NAPABUNTONG hininga sya habang pinagmamasdan ang magandang tanawin mula sa kanyang bintana,
nasa loob na sya ng hotel kung saan sya pasamantalang mananatili,
nagkalat din sa lamisa ang mga papel na binigay ni kristina kanina,
naglalaman ito ng mga secreto ni janice,
secreto na wala naman talaga syang paki alam doon dahil wala naman silang relasyon,nagalit lang sya dahil sa mga kasinungalingan nito...
matapos nyang basahin iyon ay galit nyang iniwan si janice sa hospital,
nalaglag nga ang bata na nasa sinapupunan nito pero hindi si gia ang dahilan kundi ang lalaking nakabuntis dito,
sinabihan nyang wagna na itong magpapakita pa sa kanya,
ang kinagalit nya ay yung sinabi nitong anak nya ang bata pero ang totoo hindi naman pala,
tumawag din sa kanya si gia pero hindi nya iyon sinasagot,
wala rin naman silang pag uusapan at kahit pa hindi ito ang dahilan sa pagkalaglag ng anak ni janice ay wala rin syang balak na makipag ayos dito,
napalingon sya ng tumunog ang telepono na nasa gilid nya,
yes?tanong nya sa kabilang linya..
sir'may naghahanap po sa inyo dito sa lobby babae... kristina daw po ang pangalan nya"gusto raw po kayong makausap"anito sa kabilang linya...
ok'paakyatin mo"sagot nya at ibinaba na ang tawag alam nyang si gia naman ang may pakana nito,
maya maya nakarinig sya ng doorbell agad nya itong binuksan,
bumungad ang balisang mukha ni kristina,
gusto nya sana itong tanungin pero nag dalawang isip sya ipinag walang bahala nya nalang nya ito..
anthony'nandito ako para makiusap sayo''''malungkot na wika nito..
pinapapasok nya ito sa loob at ituro ang sopa para maupo ito roon,
pero imbis na umupo dumiretso ito sa salamin kung saan kita ang magandang tanawin,
at bumuntong hininga ito na tila may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib...
anthony' alam kung nasaktan ka ni gia noon'pero nakikiusap ako sana puntahan mo sya at pakinggan dahil walang ibang iniisip ang kaibigan ko kundi ikaw lang"anito..
kinuyom nya ang kamao,
pati ba naman kaibigan nito ginamit para makuha ang gusto nito,hindi na sya mag papa uto pa ulit tulad noon,
kung pinapapunta ka dito ni gia para kausapin ako ay walang magbabago hindi na namin maibalik ang nakaraan kristina"pakisabi sa kanya na tigilan nya na ako'kausap nya rito sa naiinis na tuno..
gaano naba katigas ang puso mo para sa kanya?malungkot itong lumingon sa kanya at hindi nakaligtas sa mga mata nya ang kakaibang kalungkutan nito...
nagtataka man ay naninindigan sya,
tapos na ang sa amin o meron ngaba kami noon"sagot nya..
wala na akong magagawa kahit ayaw mo kailangan kung sabihin sayo ang katotohanan kahit sinabi nya sa akin na ilihim ko ito saiyo"ani ni kristina..,
anong ibig mong sabihin?naguguluhang tanong nya,
makining ka dahil sasabihin ko sayo ang secreto ni gia ang buong pangyayari kung bakit ka nya kinailangang iwan noon,
hindi na sya nagsalita pa at tumango nalamang at mataman na nakitingin dito hinihintay ang mga sasabihin....
noong araw na dinala ka ni gia sa mansyon iyon ang araw na nalaman nyang may sakit sa puso ang lolo nya"umpisa nito..
umiiyak sya nang araw na iyon tinawagan nya ako sinabi nya na paano nalang kung mawawala ang lolo nya mag isa nalang sya sa buhay,
sinabi ko sa kanya na hindi sya nag iisa nandito ako at ikaw"
kaya lumaban sya,nagkaroon sya ng lakas at inamin nya rin sa akin na dahil iyon sa saiyo,
napaisip si anthony,
iyon ang araw na may namamagitan sa kanila ng dalaga,
mahal ka nya noon paman'napatingin sya kay kristina dahil sa sinabi nito,minahal na sya ni gia noon pa?nasaisip nya..
nagpatuloy ito at mataman naman syang nakikinig...
ang sabi ng lolo nya ay hindi ito mag pa opera hanggang hindi sya nakapag tapos sa pag aaral at sya ang halili rito sa mga negosyo,
isinubsob nya ang sarili nya sa pag aaral at sa negosyo nila..
halos wala na syang oras para kumain o matulog man lang,
hanggang nakapag tapos sya,
naalala kopa ang araw na iyon"nakita nyang mas lalong nalungkot ang mukha ni kristina,
subrang saya nya ng araw na iyon nagpasama pa sya sa akin sa pamimili para sa birthday mo,
pero ang saya na nararamdaman nya ay bigla nalang naglaho nang tumawag ang private nars nang lolo nya ar sinabi nitong lumala na at bilang nalang ang araw ng abuelo nya..
gulat syang napatingin kay kristina,ibig sabihin wala man lang syang nalalaman sa mga panahon na iyon na may ganoon palang nangyayari,
malungkot naman itong lumingon sa kanya..napa buntong hininga ito at nag patuloy sa pangkukwento...
agad syang lumipad papunta sa Amirika,
at ibinilin nya sa akin na wag sabihin ito saiyo dahil ayaw nyang magulo ang isip mo noon dahil nag aaral ka,
anim na buwan syang naroroon,
matapos e cremate ang bangkay nang lolo nya ay agad syang umuwi rito hindi na sya nakapaghintay pa,
pero masyado syang nasaktan at ibinuhos sya nalang ang kalungkutan sa pagtatrabaho,
at dahil saiyo unti unti nyang natatanggap na wala na ang lolo nya,
akala ko noon tuloy tuloy na ang saya nya,
madalas nyang sabihin sa akin na mahal na mahal ka nya,
sinabi ko naman sa kanya na dapat sabihin nya sayo na mahal ka niya,pero
ang sagot nya sa akin,
hindi pa pwede dahil bata kapa at ayaw nyang maging hadlang sya para maging normal kang binatilyo,
lahat binigay nya sayo anthony,
nang malaman nyang nakikipag date ka kay unice noon,
umiiyak sya,magdamag syang umiyak noon,
nagalit ako noon sa kanya,
bakit kasi ayaw nya pang aminin sa iyo ang lahat o ipaglaban ka"
alam mo ba kung anong sabi nya?lumingon ito sa kanya na may dismayadong ngiti sa labi.
hindi pwede kris'gusto kong maging masaya sya at maging normal,magkaroon ng normal na buhay"yan ang sinabi nya parang gusto ko syang batukan noon"
napatingin sya ulit kay kristina dahil tipid itong ngumiti pero hindi umabot sa mga mata,naalala siguro nito ang nakaraan,
hindi pa natapos ang ka gagahan nya tinulungan nya pa ang pamilya ni unice,
binigyan nya ang mga ito ng malaking halaga at tinulungan na maitayo muli ang negosyo,
pero umalis ang mga ito at walang kinalaman si gia doon,
napakuyom sya ng kamao,naiinis sya sa sarili....
ang akala ni gia wala ng babaing makakaagaw sayo mula sa kanya pero dumating si janice nagparaya sya ulit at ang sabi nya sa akin kahit masakit ipapaubaya ka nya pero nang malaman nya na pera lang habol sa saiyo inutusan nya ang tauhan nya na gumawa ng hakbang para mailayo ang babaing iyon sa iyo...
nang tuluyang mawala ang mga babae sa buhay mo nakita ko kung gaano sya kasaya,
lagi syang nakangiti at kahit sa trabaho ay masaya sya..
akala ko noon tuloy tuloy na ang sayang naramdaman nya,
pero dumating ang doctor nang lolo nya,
at sinabi nito may sakit rin sya sa puso" .huminto ito at bumuntong hininga ulit,tila nag iipon ng lakas ng loob para ituloy ang mga sasabihin..
namana nya sa lolo at sa magulang nya,
namatay ang magulang nya noon dahil sa car accident dahil inatake sa puso ang ama nya habang nagmamaneho ito"patuloy nito..
inheritance kumbaga nila ang sakit sa puso"
bago paman umuwi rito si gia ay pinilit sya ni Philip na mag patingin at kahit hindi pa lumabas ang result ay nagmamadali na syang umuwi dahil saiyo,
alam mo bang hindi pa natapos ang sakripisyo nya sayo?umiiling iling na lumingon ito sa kanya,
hindi pa iyon ang kabaliwan ng kaibigan ko sayo anthony"
pumunta dito si philip at kinumbinsi sya na maaga mag pa andergo para mas maaga mas malaki ang chance na hindi lumala,
pero kahit anong pilit namin hindi sya pumayag"
alam mo ba kung bakit ayaw nyang umalis?
dahil ulit saiyo"kaya nagagalit ako sayo,gustong gusto kong sabihin saiyo at sisihin ka pero nakikiusap sa akin si gia na ilihim iyon,
walang nagawa si philip umalis nalang ito..
pero ang kabaliwan ng kaibigan ko sayo ay hindi pa natatapos doon"
binalaan na sya noon ni philip na bawal syang mabuntis,
pero ginawa nya parin,
pinilit namin sya na ipalaglag ang bata na nasa sinapupunan nya,
napatingin sya kay kristina dahil bigla itong tumahimik,
nakita nyang pinunasan nito ang luha na tumulo sa mga mata nito,
nang araw na iyon nakita ko kung gaano ka nya kamahal anthony"
lumuhod sya sa harapan namin ni philip at nagmamakaawa na wag alisin ang anak nyo"
kaya nyang isakripisyo ang buong buhay nya para sayo"
alam moba kung gaano ka dilikado iyon para sa kanya?tuluyan na itong umiyak at kahit nakatalikod ay kita nya ang pag galaw ng balikat nito....
mamatay sya anthony buhay nya ang kapalit,hindi nya iniisip iyon para hindi lang mawala ang anak nyo"
napayuko sya at napakuyom ang kamao,
masagana ring tumulo ang mga luha nya,malaki pala ang ginawang sakripisyo ni gia kumpara sa mga naranasan nya walang wala pala ito,
pinilit namin sya na pumunta ng amirika at doon sya mananatili para maalagaan ng dalubhasang mga doctor,
sinabi nyang hindi ka nya maiiwan,natatakot syang mawala ka mas pipiliin nyang maghihirap basta makasama ka lang nya,
lumipas ang ilang buwan pero isang araw hindi na nakayanan ng puso nya ang pagbubuntis kaya nanghihina sya,
hindi nya alam ng dalhin namin sya sa amirika,
pagkagising nya nagmamakaawa syang ibalik namin sya dito pero hindi kami pumayag,
isang umaga hindi namin alam ni philip tumakas sya papuntang airport,
at dahil sa nanghihina pa sya natumba sya at tumama ang ulo nya sa semento,
nagkaroon ng bleeding sa utak nya at kailangan ng operahan,ang sabi ng doctor maliit lang ang chance na mabuhay sya,at kung magising sya baka wala na syang maalala pa...
subra ang takot na naramdaman ko noon"bumuntong hininga ulit ito..
akala ko mawawala na sya,dahil sa pinsala,
pero matapang si gia lumaban sya at kahit nakahiga nalang nanatili syang buhay hanggang sa lumaki ang kanyang tyan,
makalipas ang ilang buwan kinailangan na syang e cesarean dahil dilikado na ang lagay nya..
matapos syang operahan ay na comatose sya,
inalagaan ko ang bata at araw araw ko syang dinadala kay gia para magising ito,para maramdaman nyang may naghihintay sa kanya,"
pero lumipas ang ilang taon,at kahit ganon hindi ako sumuko,
araw araw ko syang kinakausap hanggang sa umabot ng siyam na taon,isang araw bigla nalang syang nagising,
subrang saya ko,
akala ko tuluyan kana nyang makalimutan pero hindi,
ikaw ang unang hinanap nya,
umiiyak sya ng sabihin kung sampung taon na ang lumipas mula ng dalhin namin sya sa US,
ilang ulit syang nagmamakaawa na iuwi na sya kahit naghihina pa,
makalipas ang isang buwan ay hindi na namin sya napigilan na bumalik rito,
at kahit hindi pa siya gaanong magaling ay umuwi sya"at kanina nasa ospital sya dahil nanghihina pari sya pero------lumingon si kristina sa kanya at umiiling iling...
diko hilingin sayo na mahalin mo ulit si gia pero sana pakinggan mo lang sya,
at kung hindi talaga sya importante sayo sabihin mo sa kanya para hindi na sya mahirapan at umasa"dahil bilang kaibigan nasasaktan ako kapag nakikita syang ganoon"
to be continue...........