Napalunok ako nang mabasa ko ang text ni damian pero mas pinili kong balewalain nalang yon dahil ang importante magkikita kami ngayon ni ashloggggg!!
"Dito nalang po" sabi ko sa driver kaya tinabi naman nito ang taxi tas nagbayad nadin ako dito
Habang naglalakad ako ay may bigla akong nakitang familiar na bulto ng katawan kaya lumapit ako don at kinalabit ko to pero biglang
"Syyyyy!!!" malakas na sabi nito sakin at yinakap ako nito ng mahigpit kaya naka angat na ngayon ung paa ko sa lupa habang sya ay umiikot ikot ayts nakakahilo!kaya nakatingin na samin ngayon ang mga tao kaya napatawa nalang din ako dahil parang bata to na tuwang tuwang habang naka yakap sakin kaya yinakap ko nalang din to pabalik
Maya maya pa ay humiwalay nadin to ng yakap sakin
"Kumain kana?" tanong sakin ni ashlog habang nakangiti to at mas gwapo sya huh kaya siguro kami pinagtitinginan ngayon dahil ang gwapo nentong kasama ko
"Hindi pa nga e, libre moko" sabi ko dito tas kumindat ako at nakita ko namang napa iling to at inakbayan ako kaya humawak ako sa bewang nito dahil sanay naman kami sa ganito dahil sa probinsya lagi kaming magkasama hindi nga daw kami napaghiwalay e sabi ng mga kapitbahay namin tas madalas din kaming pagkamalan na magkasintahan HAHAHAHAHA
Dinala ako ni ashlog sa isang restaurant
"Naks mukhang mamahalin dito ah" sabi ko dito dahil namimili na to ng pagkain at mga nakabihis talaga ang mga tao dito sa restaurant buti nalang maayos ang suot ko pati nadin ang suot ni ash
"Naman Mahal naman kita e" sabi pa nito sakin bago to tumawa kaya napatawa nadin ako
"Loveyoutoo" natatawa kong sabi dito nakita ko namang namula to kaya napatawa na ako talaga kaya sumimangot naman to
"Umorder kana nga" nakangusong sabi nito sakin kaya napangisi ako at binigay kona ang order ko sa waiter
Nakain na kami ngayon na kami ngayon at walang nag tangkang basagin ung katahimikan dahil ang ganda nung tinutogtog nang musikero na kanta kaya inienjoy nalang namin yon napatingin ako sa orasan ko at nakita kong 9:30pm na kaya nagmadali nakong kumain
Pagkatapos kong kumain ay pagtingin ko kay ash ay tapos nadin pala to kumain at titig na titig to sakin kaya tinaasan ko to ng kilay ko kaya natauhan naman to at nilabas nito ang selpon nya
"Picture tayo bilis" sabi nito sakin kaya tumango ako dito at ngumiti nakita ko namang tinapat nya na samin ung camera kaya pumost na ako at ilang click pa ung ginawa nya kaya ang dami naming picture don!
Andito na kami ngayon sa arcades kaya naglalaro kami ngayon ng barilan, ang saya naming dalawa habang naglalaro tawa lang kami nang tawa at ngayon naman ay andito na kami sa stuff toy kumukuha si ashlog ng stuff toy pero wala syang makuha nakita ko namang parang iiyak nato kaya lumapit nako dito
Yumakap naman agad to sakin
"Maduga ung kamay dumudulas ung stuff toy" umiiyak na sabi sakin ni ashlog kaya ginulo ko ang buhok nito dahil nagiging isip bata nanaman to HHAHAHAHHA
"Ako na nga kukuha prffft" natatawa kong sabi dito kaya umalis naman to sa pagkakayakap sakin at inirapan ako nito
"Pinagtatawanan mo pa ko" naiiritang sabi sakin ni ashlog kaya napatawa ako.
"Ganito kase yan, manood ka tanga ka" sabi ko pa dito at nakita ko namang sumimangot to kaya tinuon kona ang atensyon ko sa machine at sinimulan kona kumuha ng stuff toy.
