PAGKATAPOS nilang pumirma ng form sabay-sabay na silang naglakad pauwi. Namiss niya ang kuya niya. Kuya niya ang lagi niyang kasabay sa paglalakad dati pero ngayon si Gab na. Napakunot ang noo niya ng malingunan ang pinsan niyang si Erika at si Manolo na sabay na naglalakad sa likuran nila. Tinaasan niya ng kilay ang pinsan ng mag katinginan sila. Kinindatan lang siya ng luka-luka. Napangiti siya. Mukhang may something na sa dalawa. Naramdaman niya ang pag-akbay ni Gabin sa kanya kaya tiningala niya ito. Nakangiti ito sa kanya. "Ganda mo," Anito saka siya kinindatan. Sinimangutan niya ito para itago ang kilig na nararamdaman. "I know, di ka pa ba sanay." Aniya dito. Tumawa ito at para iyong musika sa pandinig niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung pati ito mawala pa

