Binuhat naman agad ni L si Kara na umiiyak. Naaawa siya sa Kalagayan nito ngayon. Gagawin niya ang lahat at pagbabayarin niya ito. He'll make sure that they'll suffer. "Kara?" nag-aalalang sambit niya dito. Nanatiling nakayakap ito sa kaniya. "L, pagod na pagod na ako. Salamat at dumating ka. Akala ko.. akala ko talaga iiwan mo na ako," mahinang aniya kababakasan ang saya at ginhawa sa bawat salitang binibitawan nito. "Pasensiya ka na ha at medyo nahuli ako ng dating. Pinuntahan ko pa kasi ang mga magulang mo." Agad namang iminulat ni Kara ang mga mata niya at napangiti. "Kaya pala hindi nagalit si papa." Nakangiting aniya at mas lalo pang iniluklok ang mukha niya sa leeg nito. Ang bango talaga. "Napaka walang-hiya talaga ng mag-amang iyon. Magpahinga ka muna aasikasuhin ko muna an

