Chater two

1550 Words
Mabilis lumipas ang buwan at di nya namalayan na dalawang taon na hindi nya na nakikita na kahit anino ni anton, at alam nya na inalis narin ito ni lolo nya sa kumpanya,at kahit nakaramdam sya ng awa dito ay deserve nito ang mga nangyari dito.. nag focus narin sya sa kanyang pag aaral,nasa ikatlong taon na sya sa kolihiyo, at gaya noon marami parin ang umakyat ng ligaw sa kanya pero wala syang pinansin na kahit isa, sariwa pa sa puso nya ang sakit ng unang pagkabigo kaya wala na muna syang balak na umibig pa muli... Gia"shopping tayo mamaya"yaya ni kristina ang best friend at kababata nya.. sure"pag payag nya..medyo matagal tagal narin naman huli syang lumabas at mag mall.. nakikisakay lang sya sa kotse ni kristina dahil tinamad syang mag dala ng sariling sasakyan.. hindi naman mabilis ang pag papatakbo nila.. masaya silang nagkwentuhan ng bigla may nabundol sila na kung ano.. kinakabahan na lumabas sila sa kotse.. nasa intersection sila at hindi nila namalayan na may biglang tumawid at nabundol nila ito.. hindi naman kasalanan ni kristina dahil na ka go signal na sa deriksyon nila ang may kasalanan ay ang taong nabundol nila.. Gi"nakapatay ata ako"nanginginig sa takot na wika ni kristina ng makita namin ang isang lalaking nakadapa at duguan ito.. mukha itong kargador dahil may iilang sako ng gulay ang nagkalat sa daan.. lumapit ako at pinulsuhan ito.. buhay pa sya"ani ko at tumawag agad ng ambulance.. dinala namin sa pinakamalapit na hospital.. agad dinala sa emergency ito ng ibigay ko ang id ko,inasikaso agad.. kilala ang lolo ko na maimpluwensyang tao kaya hindi nag dalawang isip ang mga doktor na asikasuhin ang pasyente.. Gi"natatakot ako"sana maging ok sya..ani ni kristina..hinawakan ko ang kamay nya..."wag kang mag alala magiging ok sya"pampalakas loob ko" binigay sa akin ng doktor ang gamit ng pasyente..binuksan ko ang plastik na lalagyan at binasa ang pangalan sa id nito.. Anthony de silva jr"de silva?napakunot ang noo ko,bakit kapangalan ito ni anton.. tiningnan ko ang mukha sa id,naapagwapo nito kung gwapo si anton mas lamang ang ka gwapuhan nito dahil hindi nakakasawang pagmasdan.. trese anyos pa ito?di makapanilawang tanong ko sa sarili.dahil sa bulas ng katawan nito para na itong mama sa tangkad at laki ng katawan... Gi"pwede bang umuwi muna ako dahil tumawag ang daddy"ani ni kristina.. pumayag naman ako dahil tapos na ang operasyon at succesfull ito,ililipat nalang ang pasyente sa private room.. nang makaalis si kristina pinagpatuloy ko ang pagtingin sa gamit ng pasyente.para tawagan ko ang magulang nito... may de keypad na celpon ito.. agad kung hinanap ang number na pwede kung tawagan.. nakita kong may papa na nakalagay sa phonbook nito,iyon ang pinindot ko.. di nagtagal nakarinig ako na karalgal na boses, hello"kayo po ba ang kaanak ni Anthony de silva?tanong ko.. opo'sino sila.. sir'nasa hosital po ang anak nyo'pero wag po kayong mag alala dahil ligtas naman po sya..pumunta po kayo dito sa miller hospital.. nang matapos ang pag uusap nila nang nasa kabilang linya ay pumasok na sya sa private room.. nabungaran nya ang maamong mukha nito kahit nagkulay kayumanggi ito dahil siguro sa trabaho nito,pero hindi maitatago ang kakaibang kagwapuhan nito..nakakahalina pagmasdan.. lumapit sya na hindi inalis ang tingin dito.. parang kinirot ang puso nya ng makita ng malapitan ang mukha nito,hindi nya malaman na dahilan kung bakit naawa sya dito, inilapit nya ang mukha, naamoy nya ang natural na bango sa katawan nito,nakaramdam sya ng kilig, shit nababaliw na ata ako"bente anyos na ako pero nakaramdam ako ng kilig sa binatilyo na ito,tumigil ka Gianna"trese lang ang batang ito.. inayos nya nalang ang kumot at ang mga gamit nito.. tumawag narin sya sa mansyon at nagpadala ng mga iilang gamit nya at ganoon din sa binatilyo pinabilhan nya sa katulong.. lumipas ang ilang sandali ay bumukas ang pinto, nagtataka syang napatingin sa pumasok isang nars at isang lalaking naka wheelchair na tulak tulak nito.. para syang napako sa kina uupuan na makalapit ito at mamukhaan, Anton?usal nya.. Gianna?mahinang tawag din nito sa kanya.. hilam sa luha na lumapit ito sa kanya gamit ang kamay na pinihit ang whelchair.. gianna"salamat at nakita kita"anito nang makalapit.. walang araw na hiniling ko na makita ka, sinubukan kong lapitan ka kaya lang hinaharang ako ni don Recardo, Gianna"gusto kong humingi ulit ng tawad sayo bago ako aalis sa mundong ito"mapait na ngumiti ito.. anong ibig mong sabihin?naguguluhan na tanong ko.. malala na ang sakit ko"at dahil nalang sayo kaya ako lumalaban pa,gusto kong humingi ng tawad at kakapalan ko narin ang mukha na humingi sayo ng pabor"anito na malungkot tumingin sa mahimbing na natutulog na binatilyo.. ano