Erika's POV NAPATIGIL siya sa paglalakad ng makita niya si Manolo at ang pinsan niyang si Sabrina na seryosong naguusap. May kirot siyang nadama sa puso niya lalo na ng masuyong ngitian ni Manolo si Sabrina at nang iabot nito ang brownies na binigay niya dito kanina. Ganun din ang nadarama niyang kirot kapag nahuhuli niyang nakatingin si Manolo kay Sabrina at nung makita niya ang mga ito na magkasabay na pumasok nung isang linggo. Selos na selos siya, pero mahal niya si Manolo at ang pinsan niya kaya kinimkim niya yung sakit. Nagbulag bulagan siya at pilit na pinaniwalaan ang sarili na siya ang mahal ni Manolo. At ngayon, gusto niya ulit mag bulagbulagan pero... pero ng yakapin ni Sabrina si Manolo at gumanti si Manolo ng yakap dito alam niya talo siya. Agad na siyang tumalikod. Hindi n

