Halos mag-iisang buwan na simula no'ng maikasal kami ni Franz at nalalapit na rin ang church wedding namin na unang napagkasunduan ng aming pamilya. Nabalitaan kong lumipat sa ibang school si Ma'am Sabrina at huling pagharap na namin iyong sa pamanhikan. Mabilis kumakat sa buong school ang tungkol sa matagal nang paghihiwalay nina Franz at Ma'am Sabrina at ang pagkaugnay ng huli kay Felix. Iba't ibang espekulasyon ang lumabas hinggil sa unang napabalitang pagpapakasal ni Franz at Sabrina na muling nabuhay dahil sa pagkabunyag sa relasyon ng huli kay Felix. At ang dahilan nang pagsapubliko ng nasabing relasyon ay walang iba kundi ay si Ate Rhea. Hindi ko inakalang dakilang chismosa pala ang pinsan kung iyon. Mula sa aming dalawa ni Franz ay nalipat ang spot light kay Felix at Sabrina.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


