"Bes? Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ni Elena sa kaniya. Kasalukuyan itong nakapapak ng stick-o at nakatayo sa likod niya. "Hindi pa bes may tinatapos pa ako eh." Pagod na sambit niya sa kaibigan. Mula nang umalis siya sa Hotel ay na approve ang promotion ng kaibigan niya’t na assign siya sa main branch ng company. "Mauna ka nalang ha, take care sa pag-uwi mo." Sambit niya habang nakatutok pa rin sa computer. "Oh, sige hinihintay na rin kasi ako ni Pablo sa labas alam mo na. Sige alis na ako ikaw rin mag-iingat ka." "Oo naman bye. Ang landi mo talaga." Natatawang sambit niya dito. “Magka level lang tayo best.” Nakangiting aniya. Natawa naman agad siya sa narinig. It's already 9:30 pm pero hindi pa nakauwi si Kara. Sumasakit na rin ang likod niya. Nag OT na naman siya dahil nag