Hanggang sa
"YEHEEYYY!! " sigaw naming dalawa dahil nakakuha ako ng stuff toy at binigay ko yon sa kanya kaya bitbit bitbit nya yon mukha tuloy syang bata HAHAHAHAHAH
Hanggang sa pauwi na kami ngayon dahil 10:00pm na at magsasara na ung greenhills nabitin pa nga kami e pero okay lang kasi nakapag bonding kami at ang saya non!
Wag muna tayo umuwi syyy! Parang batang sabi sakin ni ash habang hinihila ang laylayan nang damit ko kaya humarap ako dito
"Osige San naman tayo pupunta kung ganon" mataray kong sabi dito
"BARRR!!!!" ganadong ganadong sabi nito sakin
Kaya dahil makulit to napilit nya kong pumunta dito sa bar at andito na nga kami sa loob ng bar ngayon ang ingay! Ngayon lang din kasi ako pumunta ng bar
Nakita ko naman si ash na nasa dance floor na at mukha may tama nato dahil kanina patong nainom ng alak ayttsss! Pano ko nga ba sya naging bbf?!
Habang ako andito sa counter table hawak ko padin ung alak na binigay ni ash, nacurious ako kung anong lasa non kaya ininuman ko yon at agad nalukot ang mukha ko dahil sa lasa nitong margarita dahil ang pait non! Kaya naduduwal ako
Pero akmang pupunta nako ng restroom ng biglang may humatak sa kamay ko at ang higpit non dinala ako nito sa madilim na parte dito sa restroom kaya tinutulak ko to papalayo sakin
"Really huh? bonding in bar ganon ba cossy" sobrang diin sabi ni damian?
"Damian?" kinakabahang tanong ko dahil kahit madilim dito naaamoy ko ang matapang na pabango nito at nakikita ko din na magkasalubong na ang kilay nito dahil sa pagkakakunot ng noo nito
"Oh! I'm glad that you still remember me" Sarcastic na sabi nito sakin kaya napanganga ako
Nagulat ako ng bigla akong hatakin nito sa Kamay at dumaan kami sa fire exit kaya andito na kami ngayon sa parking lot at kami lang ang tao dito pero bigla kong naalala si ash kaya nagpumiglas ako pero sadyang mas malakas to sakin kaya binitbit ako nito na parang bigas
"Damian! Pakawalan moko si ash!" galit na sabi ko dito kaya hinahampas ko ngayon to sa likod pero hindi to natitinag pero napatigil ako bigla
Dahil pinalo ako nito sa pwet!
"Behave" madiing sabi nito sakin kaya tumahimik nalang ako dahil inaantok nako
Maya maya pa ay naramdaman kona inupo nako nito sa front seat ng sasakyan nya at nilalagyan nya ko ng seatbelt ngayon kaya sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko
Napansin naman nito na nakatitig ako sa Kanya kaya nag angat to nang tingin at ang sama non kaya napasimangot ako at nakita ko namang na nakatingin na sya ngayon sa labi ko
Agad naman akong napapikit dahil dinampian dampian nya na nang halik ang labi ko kaya napahawak ako sa batok nito
Pero humiwalay naman to agad sakin kaya nabitin ako amp! Gumaganti sya sakin ah!
Lumapit naman to sa tenga ko at bahagya nya pang kinagat yon kaya napa ungol ako nang mahina at syaka sya bumulong sakin
"BE READY TO YOUR PUNISHMENT " mahinang sabi nito sakin at hinalikan muna ako nito sa pisnge bago to umikot sa sasakyan at nakasakay naman to agad dito sa sasakyan kaya inistart nya na ung motor nitong sasakyan
Hindi kona namalayang na nakatulog na pala ako pero naramdaman ko pa ang paghalik nito sa labi ko
"YOU'RE GONNA PAY TO MAKE ME JEALOUS " madiin pang sabi ni damian