Sabrina's POV MASAKIT ang buong katawan niya pero masaya siya ng magising siya. Agad niyang hinanap si Gabin ng magising siya. Tumayo siya kipkip ang kumot para i-check sa banyo kung nandoon si Gabin. Pero wala. Hanggang sa nakita niya ang perang nasa ibabaw ng kama. Nilapitan niya iyon. Napaupo siya sa tabi ng mga pera. Bayad. Para sa bayarang katulad niya. Napaiyak siya. Akala niya makakausap niya si Gabin ngayon. Balak niya na sanang magpakialla dahil for sure naman makikilala at makikilala siya nito kapag nawala ang lasing nito. Pero mukhang wala itong pakialam sa isang katulad niya. Isang waitress sa bar na nagpapa-table sa mga costumer. Umiyak siya ng umiyak hanggang sa makontento siya. Saka siya nag-ayos ng sarili. Naligo siya at nagbihis. Bumaba siya sa dressing room nila a

