Maaga pa lamang ay kailangan ko ng magising dahil sa tambak na trabaho na aking gagawin. Humalik muna ako sa noo ng aking asawa bago ako bumangon.
Mahimbing na ang kaniyang tulog kung kaya'y hangga't maaari ay ayokong magising ito, dahil ayokong magalit na naman ito sa akin. Natatakot rin ako na baka mayroong mangyaring hindi maganda sa kanila ng magiging anak namin.
She's 5 months pregnant at napakadelikado para sa kaniya ang kumilos at gumalaw, at bumuhat ng mabibigat kung kaya hangga't maari ay hindi ko ito pinapakilos, lalo na at sinabihan na kami ng doctor na anumang oras ay maaaring mawala ang anak namin. Ayokong maging sanhi na naman iyon ng depression sa aking asawa.
Napabuntong-hininga na lamang ako sa tuwing iniisip ko kung ano ang ginawa nito ng mga nagdaang araw. Masyado ko siyang mahal para kamuhian. Masyado ko siyang mahal upang katakutan. Ang aking asawa ang aking buhay at hindi ko kayang mahiwalay ito sa akin.
Habang abala ako sa pagluluto ay hindi ko man lamang namalayan na nasa likuran ko na pala ito.
"Ang bango naman niyang niluluto mo, Love. Good morning," she said, pagkatapos ay niyakap ako nito mula sa likuran dahilan na matawa ako ng mahina. My baby is so sweet at kahit kailan ay hinding-hindi ko ito kayang sisihin sa kaniyang mga ginawa. Wala siyang kasalanan at biktima lamang ang aking asawa.
"Morning too, Baby. Syempre ako pa ba?" natatawa kong turan.
"Ganito talaga ang mga guwapo, Baby, masasarap mag-luto," I jokingly said again. Ngunit napakunot ang noo ko nang hindi ko na muling maramdaman ang mga braso nito sa aking baiwang.
"Baby," I called her pero wala akong nakuhang sagot mula rito kung kaya ay mas pinili ko na lamang na lingunin ito sa likuran. F*ck! Where is she?
Hindi ko ito nakita sa kusina, pero mayroon akong naririnig na mahinang ingay sa sala. Pinatay ko na lamang ang stove upang puntahan ang aking asawa.
"Love?" pagtawag ko sa kaniya pero hindi talaga ito sumasagot. Hmm, nasaan kaya ang isang 'yon?
Napa-iling na lamang ako sa sarili. Habang tinatahak ko ang sala ay may kung anong kaba akong nararamdaman. Hindi naman sana ako magkamali ng hinala. Huwag naman sana maulit pa ang nangyari. Huwag na sana humantong pa sa isa pang pagkakamali ang lahat.
Ngunit halos hindi ako makagalaw nang makita ko ang aking asawa na siyang naliligo ng kulay pulang likido. Sa sobrang takot ko ay kaagad ko itong nilapitan at maiging tiningnan ang kaniyang buong katawan kung mayroon itong sugat at galos. At nang wala akong makita ay saka lamang ako nakahinga ng maayos. Niyakap ko ito ng mahigpit at paulit-ulit kong hinalikan ang kaniyang pisngi.
"Love," nakanguso nitong tawag sa akin habang nakangiting ipinapakita sa akin ang isang kutsilyo na ginamit niya sa pagpatay sa isang lalaki. Tama ka ng narinig, pinatay ng aking asawa ang lalaking ito.
"He's bad," 'yon lang ang sinabi niya at unti-unti ng umiyak. Kung kaya sa takot ko ay mabilis ko itong inalo at niyakap. Ikinulong ko ang kaniyang mga pisngi sa aking mga palad pagkatapos ay pinunasan ko ang kaniyang mga luha sa kaniyang mga mata.
"Galit ka ba sa akin?" Tanong nito. Napahilot na lamang ako sa aking sentido. Nakasuot ng itim na damit ang lalaki at sa tabi nito ay isang bag na nakabukas at mayroong mga alahas ng aking asawa at ang aming pera na nakatago sa isang vault. Isang masamang magnanakaw ang taong ito.
"Hindi ka masama, ginawa mo lamang ito para protektahan tayo sa masamang tao na katulad nito, kung kaya ay huwag ka ng umiyak at makakasama lamang ito sa ating magiging anak." Pagpapatahan ko sa aking asawa. Tumigil naman ito sa kaka-iyak niya kaya ay binuhat ko na lamang ito at dinala sa aming kuwarto upang pagpahingahin. Matapos ko siyang kumotan ay ipinikit na nito ang kaniyang mga mata.
"Galit ka ba sa akin dahil ginawa ko na naman ang pagpatay?" Tanong nito sa akin.
"Mahal na mahal kita at kahit kailan man ay hinding-hindi ko magawa na magalit sa'yo. Ngunit hangga't maaari ay huwag na huwag kang gagawa ng ikakapahamak mo dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung mawala kayo sa akin." Tumango naman ito, bago ako lumabas ay hinalikan ko muna ito sa noo. Pagkatapos ay kaagad akong lumabas upang ligpitin ang kalat.
Isinilid ko sa isang sako ang bangkay. Pumunta ako sa isang basement upang doon sunugin ang katawan ng lalaki. Nilinis ko na rin ang mga dugo sa sahig pati ang kutsilyo na ginamit ng aking asawa.
Nang matapos ko ang lahat ng iyon ay umupo na lamang ako sa sofa at sumandal. Hindi lamang isang tao ang pinatay ng aking asawa at lahat ng iyon ay aking nilinis at sinunog. Hindi niyo ako masisisi sa aking ginagawa dahil nagmahal lang naman ako ng isang kakaibang babae. Handa 'kong gawin ang lahat para protektahan lamang ang aking asawa, at alam kong gano'n rin ito sa akin.
Simula ng pinatay ang mga magulang ng aking asawa ay nawala na rin ito sa katinuan, at lahat ng nananakit sa kaniyang mga minamahal sa buhay ay kaniyang pinapatay. Nais ko siyang ilayo sa mundo, nais ko siyang ilayo sa mga tao upang hindi na ito makapatay pa ng iba.
Dahil siguro sa dami ng iniisip ko ay hindi ko man lamang namalayan na naka-idlip na pala ako. Mahina akong napa-ungol dahil hindi ko man lamang kayang igalaw ang aking mga kamay at paa, at halos ang buo kong katawan.
Nang sanadaling imulat ko ang aking mga mata ay halos manginig ang aking buong katawan dahil nasa isang madilim na silid ako. Sa silid kong saan ko nililinis ang mga kalat na pinatay ng aking asawa.
Tanging ang isang maliit lamang na ilaw sa itaas ng aking ulohan ang nagsi-silbing liwanag sa puwesto ko, ngunit sa ibang parte ng silid ay hindi ko na naaaninag.
Isang malakas na halakhak ang aking narinig kasabay ng pagbukas ng ilaw. Ilang ulit akong napa-iling nang makita ko ang isang babae na nakangisi sa 'kin. Hindi ko lubos maisip na gagawin niya sa akin ito.
Mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang isipin na kaya niya akong saktan na ganito.
"Bakit?" Na-iiyak kong tanong sa kaniya, ngunit hindi man lamang ito nagsalita bagkus ay sobrang bilis itong lumapit sa akin upang ibaon ang kutsilyo sa aking katawan.
Napasigaw ako ng malakas nang maramdaman ko ang pagkapunit ng aking balat at pagbaon ng isang matulis na bagay sa aking katawan. Nawawalan na ko ng hininga bago ko muling tinitigan ang kaniyang mukha. Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ko bago pumikit ang aking mga mata.