"Punyeta kasi," nangigigil na sambit ni Thana. "Nga pala, Kara ingat-ingat sa Cellina Madrid na 'yan. You know, malandi 'yan eh. Ex 'yan ni kuya pero kung maka-react akala niya sineryoso siya," nakataas ang kilay na ani ni Cassandra. Napatango lamang si Kara habang nakatingin kay L na nakikitawa sa ibang tao habang nagmamalaking ipinapakilala ang anak niya. Napangiti naman siya at talagang pinangatawanan ng binata ang pagiging ama nito sa anak nila. "Kara, alam mo bang gustong-gusto kita para sa kapatid ko?" patay malisyang ani ni Cassandra. Agad niyang nilingon ito. "H-huh?" "Sa aming tatlo ako nalang ang wala pang asawa. At nararamdaman kong kailangan ka ng kuya ko. Hindi ko pa nakikitang ganiyan ngumiti si Kuya L. Ganiyan lang 'yan si kuya, playboy sa mata ng ibang tao pero alam mo

