Sabrina's POV WALA siyang nagawa kundi isama si Gab papunta sa Bulacan. Inintay lang nilang ma-discharge si Gavin at bumiyahe na sila. Nag-convoy na lang ang dalawang sasakyan. Dun sana siya sasakay kay Jude pero ipinagtulakan siya nito kay Gab. Si Gavin na lang daw ang isasakay nito para makapag-usap sila ni Gabin. Na hindi naman nangyari. Wala silang imikin sa anim na oras na biyahe nila ni hindi man lang siya kinausap nito. Kahit nang dumaan sila sa drive thru di man lang nito itinanong kung anong gusto niyang kainin basta na lang itong umorder at iniabot sa kanya. Ngayon nasa McArthur highway na sila papunta sa Marilao. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Gusto niya itong kausapin pero napipigilin siya ng madilim na anyo nito. "Iliko mo diyan sa Mabel compound, diretso tapos unang