bang pinagsasabi mo?di kita maiintindihan?gulong gulo na ang isip ko..si anton may sakit at malala na?hindi ito ang gusto kong makita sa muling pagtatagpo namin..gusto kong makitang masaya ito kasama ang pamilyang pinili nito noon... Gi"may lungs cancer ako at stage 4 na ito"at anumang sandali ay mamatay ako"gusto ko lang sanang humiling sayo sa huling sandali"mapait na ngumiti ito at inabot ang kamay ko . hinayaan ko naman ito.. ampunin mo ang anak ko para hindi na sya malalapitan ng ina nya"anito at may luhang dumaloy sa mga mata nito.. anong ibig mong sabihin? gusto kong ilayo mo ang anak ko sa ina nya na walang ginawa kundi pag trabahuin sya at kunin ang pera para sa kabit nito"dahil sa hindi kona maibigay sa kanya ang lahat nang gusto nya si anthony ang pinagtatrabaho nya,Gi ikaw nalang ang nag iisang pag asa ko"naawa na ako kay anthony"tumingin ito sa anak nito.. bata palang sya sa palengke na umiikot ang buhay nya at ni hindi sya nakapag aral,dahil sa ina nya,mula ng mawalan ako ng trabaho at nagkasakit sumama na sa ibang lalaki ang asawa ko at ginagamit ang anak namin para magkakapera ito at ang kabit nya"umiiyak na kwento nito.. parang dinurog ang puso ko,hindi ko akalain na ganito ang mangyayari ng maghiwalay kami.. minahal kita noon Gi"ikaw ang pumuno sa pagkukulang ni ester sa akin pero hindi ko kinaya na gamitin ka ni ester para perahan,natatakot ako noon sa sinabi nya na lapitan ka nya at hingian ng malaking salapi para sa relasyon natin, ayaw kung mangyari iyon"kaya inunahan kuna sya"kahit masakit ay nilayuan kita at ako narin mismo ang umalis sa trabaho dahil sa sakit ko"malungkot itong tumingin sa akin at ngumiti.. anton"mahinang usal ko.. ang puot na nanatili sa puso ko ay napalitan ng awa,awa para sa lalaking unang minahal ko.. Gi"nagmamakaawa ako"ilayo mo si anthony"anito.. tumango ako."oo ilalayo ko sya at walang pweding manakit sa kanya"pangako ko.. patawarin mo ako Gi"mahinang wika nito.. Oo pinapatawad na kita anton"sagot ko na malungkot tumingin dito.. ngumiti ito sa akin,bago lumapit sa anak at hinawakan ang mukha ng binatilyo.. patawad anak dahil waka akong nagawa sayo noon,pero bago ako aalis sa mundong ito sisiguruhin kong hindi kana maghihirap muli"anito at hinalikan sa noo ang anak nito, iniwas ko ang tingin dahil hindi ko matagalan ang tagpong iyon,lumabas ako at tinawagan ang abogado para sa adoption paper,ipina adap ko sya sa pangalan ng lolo ko,dahil sa edad ko na bente hindi ko sya maampon bilang anak dahil sa edad namin kaya sa lolo ko nalang,tumawag narin ako kay lolo kaya alam nya narin ang lahat at hindi naman ito tumutol sa gusto kung mangyari... inilipat ko narin si anton sa ospital na iyon doon ko sya mismo pinatuloy sa private room kung saan ang anak nito para makasama nito ang anak,nagpadagdag narin ako ng higaan dahil malaki at nalapad naman ang silid na iyon, nagpatawag narin ako ng mga dalubhasang doktor para sa mag ama, lumipas ang isang linggo unti unti ng nang hihina si anton, habang kausap ko ito ay napalingon ako sa isang higaan dahil nakarinig ako nang pag galaw, si anthony gising na, lumapit ako, hi"gising kana pala"matamis akong ngumiti dito.. nasaan ako?kunot ang noong tanong nito.."at sino ka? ako pala si Gianna"nasa hospital ka,dito ka namin dinala ng mabangga ka namin.. kailangan ko ng lumabas"mahal dito at kailangan ko ng magtrabaho"anito at tinangkang tumayo.. hey"hindi kapa pweding umalis"inihiga ko sya ulit.. walang problema sa babayarin dito dahil sagot ko na iyon lahat,ang gawin mo nalang magpalakas para makauwi na tayo"nakangiting wika ko..at inayos ang kumot nito.. pero bigla itong napakunot noo,"uuwi tayo?anong ibig mong sabihin? saka na natin iyon pag usapan,magpahinga kana lang muna ha"ani ko at umupo sa tabing upuan nito.. lumingon naman ito sa katabing kama, papa?usal nito.. dahan dahan lumingon si anton.. anthony anak"garalgal ang boses na turan nito... hindi nya na napigilan ng tumayo si anthony at lumapit sa ama nito,inalalayan nya nalang ito..ang sabi nang doktor ay ok narin naman ito ilang araw lang pwede narin itong lumabas.. papa"anito at umupo sa tabing higaan. nagpaalam muna sya para makapag usap ang mag ama, sa labas lang sya nakaupo hinihintay na matapos ang pag usap ng dalawa.. mga ilang sandali ang lumipas bago may mga doktor na nagmamadaling pumasok sa silid bago nya narinig ang malakas na palahaw na iyak ni anthony.. nagmamadali syang sumunod at lumapit kay anthony at mahigpit nya itong niyakap ng makitang parang babagsak ito at nanghihina sa kakaiyak.. shhh"it's ok,hindi na sya maghihirap pa"alo nya dito.. mahigpit din itong yumakap sa kanya at umiiyak sa balikat nya... time of death"11:20.. to be continue....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD