It's just that, I want to tell her but not all the details. Kaso baka sabihin niya kay Cade.
Marahan siyang ngumiti pagkuwan at hinawakan ang kamay ko.
“It’s fine. You don't have to tell me.”
I bit my lips. "I-it’s… it's all in the past…" I trailed off.
“Yep, so if you're not comfortable sharing it with me, that's okay, Keira."
“Thank you."
“I want to know what happened to you because I know it's all messed up before. Pero kung hindi ka pa handa na magsabi sa akin, okay lang."
Tumango ako. Laking tuwa ko na lang talaga dahil kaibigan ko siya. Elle really understood my situation.
I sighed. “My parents abandoned me after I cancelled the wedding," pagkwento ko sa kanya.
Her eyes are sad. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at malungkot lang akong ngumiti sa kanya.
“I’m fine, Elle," I assure her.
I am really okay right now. Maybe it still hurts but I can't turn back time now. My parents hate me for cancelling the wedding. I was angry when I got to know David cheated on me tapos matagal na pala.
I was angry and hurt that time. Galit sa kaniya at sa pamilya ko na mas piniling kampihan si David kesa sa akin. Bukod sa galit at nasaktan ako, natakot din ako kaya nasabi ko kanila Mommy at Daddy na may naka-one night stand ako.
And they blamed me for it. They blamed me for everything. Kasalanan ko raw kung bakit nag-cheat sa akin si David dahil sa nangyari. But it's just one mistake! May kasalanan ako, oo, pero handa ko namang pagsisihan ang ginawa ko.
But David, he cheated on me! Tapos sa best friend ko pa. I made a mistake but he made a big mistake!
My family hates me for it and they abandoned me. Nakakahiya raw ako. That's the reason why I left.
“My god! I can't believe them!" Elle gritted her teeth.
I told her what's really happened, but not the details. I didn't tell her na si Cade ang lalaking nakasama ko ng isang gabi. I don't want her to know. Mas lalong magiging mahirap ang sitwasyon.
“It's all in the past. I’m okay now. I mean, may galit sa kanila at hindi mawawala ‘yon,” patuloy na sinabi ko sa kaniya.
She rolled her eyes. "And that b***h told the press na okay lang ang pagkakaibigan nating tatlo? She's not my friend the moment she started screwing my ex-boyfriends! Inggitereng malandi talaga ang Red na ‘yon!” Inis na sinabi niya.
Umiling na lang ako. "Red will do everything just to get people's attention. Alam mo naman ‘yon uhaw sa atensyon palibhasa walang nagmamahal sa kanya.”
Sa susunod na araw ang grand ball kung saan maraming kilalang kompanya ng bansa at modelo ang dadalo including Red Cosmetics. At noong nakaraang araw lang din ng sinabi ni Red sa mga reporters na wala naman daw hidwaan sa pagkakaibigan naming tatlo when in fact, we're not friends anymore.
“Kailan kaya mawawala sa paningin ko ang babaeng ‘yon? She can't accept the fact that no one cared about her and her company."
Bumuntonghininga na lang ako. “Just don't mind her, Elle. Gano’n na talaga siya noon pa man."
She frowned and shook her head. “No! Pag-umeksena siya sa grand ball, talagang papatulan ko siya. Grabe ang ginawa no’n sa’yo kaya hindi pwedeng hindi ka gumanti sa kanya."
I chuckled then smirked. Gaganti ako kay Red. Lintik lang walang ganti sa mga ginawa niya sa akin.
"And she stole your boyfriend!” Patuloy pa niya bago umiling. "Ay! Okay lang pala. Parehas silang walang kwenta ni David.”
I brust out laughing. Natawa rin siya sa sinabi niya at umiling.
“Let's not talk about them. They're not worth our time," sabi ko.
“Mabuti pa nga. Let's go shopping! Patuloy natin ang get together natin." She laughed.
I agreed with her. Ngayon lang kami ulit nagkasama ng ganitong katagal. I’ve been busy since I came back and this is the first we’re going to bond.
And I’m really happy to be with her again. Parang tulad lang ng dati. We go shopping, talks about things and everything. Ngayon, nag-iba lang ng kaunti dahil nag-edad na kaming dalawa but it still the same.
“Kailan ba ang due date mo?" I asked her while we're picking clothes.
Nasa isang department kami ng mga damit. May mga taong kanina pa nakatingin at kumukuha ng picture sa amin lalo na sa akin, ngunit hindi namin pinapansin.
“October 6," she answered.
Lumingon ako sa kanya. “Malayo pa."
I saw her pouted. “Kaya nga gusto ko ng bumilis ang panahon. I want to see my baby."
I scoffed and shook my head. She really changed. Dati, sobrang sophisticated niya, ngayon I must say, she's still sophistocated but sometimes she acted like a child. At alam kong dahil lang ‘yon sa pagbubuntis niya.
“You better be ready, Elle. Mahirap mag-alaga ng baby. Puyat ka palagi pero worth it naman ‘yon."
She smiled. “I know. Kaya nga ngayon pa lang nagsasanay na kami ni Fifth."
Napangiti rin ako habang pinagpapatuloy ang pagpili sa mga jeans sector. I’m happy for her because she has someone right now. At alam kong mahal nila ang isa’t-isa.
Nang sumapit ang tanghali ay sa isang restaurant kami kumain. We're eating our food while talking, of course. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng tumunog ang cellphone niya.
