Sabrina's POV PUMASOK siya sa masters bedroom pero wala doon si Gabin. Nilapitan niya ang anak na mahimbing na natutulog sa kama. Niyakap niya ito at tahimik na napaiyak. Mali ba siya nang magdesisyon siyang umalis noon? Ang iniisip niya lang naman noon ay ang kapakanan ni Gab pero... Ano nga kaya kung nanatili siya? Anong naging buhay nila Gabin? Siguro'y mas masaya kahit mahirap. Halos manikip na ang dibdib niya sa kakaiyak ng biglang kumirot ang puson niya. Napahawak siya doon dahil namilipit na siya sa sakit napahigpit tuloy ang yakap niya sa anak kaya ito nagising. "Aahhh..." ungol niya dahil mas lalong tumindinang sakit. "Nay... Bakit po?" tanong ni Leticia na nakaupo na sa tabi niya at hinihimas ang buhok niya. "Nay?" kita niya ang takot sa mata ng anak sa nakikitang paghihi

