Hurt her Nang makarating kami sa villa, isang buntonghininga ang pinakawalan ko. I bit my lips as I turned to Cade. Nakatayo siya ng matuwid at tumingin din sa akin. “Let's go inside…” ani ko. Tumango siya. "Baka tulog na siya.” "I don't know but do you want me to wake her up if she asleep by now?” Mabilis siyang umiling. "Hindi. Huwag na… okay na ako sa tingnan lang siya." mabilis na sagot niya. Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya. He's really gonna settle for that when he can finally hug Izzie? I sighed and nodded. “Okay…” Kung iyon ang gusto niya, iyon lang din ang gagawin ko. Ayoko ring pilitin siya. Sa tingin ko sa ngayon, mas mahalaga na sunduin na lang ang gusto niya sa ngayon. Feeling ko wala akong karapatan na magbigay ng opinion. “Pasok tayo…” Niyaya ko siyang pu