“Excuse me…”
Tumango ako. "No. Sagutin mo na.”
She smiled before she answered her phone. Ako naman ay nagpatuloy sa pagkain ko ng dessert.
"Yes, Fely?” Si Elle habang may kausapin sa kabilang linya.
"O? Bakit ako? Fely, may I remind you that you are a resident while Kuya Cade is attending. He's your boss.”
Ayoko sanang makinig kaso narinig ko ang pangalan ni Cade. Hindi ko mapigilan na hindi magtaas ng tingin kay Elle. Umikot ang mga mata niya sa hangin.
Napangiwi siya pagkuwan. “Kilala mo naman si Kuya pag nasa trabaho kahit pa pinsan ka niya kung nagkamali ka, talagang malilintikan ka… ano bang ginawa mo?”
I just stared at Elle while talking to her cousin. Alam kong pinsan niya ‘yan dahil puro lalaki ang nakakatanda niyang kapatid.
She snorted after. "Bahala ka diyan. You better explain yourself to Kuya Cade… he will be mad at you and will going to scold you for sure… heh! Linisin mo ang ginawa mo sa pasyente mo!” aniya bago pinatay ang tawag.
Nilagay niya ang cellphone sa bag niya bago umiling sa akin.
“Problema sa hospital?" I couldn't help but ask.
Umiling. “Hindi naman. Nagbida-bida lang na naman kasi si Fely kay Kuya."
Tumango ako bago napalabi. Gusto ko mang magtanong tungkol sa anak ni Cade kaso pinigilan ko ang sarili ko.
Natapos kami bago lumubog ang araw. Nolan called me at sinabi niya na bawal mahamugan si Elle kaya bago magdilim ang langit ay tapos na kami.
Nolan came to fetch his wife. Suot ang isang black suit, lumabas si Nolan kanyang bmw. Mukhang galing pa siyang trabaho.
He immediately went to his wife and kissed her. I couldn't help but smile. They looks really in love.
“Halika na? Maggagabi na…” ani Nolan.
Tumingin sa akin si Elle. "Mauna na kami, a? I’ll just see you tomorrow, Keira.”
"Ingat kayo…" paalam ko sa kanila.
"Ikaw din.”
Umuwi ako sa penthouse at nadatnan si Izzie na nasa sala. She's busy reading a book when she noticed me. She smiled at me before I sat down besides her.
"You're reading?”
Tumango siya. "Yep. I’ll go to school next month…"
“Gusto mo bang sumama bukas sa Florence? Cade will be there… baka gusto mo siyang makita.”
Bukas ang meeting namin ng Florence para sa shoot ko sa brand nila.
Izzie giggled. "Can I come?”
Tumango ako. "Yes, you may. Saglit lang naman ‘yon. You can stay in the playroom tapos puntahan na lang kita pagkatapos.”
"Okay. It's been a while since the last time I saw dad.”
I kissed her forehead. Sumandal naman siya sa akin bago nagpatuloy sa binabasa niya.
Kinabukasan ay maaga kami sa Florence. I want Izzie to see Cade bago ko siya ihatid sa playroom ng kompanya. Ito lang ang magiging chance ko para kahit papaano ay makita niya ang daddy niya.
Dumating si Cade na mag-isa. I’m expecting him with Elle and Nolan.
"You're early… I’m sorry, I’m late," he said when he saw us.
Ngumiti lang ako. “Okay lang. Napaaga lang kami.”
He smiled and his eyes went down to Izzie. Nakita ko na mas lalong kuminang ang mga mata niya ng makita ang bata.
"Hi there, Izzie. It's good to see you again.”
Izzie smiled sweetly. "Masaya rin po akong makita kayo.”
He chuckled and put his hands on Izzie’s hair. Marahan niyang ginulo ang buhok ng bata. Izzie just giggled. Mas lalo siyang natuwa sa naging reaksyon nito.
"I brought you something. Mamaya ko na ibigay. Nasa kotse ko pa.”
Nakita ko ang paglaki ng mga mata ni Izzie. "You bought something for me?”
Cade nodded. "Yeah… papakuha ko mamaya sa sekretarya ko."
Mas lalong kumislap ang mga ni Izzie. Hindi ko rin tuloy mapigilan na hindi matuwa. I didn't expect this but I’m happy to see Cade treating Izzie like this.
Cade looked up to me. Ngumiti siya sa akin.
“May pupuntahan ka ba pagkatapos nito?” He asked slowly.
Umiling ako. "Wala. Bakit?”
He bit his lips abruptly. Bumukas ang labi niya pero walang salita na lumabas doon. Doon ako nagtaas ng kilay sa kanya. He looks hesitant. Nagsalubong ang kilay ko doon.
“Do you have something to tell me?"
“Yeah… yes. Yes. I have…"
“Ano ‘yon?"
He pursed his lips when we heard his phone rang. Agad niyang kinuha ‘yon sa bulsa at sinagot ang tawag.
“Yes, Lilliene?” Ngumiti siya sa kausap. "Okay, fine. I’ll go now… tell Ali, I missed her too."
Binaba niya ang tawag at muling tumingin sa akin.
"I’m sorry, I have to go now.”
Umiling lang ako. "Okay lang...”
Nakatingin lang ako sa kanya na tumalikod sa amin ng anak niya at umalis.